Luna
Pagkatapos naming mananghalian ni Martin sa isang restaurant sa loob din ng mall na iyon, tinahak na rin namin ang daan papunta sa kanyang opisina. Ngunit sa kalagitnaan ng biyahe namin, nakatulog ako sa kanyang sasakyan.
Mararahang tapik sa balikat ang gumising sa akin. Halos ayoko pang dumilat dahil tuluy-tuloy ang pagpikit ng aking mga mata at talagang gusto kong ituloy ang pagtulog ko.
"Luna..." a man's voice suddenly called me.
Ilang beses niya akong tinawag habang tinatapik sa aking balikat at nang tuluyan na akong dumilat at luminga-linga sa paligid, ang gwapong mukha ni Martin ang agad na bumungad sa akin.
Maraming sasakyan ang nakapaligid. Mukhang nasa parking area kami. Sandali. Parking area na ba ito ng building ng opisina niya?
Agad kong inayos ang aking sarili. Nag-unat pa ako at saka kinalas ang seatbelt sa aking katawan.
"Sorry, napasarap ang tulog ko. Ito ba ang building ng opisina niyo?" I asked.
I saw him smiled a bit bago umiling. "This is the building of our condominium."
Nangunot ang aking noo. Akala ko ba ay pupunta kami sa opisina niya?
"Akala ko..." hindi ko na itinuloy ang aking tanong dahil umiling siya.
"Mr. Francisco had an emergency. He re-scheduled the meeting on Friday. And besides, you were sleeping soundly. It's like I don't have a heart if I'll wake you up." Nakangiting tugon niya sa akin.
Tumingin ulit ako sa paligid natin. "Eh ano'ng gagawin natin dito?"
"We'll go to my unit. Ipina-akyat ko na ang mga pinamili natin. I'll let you rest. Someone will visit us later this afternoon." Aniya.
Lumabas kami sa kanyang sasakyan. As usual, him being a gentleman, ay inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa loob ng elevator. Nang marating naming dalawa ang tamang palapag ay iginiya niya ako palabas doon.
He tapped his keycard on the security door and it automatically opened. Again, iginiya niya akong muli sa loob no'n.
My eyes roamed while my jaw dropped literally when I saw the wholeness of his place. Ang nagagawa nga naman ng pera! The design of his condo unit was minimalist with colors white, brown and gray. Ngunit sa isang tingin lamang ay halatang ginastusan ng todo. Baka ang isang mwebles rito ay libu-libo na ang halaga!
"Did you like it?" I heard him asked.
Nilingon ko siya at nadatnan ko siyang nakahalukipkip habang nakatingin sa akin.
"It's nice. Very manly." I answered.
"I'm glad." Nakangiting tugon niya. Lumapit siya sa akin bago hinawakan ang aking baba. "Soon, I'll bring you to our mansion. Ipapakilala kita sa mga kapatid ko."
Ngiti lamang ang itinugon ko sa kanya. He let me do a quick tour of his place. This place is huge! May mga ganitong condominium pala? Ang mga nakikita kong condominium sa social media at TV ay parang studio type lang. Pero itong kay Martin ay halos doble ang laki sa kabuuan ng bahay namin...o baka triple pa!
Lima lahat ang kwarto niya rito, maliban pa sa library at gym. Ngunit ang huling kwarto ang umangkin sa buong atensyon ko. Music room ba ito?
May drum set, iba't-ibang klase ng gitara na nakasabit sa isang glass closet, at ang agaw-pansin na piano. It looked like a music studio! May mga pang-recording pa, mikropono, at speaker roon. I can't helped myself but to amaze with all the things I see inside this room!
BINABASA MO ANG
Sing for Me, Love
RomanceLumaki sa isang mahirap na pamilya si Luna. Sa murang edad, inabandona sila ng kanyang Hapon na ama kaya maaga siyang natutong magbanat ng buto para matugunan ang pangangailangan nila ng kanyang ina at para siya'y makapag-aral. Sumaside-line siya bi...