CHAPTER 32

631 11 6
                                    

Luna


"Migs, kailan kayo huling nag-usap ni Jigo?" tanong ko.

We're in the music room. Kami dalawa na lamang ang naiwan doon. Katatapos lang ng weekend rehearsal namin. Magpe-perform kasi kami sa Campus Christmas Party bago mag-declare ng holiday vacation ang eskwela.

Bahagya niyang ipinilig ang kanyang ulo at tila nag-isip.

"After the burial of your mom. Bakit?"

I pursed my lips and heaved a sigh.

"Wala ba siyang nababanggit sa'yo? Mga problema niya?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin habang inaayos niya ang kable ng mga mikroponong ginamit kanina.

"Wala. At kung meron man, hindi ba dapat, ikaw ang una niyang pinagsasabihan?" balik-tanong niya sa akin.

Oo nga naman. Ako ang girlfriend niya. Isn't he supposed to tell me what's running on his mind? Pero hindi iyon ang nangyayari. Parang...sinasarili niya lamang iyon.

Ayoko siyang pilitin na magsabi but there's a small part of me that I can't help myself from thinking, am I not trustworthy enough for him to tell me what's bothering him?

Ibinalik ni Migs ang mikropono sa itim na bag. "Bakit? May problema ba kayo?"

Umiling ako. "Wala akong alam na pwedeng maging problema namin."

Binalingan niya ako. He looks attentive. I think, I caught his attention now.

"Magkasama kami lagi kapag may pasok ako sa pharmacy. Kapag weekdays naman at busy ako sa eskwela, naiintidihan kong hindi kami nakakapagkita. Pero kapag...bakanteng oras ko, halos...hindi na kami magpang-abot." Malungkot na kwento ko sa kanya.

Hindi ko rin naiwasan ang magtampo noong nakaraang hindi siya sumipot sa ipinangako niyang pagpunta sa bahay. I told him about that, pero ang tangi niyang sinabi ay busy siya at nawala iyon sa utak niya. Naiintindihan ko ang bigat at pressure sa trabaho niya. Pero ang gusto ko...ay hindi niya makalimutan na magsabi sa akin.

I am his girlfriend. May karapatan din akong malaman iyon kahit papaano.

"Kailan nag-umpisa 'yang mga ikinikilos niya?" seryosong tanong niya sa akin.

"Uh...noong---" natigil ako sa pagsasalita dahil nag-ring ang cellphone ko. I took it out from my pocket and saw Jigo's name in the screen.

"Hello?"

Sinulyapan ko si Migs na ngayon ay nakakrus ang mga braso.

"Where are you, babe?" Jigo asked.

"Nasa music room---"

"I'll go there." Aniya at mabilis na naputol ang linya ng tawag.

Nangunot ang noo ko. Ba't siya nagmamadali?

"Who called?" Migs asked.

Isinilid ko ang cellphone ko sa bag ko bago ko siya sinagot.

"Si Jigo. Susunduin niya yata ako. Akala ko, hindi na kami magkikita eh." I chuckled.

Umiling siya.

"So, kailan siya nag-umpisang magkaganyan?"

"Few weeks ago." Matipid kong sagot.

Naalala ko tuloy yung failed surprise ko sa kanya. First time kong gawin iyon pero napurnada pa.

Nangunot ang noo ko. Naalala ko rin 'yong usapan nila Lia na pinagpustahan nila ako.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon