CHAPTER 13

842 17 1
                                        

Luna


Ibinaba ako ng tricycle driver sa harapan ng cathedral. Hapon na iyon. The streets were busy dahil oras na ng uwian mula sa trabaho at ang ilang dumadaan ay galing sa eskwela mula sa kanilang summer classes.

Nadatnan ko pa ang afternoon mass sa simbahan. Kahit hindi ako nakapagdamit ng maayos, tahimik akong pumasok sa loob. Naka-short pants lang ako, simpleng t-shirt, at step-in. Paniguradong namumugto na rin ang mga mata ko, pulang-pula ang ilong at mga pisngi ko dahil sa kakaiyak.

I stayed at the back corner of the church. Marami-rami ring tao ang narito para um-attend ng misa. Kasalukuyang nagho-homily si Father nang makuha niya ang atensyon ko.

"Happy mother's day sa lahat ng mga ina na narito ngayon." Bati ng pari habang siya'

The whole place were filled with voices saying, 'Thank you, Father'. I bitterly smiled on my own.

Kung sa ibang pagkakataon siguro, baka masaya ko ring binabati si Mama ngayon. Pero dahil sa nangyari... I shook my head. I don't know. She hurt me. Alam ko namang mawawala rin ito kalaunan pero masyado pang sariwa ang nangyari kanina para ignorahin ko lamang iyon.

"Isa sa mga kautusan ng ating Panginoon ay ang igalang ang iyong ina, kasama ng iyong ama. Honor your mother and your father. That is the fourth commandment of our Lord. Honoring them brings rewards of peace and prosperity towards our lives. Ang ating mga ina ang nangalaga sa atin simula nang tayo ay mabuo sa kanyang sinapupunan hanggang sa tayo ay iniluwal sa mundong ibabaw."

Iyan ang isa sa mga rason kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay hindi mawala ang pag-asa na baka isang araw ay magbago ang pakikitungo ni Mama sa akin. I honor her because she brought me to this world. Naging malupit man ang buhay sa aming dalawa, hinding-hind magbabago ang pag-ibig ko sa kanya bilang anak niya.

I don't think the fourth commandment is obligatory. It's an innate responsibility of each children. Na ang pagbibigay karangalan para sa ating magulang ay isa sa likas na pagpapakita ng pagmamahal.

The priest continued talking. "Ang ating mga ina ang isa sa pinakamalakas at pinakamatalino na nilalang na nilikha ng Panginoon. Her love is undying, just like Mary, the mother of Jesus. She can teach you all the teachings you need, but you, as her child, must have wisdom in order to grasp the learnings of her teachings." He paused for a while. "Our mothers are not perfect, too. They have sins, too. They may have sinned us but their overflowing love towards their children are undying."

I sighed. Sa buong sermon ni Father, walang ibang tumakbo sa isip ko kundi ang pagtrato ni Mama sa akin. Hindi ko napigilang alalahanin lahat ng nangyari sa aming dalawa. Ang mga paulit-ulit na pagsasabi niya sa akin tungkol sa kanyang pinagdaanan at ang aking sakripisyo para mabuhay lamang kaming dalawa.

Mahal ba talaga ako ni Mama? Hindi ko alam. Simula naman kasi nang magkaisip ako, hindi ko iyon nakita at naramdaman sa kanya. Lumaki akong may inggit sa mga batang kasabayan ko na may ina sa tabi nila. Minsan kapag nakikita ko kung gaano sila inaalagaan ng kanilang mga nanay, umiiwas na lang ako ng tingin dahil siguradong iiyak na naman ako.

Siguro kung ang pagpapakita niya ng pagmamahal sa akin ay ang desisyon niyang iluwal ako sa mundo at panatilihin sa kanyang kanlungan, ang pagi-intindi sa kanya at pagbabanat ng buto para sa aming dalawa ang magiging magsisilbing paraan ko para ipakita sa kanya ang aking pagmamahal.

Pero kahit pala ilang beses kong isaksak sa puso at utak ko na mahal ko siya, nakakapagod din palang umintindi ng paulit-ulit.

O kailangan ko lang sigurong magpahinga? Habaan ko pa lalo ang pisi ko sa kanya?

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon