CHAPTER 28

729 14 2
                                        

Luna


Hindi ako mapatahan ni Jigo sa pag-iyak kahit inaalu na niya ako. Everytime I try to stop myself from crying, the pain automatically flashes in my mind na mas lalong nagpapaiyak sa akin. Kahit halos hindi na rin ako makahinga ay parang gripo ang mga mata kong patuloy lang sa pagtulo ng mga luha.

"Stop crying, Luna. You're making me worried." Marahang sabi niya sa akin.

Umiling ako at kumuha ng panibagong tissue sa box.

"J-Jigo..." sumisinok ako habang nagsasalita. Tumulo ulit ang mga luha sa pisngi ko.

Kumuha rin siya ng tissue at siya na mismo ang pumahid no'n sa pisngi ko.

"Stop crying for that worthless man!" He said with irritation.

Umiling ulit ako. No, he isn't, I said to myself.

Gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong alamin kung ano ba talaga ang nangyayari. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig sa kanya ang buong detalye ng nabasa ko.

Maybe he was damn busy and pre-occupied with things.

Tama. Wala pa akong napapatunayan kaya hindi dapat ako magluksa ng ganito!

I took out my phone and tried to dial his number again. Pero bago ko pa nagawang tumawag ay inagaw ni Jigo iyon sa akin.

"Ano ba?! Give me back my phone!"

Sinubukan ko ulit kunin iyon sa kanya pero inilalayo niya lamang lalo sa akin ang cellphone ko. Sa inis ko sa kanya ay hinampas ko ang braso niya.

"Stop calling him!"

"No! Give it back to me! I have to know the truth!"

"You really think he'd tell you? Huh?" patuyang sinabi niya sa akin.

Nagtagis ang mga bagang ko sa sinabi niya.

Would he really tell me the truth?

"Pinapaikot ka na lang niyan! At ikaw naman, hinahayaan mo! Nagpapakatanga ka sa lalaking 'yon?!"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo." Mariing sabi ko.

"Malaya siyang gawin ang gusto niyang gawin dahil walang kayo. He's not committed to you!"

My breath hitched by that. Everything he said, kahit masakit, ay totoo.

He continued. "And here you are so fucking lovesick because he's with another woman! Luna! Imulat mo 'yang mga mata mo! Ikaw na mismo ang nakakita. May litrato pa at article na nabasa. People behind that news would not simply put-up things like that. This is a reputable news company."

Umiling ako. "He has done a lot for me. Hindi ako naniniwalang iyon lang ang pakay niya sa akin."

He scoffed and shook his head. He threw my phone on my lap.

"Nothing comes for free, Luna." Aniya. Tumango siya ng minsan at iminuwestra ang cellphone ko. "Call him again. If he answers, ask him about it. He'll deny, eventually."

"Maybe because it's not true!"

"Iyan ba ang gusto mong paniwalaan? Talaga ba, Luna? Akala ko ba gusto mong malaman ang totoo?"

My hand fisted from all the things he said. Hindi ko na alam ang paniniwalaan. Kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi ni Jigo, sa mga nabasa sa article, o sa sarili kong intuwisyon.

"You're not you anymore." Marahan niyang sinabi.

Nilingon ko siya at tiningnan ng matalim.

"What do you mean by that?" madiing sabi ko.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon