CHAPTER 7

783 15 0
                                    

Luna


Hindi na ako kinulit ni Jigo pagkatapos ng nangyari. Wala na rin akong natanggap na text at tawag galing sa kanya. Medyo nakaramdam ako ng pangamba na baka hindi na niya ako isama sa mga susunod na raket. Pero nang tumawag si Migs na may gig sa isang local bar dito sa siyudad sa darating na Linggo, nakaramdam ako ng kaluwagan sa dibdib.

Sabado ng hapon ay nag-paalam ako kay Mama para mag-simba. Paalis na ako ng bahay ng bigla niya akong pigilan.

"Luna." Nangingiti niyang sabi sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin sa harap ng salamin.

Nilingon ko siya habang nagsu-suklay. "Bakit po?"

"May pera ka ba?" Maluwang ang ngiti niya sa'kin.

Hinarap ko muli ang salamin habang iniipit ko ang aking buhok. "Bakit po?" muli kong tanong sa kanya.

"Eh... Alam mo na 'yon 'nak! Ang tagal ko nang hindi nakakasama ang mga kaibigan ko eh. Saka... may kinita ka naman noong nakaraan 'di ba?"

I sighed. Hinarap ko siya. "'ma, sama ka na lang sa'kin. Magsimba tayo. Pagkatapos pasyal tayo sa plaza. May night market ro'n!" nakangiti kong sinabi sa kanya.

Pero nalusaw ang ngiti ko nang makita kong nagbago ang timpla ng kanyang mukha. Kanina'y nakangiti lang siya pero ngayo'y naging matigas ito. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Nagda-dahilan ka lang yata para hindi mo ako bigyan eh? 'di ba may kinita ka naman? Ikaw talaga Luna kahit kailan basta nakahawak ka ng pera ayaw mong mamigay!" Galit na sabi niya sa akin.

Nasaktan ako sa pang-aakusa niya sa akin but I tried my best to be understanding and patient. Malumanay akong sumagot sa kanya.

"Hindi gano'n 'yon, 'ma. Gusto lang naman kitang makasama---"she cut me off.

Matalim ang mga mata niya nang bumaling siya sa akin. Pinagtaasan niya ako ng boses. "Ang gusto kong makasama, 'yong mga kaibigan ko sa kanto! Hindi ikaw! Magbibigay ka ba o hindi?"

I bit my lower lip when I heard her words. It feels like I was stabbed several times. Ang bigat sa pakiramdam na marinig mo galing mismo sa ina mo na ayaw ka niyang makasama. Pati ang mga akusasyon niya sa akin ay hindi ko matanggap.

Dahan-dahan kong kinuha ang aking wallet at dumukot ng isandaan. Inabot ko iyon sa kanya. Kitang-kita ko kung paano umaliwalas ang kanyang mukha ng bigyan ko siya ng pera.

Mabilis niya iyong kinuha sa akin at isinuksok sa kanyang shorts.

"Magbibigay ka rin pala eh, ang dami mo pang satsat!" mataray na sabi niya.

Umalis siya sa harap ko at padabog na isinara ang pinto.

I deeply sighed and puckered my lips to suppress an emotional outburst. Pero hindi iyon napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Maagap kong pinunasan iyon. Mas maganda yatang umalis na ako para makalimutan ko ang nangyari rito sa loob ng bahay.

Kinuha ko na ang aking sling bag at nagmadali akong lumabas ng bahay. Kahit may pera ako ay mas pinili ko ang maglakad para maiwaglit ko sa isipan ko ang mga sinabi niya sa akin. Nag-isip ako ng ibang bagay katulad ng mga gagawin ko sa enrollment, kung magkano ang babayaran, at kung ano'ng mga dadalhin ko sa eskwela.

Pero sa tuwing nag-iisip ako ng panibagong distraction, mas lalong nagsusumiksikt sa utak ko 'yong mga nangyari. Kaya imbes na pigilan ko ang pag-iyak, hinayaan ko na lamang na tumulo ang mga luha ko. Sa tuwing tumutulo iyon ay maagap ko iyong pinupunasan. Mabuti na lamang at humupa na ang emosyon ko nang makarating ako sa simbahan.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon