CHAPTER 30

600 12 1
                                    

Luna



Umiiyak akong nakahiga sa aking kwarto matapos ang naging pagtatalo namin ni Martin. It's really hard to let go of him. Pero kung hindi ko siya pakakawalan at hayaan ang sarili kong malunod sa sakit, baka ako naman ang mawala sa pag-iisip.

Saksi ang liwanag ng buwan kung paanong nadurog ang puso ko nang hayaan ko na siyang tuluyang mawala sa buhay ko.

One thing is for sure, he will always have a special place in my heart.

Wala na rin akong naging balita sa kanya pagkatapos nang naging usapan namin. Hindi na rin ako sumubok pa na makibalita dahil pakiramdam ko, hindi ako makakausad kung patuloy pa rin ako sa pag-alam ng mga nangyayari sa kanya.

My relationship with Jigo became stronger and colorful since I decided to be his girlfriend. It inspired him more to become productive in their business. Kung dati ay store manager lang siya sa supermarket nila, ngayon ay tuluyan na itong ibinigay ng Daddy niya sa kanya.

He was very happy when he learned that. Madalas niyang ikwento sa akin ang kawalan ng tiwala ng ama niya sa kanya dahil iniisip nitong wala siyang patutunguhan. Walang araw na hindi sila nagtalo dahil ang inaakala ng ama niya ay wala siyang balak mag-plano para sa kanyang kinabukasan.

Natapos ang isang taon ko sa kolehiyo. Dalawang semester na lamang ay ga-graduate na rin ako. Habang palapit ng palapit ang pagtatapos ko, hindi ko maialis ang matinding excitement. Marami akong plano sa buhay. Balak ko agad maghanap ng trabaho pagka-graduate, mamuhay ng independent, at si Mama, gusto ko rin siyang matulungan.

Kasalukuyan akong nagre-review para sa preliminary exam namin nang mapaigtad ako sa gulat. Pabalyang binuksan ni Peter ang pintuan ng bahay habang sinisigawan niya si Mama.

"Wala ka talagang kwenta, Imelda! Gin lang, hindi mo pa ako maiutang! Gaga!" galit na sabi niya kay Mama.

Hindi nagpatalo si Mama at sumagot siya. "Paano ako pauutangin ni Esther kung hindi mo pa binabayaran 'yong huling inutang mo!"

"Ano'ng silbi ng anak mo? Eh 'di ba nagta-trabaho 'yon?" nakarinig ako ng mga yabag palapit sa kwarto.

"Hoy, Luna! Lumabas ka diyan! Tumulong ka sa mga gastusin natin dito sa bahay! Hindi 'yong sinosolo mo lang ang pera mo!"

Makailang ulit niyang kinatok ng pagkalakas-lakas ang pintuan ko! Sinubukan niya pang pumasok roon dahil narinig ko rin ang pagpihit ng seradura nito.

Nakaramdam ako ng takot dahil sa malakas pagkatok niya. Halos gibain niya ang pintuan ko. Mabuti na lamang at nai-lock ko iyon nang pumasok ako dahil kung hindi, siguradong makakapasok siya rito.

Natatakot ako sa maaari niyang gawin sa amin ni Mama. Simula nang tumira siya rito, pakiramdam ko ay laging may hindi magandang mangyayari. Sa tuwing naririto siya sa bahay, pakiramdam ko ay laging may nakamasid sa akin. Makailang ulit ko rin siyang nahuling nakatingin ng malagkit sa akin kaya simula noon, lagi na akong nagtatago ng punyal sa ilalim ng kutson ko.

"Huwag mong idamay ang anak ko sa mga katarantaduhan mo, Peter! Naka-tira ka na naman ba?!" Sigaw ni Mama sa kanya.

Nanginginig na ako sa takot at nerbyos! Kailangan ko na bang humingi ng tulong? Hindi ito ang unang pagwawala ni Peter pero ito ang unang pagkakataong idinamay niya ako sa init ng ulo niya.

Narinig ko ang malakas na lagapak ng kung ano. Hindi ko alam kung sampal iyon o mas malala pa!

"Walangya ka!" Muli kong dinig kay Mama.

Tumawa ng malakas si Peter. "Tutal, hindi ko naman mapakinabangan ang pera ng anak mo, bakit hindi na lang kaya siya ang tikman ko? Nakaka-ulol ang ganda ng anak mo, Imelda. Ano pa kaya kung sumentro ako sa gitna ng mga hita niya habang pinagsasawaan ko siya?"

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon