Luna
"Hey, I'm sorry. I won't do that again." Martin said while hiding a ghost of smile in his face. Kasalukuyan naming hinihintay ang in-order naming pancit dito sa maliit na kubo ng panciteria. Ililibre ko siya ngayon dahil nalaman kong siya ang nagbayad sa laboratory fees ko! Kahit malaking katipiran iyon para sa budget ko, hindi ko ipapabayad kahit kanino ang gastusin na iyon dahil may itinabi akong pera para roon.
I glared at him. "Hindi ako nagpapalibre sa'yo, Martin. May pambayad ako."
He pouted. I shook my head in dismay. "Sorry na. Hmm?" pang-aalu niya pero dahil hindi pa maalis sa sistema ko ang inis ay hindi ko siya pinansin.
He reached my hand and gently caressed my fingers. I closed my eyes. Bakit ganito? Sa konting haplos niya sa kamay ko'y unti-unti niyang nilulusaw ang iritasyong nararamdaman ko.
I cleared my throat. "S-sa susunod, KKB na tayo!" pinanindigan ko ang pagsusungit ko dahil ayokong mahalata niyang sumusuko ang loob ko sa pang-aamo niya sa akin.
He gave me a lazy look. Hindi niya yata nakuha ang ibig kong sabihin kaya nagsalita akong muli.
"Kanya-kanyang bayad, kung hindi mo alam ang ibig sabihin no'n."
He sighed. He's still holding my hand. "Pero kung ako ang nagyaya sa'yo, it's on me." he said then winked on me.
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa. "Pwes, hindi ako sasama sa'yo kapag wala akong pang-date!"
Just when I realized that I used the wrong term, he gave me a mischievous smile. Binitawan niya ang aking kamay at saka humalukipkip. Hindi naputol ang tingin niya sa akin. And me being naturally defensive and hardheaded, I gave him a blank expression kahit na sa kaloob-looban ko, gusto kong umalis sa kinauupuan ko dahil sa sobrang hiya.
"I won't allow my lady to spend a dime with our dates." He said.
"I'm not your lady, Mr. Villanueva. I'm your friend."
He sighed. "Fine. We'll settle to less...expensive dates?" patuya niyang tanong sa akin.
Nag-init ang mukha ko sa mga salitang binitawan niya sa akin. Ngayon ay 'date' na rin ang tawag nya sa mga paglabas-labas naming dalawa. I heard him chuckled and pinched my cheeks gently na agad ko ring pinalis.
"You're blushing, Luna. Ano ba'ng iniisip mo?" he asked.
"Stop teasing me!" masungit kong sinabi sa kanya pero nangingiti na rin. I can't stand getting irritated at him that long. Agad iyong nawawala, nalulusaw, at naglalahong parang bula.
Dumating ang pagkaing in-order namin. I was surprised that he ate it all. Ang sabi niya'y nasarapan siya sa luto nila roon. I can't help but smile at him. I can see that his trying his best to fit in my world kahit malayo iyon sa nakagisnan niyang mundo. He was born with a silver spoon pero he gets along with me well.
Oh baka dahil gusto niya lang magpa-good shot?
I shook my head. Stop being pessimistic, Luna! I said to myself. Hindi makakatulong ang insecurities ko kung ganitong may mga taong gustong makipag-kaibigan sa akin ngunit pinapangunahan ko sila ng maling pagi-isip.
Natapos ko lahat ang kailangan para sa enrollment. Nang maipasa ko na iyon sa registrar ay nagbayad na ako ng tuition fee sa cashier.
"Punta ka sa shop, anak, para makapagpa-ID ka na. Ipakita mo lang itong resibo. Kasama na iyan sa binayaran mo." Sabi ng matandang cashier sa akin.
"Sige po, Ma'am. Salamat po!" Magiliw kong sagot sa kanya.
Martin patiently follows me anywhere I go. Kahit kaninang nagpa-alam ako sa kanya para mag-CR, siya pa ang nagtanong sa mga tao rito kung saan iyon matatagpuan. Kahit ang pagpunta sa shop ay sumunod siya sa akin.

BINABASA MO ANG
Sing for Me, Love
عاطفيةLumaki sa isang mahirap na pamilya si Luna. Sa murang edad, inabandona sila ng kanyang Hapon na ama kaya maaga siyang natutong magbanat ng buto para matugunan ang pangangailangan nila ng kanyang ina at para siya'y makapag-aral. Sumaside-line siya bi...