CHAPTER 12

595 12 1
                                    

Luna


Dinama ko ang halik na iginawad ko sa kanya. Iyon ang una kong halik. At hindi ako nagsisising ibinigay ko iyon sa kanya dahil...bata man ang puso ko, alam kong iba na ang nararamdaman ko sa kanya.

Ni hindi siya gumanti ng halik sa akin. But I felt him stiffened. Kahit ako, hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para gawin iyon sa kanya. Ang tanging umandar lang sa isip ko nang mga oras na iyon ay ang kagustuhan kong mahalikan siya.

I felt his hands cupped my face. Ako na rin ang bumitaw sa halik na iyon. Pero laking gulat ko nang hinabol niya ang labi ko at pinatakan ako ng isang mabining halik. Then he rested his forehead on mine. Dinig na dinig ko ang lakas ng pintig ng puso ko sa nangyari, at ramdam ko ang bigat ng paghinga ni Martin.

"Damn, lady. Please don't do that again." Anas niya.

Nagtataka ko siyang tiningnan. "W-why? Don't you like it?"

Umiling siya at saka ako hinalikan ng mariin sa aking noo. "I might lose my control I have built for you."

Nagtataka man sa isinagot niya, I just agreed to him. "G-ganoon ba? O-okay." Ani ko.

Inilayo niya na ang kanyang sarili sa akin but his hands never left my cheeks. "You're kisses are mine... alone. Wala ka nang ibang pagbibigyan ng mga halik mo, Luna. Ako lang."

Halu-halong emosyon ang naramdaman ko nang marinig ko ang sinabi niya. Mapang-angkin ang kanyang mga salita. He was never like this to me before. Pero gusto ko iyon. Gusto kong inaari niya ako.

"Eh 'di...boyfriend na kita?" I asked. He just chuckled.

He pinched my nose. "What happened to your 'no boyfriend while studying'?"

Natigilan ako sa sa sinabi niya. Oo nga pala. Kasasabi ko lang kanina na hindi ako magbo-boyfriend habang nag-aaral ako. Pero sa nangyari ngayon, medyo nagsisisi na ako kung bakit sinabi ko pa iyon sa kanya.

"I don't want you to break your promise. Gusto kong makitang isa-isang natutupad ang mga pangarap mo. Magu-umpisa 'yan sa pagtupad ng mga pangako mo sa sarili mo."

I bit my lower lip. This guy is really a selfless, gentleman. Malawak ang kanyang pagi-isip. Kahit ako, namamangha lalo sa kanya.

"If my kisses are yours, d-does it mean your kisses are mine, too?" lakas-loob kong tanong sa kanya.

He took my hand and kiss my knuckles. "Not just my kisses baby, I'm exclusively yours." He's caressing my fingers now.

Napaawang ang labi ko sa mga sinabi niya. Nag-init ang pisngi ko nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin. He's submitting himself to me. Like I am willingly submitting myself to him, too.

He's exclusively mine. I'm exclusively yours, too, Martin. Pero hindi ko na isinatinig iyon.

Halos hindi ako dalawin ng antok dahil sa nangyari kanina. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang lahat ng sinabi niya. At sa tuwing iniisip ko iyon, my insides are celebrating. Hindi pa ako kailanman nakaramdam ng ganoong klase ng importansya mula sa isang lalaki. He's taking me maturely and always considers what I feel and think towards everything.

Medyo dismayado man ako dahil hindi niya nakilala si Mama, minabuti niyang umuwi na rin agad matapos naming kumain at mag-ligpit. Lumalalim na ang gabi. He even told me to lock the doors while waiting for Mama.

Bi-byahe rin siya ngayong gabi pa-Maynila. Hindi nasunod ang schedule niyang isang linggong pananatili rito sa siyudad namin dahil mabilis daw niyang natapos ang trabaho rito. Isa pa, kailangan din daw siya ng kanyang kuya dahil sa kanilang negosyo.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon