CHAPTER 8

1K 19 1
                                        

Luna


Maaga akong nagising ngayong araw ng linggo. Ilang araw din akong hindi nakapag-ayos. Kailangan ko ring maglaba dahil parang Christmas tree na sa taas ang mga nagpatung-patong na labahin. Mamayang 3 p.m. pa naman ang rehearsal para sa gig mamayang gabi. Marami pa akong oras para sa mga gawaing bahay.

I plugged on my bluetooth earphones in my ears. Isa ito sa mga bagay na iniingatan ko dahil hindi ko naman ito ma-afford. Binigay sa akin ito ni Migs noon. I played the songs I downloaded. At habang naghi-hiwalay ako ng mga puti sa de-kolor, nakikinig ako ng musika. Minsan ay sinasabayan ko 'yon kantahin. Nagsalang na ako ng sinaing, nag-walis sa loob ng bahay, at nagbabad ng mga damit sa batya.

Nagpahinga ako saglit para magkape. Ang sarap ng tulog ni Mama, mukhang nag-enjoy sa mga friends niya sa kanto kagabi. I laughed and shook my head at my own thoughts.

Sinimulan ko ang pagwa-walis sa harap. Naipon na naman ang tuyong dahon ng manga sa gilid ng bakuran namin. Habang nagwawalis ako'y sinasabayan ko 'yon ng pagkanta.

I got carried away with the song na hindi ko na namalayan na napapalakas na pala ang boses ko.

"And so I cry sometimes when I'm lying in bed

Just to get it all out what's in my head

And I, I am feeling a little peculiar"

Pataas na ang nota ng kanta kaya humugot ako ng hangin para makanta ko iyon ng maayos. I even used the broom stick and imagined it as my microphone.

"And so I wake up in the morning and I step outside

And I take a deep breath and I get real high

And I scream from the top of my lungs what's going on"

And when I was about to sing the chorus, may narinig akong naghiyawan sa labas ng bakuran namin. Mabilis kong tinanggal ang earphones ko para makumpirma kung meron ngang nagi-ingay sa kalsada. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka may nag-aaway na kapit-bahay. Nang sumilip ako sa hindi gaanong kataasan na bakod na yari sa hollow blocks, mga tambay lang ang nadatnan ko roon sa tapat namin.

"O bakit ka tumigil? Ituloy mo, 'neng! Para kaming nakikinig sa radyo. Kaganda ng boses eh!" sabi ni Uncle Ben.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ko naisip na napapalakas na ang pagkanta ko. The song requires a powerful voice pero hindi ko aakalain na aabot hanggang sa kapit-bahay ang boses ko.

Natawa na lang ako at napakamot ng ulo sa sinabi niya. Ngunit nang tumalikod ako'y parang hihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko sa gulat nang madatnan kong nakatayo si Jigo roon. I uttered a soft curse. At sa inis ko'y naihampas ko sa kanyang hita ang walis tingting!

"Aray! Ano'ng problema mo?" he said. Hinahagod niya ang parte ng hita niya na napalo ko.

"Ano'ng ginagawa mo diyan?! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot!" I shouted at him.

He just laughed at my reaction. Parang tuwang-tuwa pa siya dahil sa nangyari. I am so annoyed with what he did, tapos siya? Tatawa-tawa lang?

"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" I asked. Tinalikuran ko siya para tapusin ang ginagawang pagwa-walis sa tuyong dahon.

I-n-off ko ang bluetooth earphones at ibinalik ko iyon sa case bago isinuksok ulit sa aking bulsa. Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay.

"Nasa'yo pa rin pala 'yang earphones." He told me but his eyes are on me.

I looked at him blandly. "Oo. Bigay ni Migs." Lumabi ako at kinuha ang timbang yari sa lata at dust pan. I heard him murmured pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. "Ba't ka nandito?"

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon