Luna
Tahimik akong nakaupo sa buhanginan ng dalampasigan sa Sta. Ana. Malamig na ang hampas ng hangin pero hindi ko iyon alintana. Parang tinatangay ang isip ko kasabay ng malalakas na hampas ng alon sa karagatan. The tranquility of the serene place brings me peace of mind. Kahit madilim na, sapat na ang liwanag ng buwan para makita ko ang kabuuan ng kagandahan ng tanawing nakahantad sa harap ko.
Dito sa lugar na ito, una kong nakilala si Martin. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, tumatak siya sa puso at isip ko.
Ilang araw na rin ang lumipas nang makauwi kami rito sa Pilipinas. Una naming pinuntahan ang mansyon nila kung saan naroon ngayon ang Papa niya. Ito ang unang pagkakataon na haharap ako sa kanya kaya abot-abot ang kaba ko nang ipakilala niya ako rito.
Unang kita pa lang sa kanya, taglay niya ang tikas at tindig na minana ng mga anak niya sa kanya. His aura screams of coldness and respect. Lalong dumagdag iyon sa kaba ko dahil hindi ko alam kung paano siya kakausapin.
I saw a young woman sitting in a single couch in the living area. She has a resemblance to...Martin. Matangkad, maputi, at maalon ang kanyang buhok. Kahit nakikita kong mas bata siya sa akin ng ilang taon, hindi iyon halata sa kanyang itsura. She has a mature body that every man desires.
Naging maayos ang pagtatagpo naming iyon. Though, we were not able to talk much because my husband is in a hurry for a short trip in our province, naging mainit pa rin ang pagtanggap nila sa amin.
Magta-tatlong linggo na kami ngayon dito sa Norte. Marami na rin kaming napasyalan na tourist spots dito maging sa katabing probinsya pero mas pinipili niyang maglagi rito sa resort kung saan kami unang nagkita.
"Nandito ka lang pala." Narinig kong may nagsalita sa likod ko.
Hindi na akong nag-abalang lumingon pa dahil kilala ko ang nagmamay-ari sa tinig na iyon. Inayos ko ang balabal na tumatakip sa balikat ang dibdib ko. I am wearing a white beach dress and a bikini underneath. Balak ko sanang maligo sa dagat pero nang makita ko ang kagandahan ng tanawin, binusog ko na lang ang mga mata ko sa pagtanaw nito.
He sat behind my back, with his strong thighs wide apart, caging me on his center. Lalong nadepina ang laki niya dahil sa liit ko. He can almost cover me wholly. Ang mga braso niya ay awtomatikong yumapos sa aking tiyan, making myself leaned at him on his chest.
"Aren't you cold?" he whispered and kissed my hair.
Umiling ako. Ang isang kamay ko ay nakahawak ngayon sa kanyang braso habang isinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib.
Sandali naming ninamnam ang tahimik na kapaligiran. Alam ko, siya man ay nare-relax sa ganda ng tanawin. Dinig ko ang bawat tibok ng puso niya at ang malalalim na pagbuga niya ng hangin.
For a while, I was able to enjoy the peace and silence with my husband. Namamangha ako dahil kahit s kaunting panahon lang, nae-enjoy ko ang ganitong katahimikan kasama siya.
Isiniksik niya ang kanyang mukha sa gilid ng aking leeg. It felt ticklish, though. Pero hindi ko siya pinigilan. Bagkus ay ipinilig ko pa lalo ang aking leeg para mailapit niya pa lalo iyon.
"Sorry. Hindi na ako nakapagpaalam. Ang sarap kasi ng tulog mo." Sabi ko.
He planted a small kiss on my shoulder blades. Tumayo ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya. His kisses never failed to shake my system.
"Sana ginising mo na lang ako kung gusto mong mamasyal dito." Nagtatampong sabi niya.
I smirked. He became clingier these past few days. Hindi kami mapaghiwalay. Ayaw niyang nagigising siya nang hindi ako ang una niyang nakikita. Gusto niyang palagi kaming magkasama. At hindi siya mapakali kapag nagtatagal na hindi niya ako makita at makasama.

BINABASA MO ANG
Sing for Me, Love
RomanceLumaki sa isang mahirap na pamilya si Luna. Sa murang edad, inabandona sila ng kanyang Hapon na ama kaya maaga siyang natutong magbanat ng buto para matugunan ang pangangailangan nila ng kanyang ina at para siya'y makapag-aral. Sumaside-line siya bi...