CHAPTER 22

718 13 1
                                    

Luna


Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Jigo kanina. Ayokong mabahiran ng kahit anong pagdududa ang kung anumang mayroon kami ni Martin. Naging mabuti siya sa akin. Alam kong hindi niya ako lolokohin.

Isa pa, sa umpisa pa lang ay sinabihan ko na siya na hindi ako basta nagbibigay ng tiwala kahit kanino. Alam niya iyon. At kung ganoon nga ang pakay niya sa akin, na katulad ng sinasabi ni Jigo, alam niya kung gaano ako masasaktan.

Nakahiga na ako sa kama ko ngayon habang iyon pa rin ang iniisip ko. Ni hindi ko maibuklat ang notes ko para sa quiz bukas dahil distracted ako sa ideyang ipinasok ni Jigo sa utak ko. Isa pa, hindi ko pa nakakausap si Martin ngayong araw. Tumawag siya kaninang umaga pero hindi koi yon nasagot dahil tulog pa ako.

Kinuha ko ang aking cellphone. It's already 9:30 in the evening. Kung...tawagan ko kaya?

Baka nakauwi na iyon sa mansyon nila. Ang sabi niya sa akin ay pansamantala siyang nakatira roon dahil naroon ang kuya niya at isa pang kapatid. Mas makakapag-trabaho raw sila ng maayos habang tine-train na rin ang bunsong kapatid nila sa pamamalakad ng negosyo nila.

It took me several minutes before I decided to dial his number. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman ko. Dati naman, lagi akong excited kapag nakakausap at nakaka-text ko siya. Pero ngayon, ibang kaba ang nararamdaman ko. Nanlalamig ako bigla. Literal na nine-nerbyos.

Nakailang ring pa sa tawag ko bago niya 'yon sinagot.

"Martin!" bungad ko.

Medyo maingay sa background ng tawag. May mga musical instruments na naka-play, may mga boses din akong naulinigan. Nasa okasyon ba siya ngayon?

Bigla tuloy akong nag-panic na baka naiistorbo ko siya sa mga oras na iyon.

Unti-unting tumahimik ang ingay na naririnig ko sa kabilang linya, hanggang sa tumahimik na ito.

"Luna, why are you still up?" iyon agad ang bungad niya sa akin.

I closed my eyes as I heard his voice. Namimiss na kita, sambit ko sa isip ko.

Pero hindi iyon ang sinambit ko.

"S-Sorry, naiistorbo ba kita n-ngayon?" I asked.

Hindi ko alam kung bakit nauutal ako. Parang may nakabara sa lalamunan ko. At sa hindi ko malamang dahilan, unti-unting namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko.

"No. But I'm in a party now. I represented our company."

Humugot ako ng hangin at dahan-dahan ko iyong ibinuga para hindi iyon makalikha ng tunog. Mukhang inabot yata ako ng ilang segunda kaya muli siyang nagsalita.

"Are you okay?"

Tumango ako, kahit na hindi niya ako nakikita. "O-oo naman!"

Pero tuluyan ng tumulo ang mga luha kong naguunahan sa magkabilang pisngi ko.

I heard him sigh. Ilang segundong katahimikan din ang namagitan sa aming dalawa bago siya muling nagsalita.

"You should rest. I didn't bother calling you tonight because you told me earlier that you have a quiz tomorrow."

Napangiti ako. He remembers everything I say. He's taking note every detail I tell him. Ibig sabihin, he cares for me.

Ang kaisipang iyon ang nagpagaan sa kalooban ko.

"Sige, ibababa ko na'to." Mahinang sabi ko.

"I'll call you tomorrow, I promise."

Pero bago pa ako nakasagot ay may narinig akong ibang boses sa kabilang linya. Boses ng isang babae, kung hindi ako nagkakamali.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon