EPILOGUE

1.2K 24 5
                                    

Martin


Our company is currently in recession. Bagsak lahat ang stocks sa merkado at kailangan kong isalba ang kumpanya dahil kung hindi, mabibilang na lamang sa buwan bago kami mag-deklara ng bankruptcy. My dad put all his efforts to this company and he doesn't want to give it up easily. We will not let it happen.

That's why I was in Sta. Ana to convince the investors to invest in our company. Though the company is financially challenged for the past months, hindi maikakailang malakas pa rin ang pangalan at impluwensya namin. Ang kailangan lamang ngayon ay makahimok ng mga interesadong investors para mas mapatupad ang planong pagpapalago ng negosyo.

I was good at it. I was able to convince them to invest with us. I put all my efforts to it.

But I never thought this girl was able to capture my attention effortlessly. And I'm almost disgusted with myself for liking someone who's way younger than I! She's only 17, for goodness' sake! Menor de edad kumpara sa edad kong 23.

You can't tell her age by her looks. Ang tantiya ko nga'y nasa 21 na siya. She looks mature. And the way she graces the stage the first time I saw her, damn, I can't take my eyes of her.

But as I get to know her deeper, I realized, she's not just like any other women I met before.

I never imagined her being the breadwinner at her early age. Nang ikwento niya sa akin ang naging buhay niya nang gabing nadatnan ko siyang mag-isa sa dalampasigan, hindi ko napigilan ang sarili kong mahabag. How could she have gone through all of these hardships?

Ang tatag ng loob niya.

She's reserved and doesn't want to make friends with anyone. Natatakot na baka iwan lamang siya ulit katulad ng mga nauna. Baby, make friends with me. If friendship is all you can offer, then I'm willing to accept what you can give. I don't mind is you can't still give me what I want, I will take care of it.

Sisiguraduhin kong mahuhulog ka sa akin.

Dahil ako, hulog na hulog na sa'yo.

When I was able to get the chance more than she could offer, hindi ako makapaniwala. Ganito pala kasaya ang magustuhan pabalik ng babaeng inaasam mo. Women offered me different kinds of attention before, be it sexual or love.

Pero sa kanya, kakaiba.

I gave her everything I know she needed. Kahit madalas niya akong tanggihan, hindi ako tumigil na ibigay sa kanya ang lahat ng kailangan niya. I offered her to find for her father. I know, despite how strong-willed she is, there's a little hope that she wanted to know her father's whereabouts.
We're exclusives. Simula nang mahalikan ko siya, I made her promised to herself that her lips belong only to me. Na ako lang ang hahalikan ng mga labi niya. Na wala nang ibang labi ng lalaking makakatikim noon.

Kaya alam ko, sa nagdaang panahon, pareho na kaming baliw sa isa't-isa. Na kung hindi ko lamang iniisip ang magpigil, malamang, Villanueva na ang apelyido niya pagtuntong niya ng disiotso.

I wanted her to fulfill all her dreams. Iyon na lamang ang alam kong makakatulong sa kanya para maiba na ang takbo ng buhay niya. I am willing to give her everything she desires. Kung hihilingin niyang hanguin ko sila sa kahirapan, hindi ako magdadalawang-isip na gawin iyon.

I am willing to be her slave.

Pero sinubok kami ng panahon. Kasabay ng layo ng distansya naming dalawa at sa pagiging abala ko sa negosyo.

Kulang ang bente kwatro oras para hatiin ang sarili ko sa trabaho at sa kanya. Sometimes, I just wanted to leave everything behind and go with her so I can feel her warm embrace, her luscious lips, and her gentle voice. Para akong hinehele sa tuwing napag-iisa kami't kinakantahan niya ako. I feel home in her arms. I never felt so comfortable with other women. Sa kanya lang. Siya lang ang nakakapagparamdam sa akin nito.

Pero may responsibilidad din ako. Kailangan din ako ng kumpanya. Marami rin ang maaapektuhan kung sakaling magpapabaya ako.

Let me just finish this, baby. Babalik din ako sa'yo ng buung-buo.

"Ang sabi mo, tatawag ka sa akin! Puro ka na lang pangako eh!" She whined up over the phone.

Ito ang bungad niya sa akin isang umaga matapos kong makalimutan ang ipinangako kong tatawag ako sa kanya bago siya matulog.

I felt guilty, at the same time, so disappointed with myself. Hinayaan ko siyang magpuyat kahihintay sa tawag ko. Hindi ko alam kung paano ako babawi sa kanya.

"Baby, I'm so sorry. I promise---"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil pinutol na niya ang linya ng tawag.

I sighed. Inilapag ko ang cellphone sa tabi ko habang nakahiga pa sa kama. Damn, I haven't had a good sleep since I took over the company. I have to double up my efforts because Kuya Alfie leave the position to me without notice. Basta ko na lamang sinalo ang responsibilidad at kailangang magampanan ko ng tama.

Naging ganoon ang takbo ng pangyayari. I didn't notice that she's slowly drifting away from me. That I became complacent with her feelings for me. Sabagay, kaunting panahon na lang, matatapos ko na rin ang problema sa negosyo. Kaunting tiis na lang, kanyang-kanya na ulit ako.

The only communication that we have is through text and calls. Kapag nagkakaroon ako ng oras, we do video calls. Pero dumalang ng dumalang ang pag-uusap namin. Hanggang sa...wala na akong natatanggap na mga tawag at mensahe galing sa kanya.

Kumabog ang dibdib ko nang hindi ko na ma-contact ang number niya. I can't even access to her social media accounts. Gusto ko na siyang puntahan at tanungin kung bakit hindi na siya sumasagot sa akin. at ang kaisipang baka...sumuko na siya sa akin ang lalong nagpakaba sa sistema ko.

But I know her. I trusted her feelings for me. I have faith with the love and understanding that we shared. Baliw na baliw sa akin 'yon eh. Kaya kampante akong hindi niya ako ipagpapalit sa kung sinu-sino.

"Sir, madalas niyang kasama iyong lalaking ka-banda niya. Jigo Antonio ang pangalan." Liza reported to me when I asked her to have a check on my dear Luna.

I know that man was hovering Luna, kahit na madalas niyang sabihin sa kanyang ako ang pinili niya. Na may damdamin siya para sa akin. Minsan ko nang sinabi sa kanya na layuan niya na ang lalaking iyon pero nagtiwala ako sa mga sinabi niya na kaibigan lamang ang turing niya rito.

Pero nang marinig ko ang sinabi ng sekretarya ko, wala akong sinayang na oras at lumipad agad ako pa-Norte.

Kitang-kita ng dalawang mata ko ang babaeng mahal ko habang pinapahid ng lalaking iyon ang kanyang noo at ulo ng panyo. Damn it! Dumaloy lahat ang galit sa buong sistema ko. Hindi ko na napigilan ang sarili't nasugod ko ang lalaking humahawak sa pagmamay-ari ko.

Hindi pwede! Akin lang siya. Ako lang ang may karapatan sa kanya. Hindi ako papayag na mapunta siya sa iba.

"Umalis ka na! Ayaw na kitang makita!" pagtataboy niya sa akin matapos kong patumbahin ang lalaking iyon.

Nanlamig ako sa sinabi niya. She wants me out of her life! She doesn't want me anymore!

I failed her. I hurt the only woman I love.

Right at that moment she begged me to leave her, desidido na akong dito na lang sa kanila magtrabaho. No matter how hard and hassle it is for the company, I can never let my woman go astray with that man.

Sige, kung ang paglayo ko ang sa tingin mo ang makabubuti sa'yo. Lalayo ako.

But I will keep you close within my sight.

Kahit na masakit sa akin ang makita at malaman na naging sila ng lalaking iyon, tiniis ko. Dahil sinisiguro kong mababawi ko rin siya. At kapag dumating ang panahong iyon, hinding-hindi na...hinding-hindi ko na siya pakakawalan.

After the company was relieved from the recession, I passed the leadership to Lucas and started to build my own empire. Nagtayo ako ng sarili kong negosyo para sa aming dalawa, para sa pamilyang bubuuin namin, kahit na alam kong nasa piling na siya ng ibang lalaki.

When another tragedy came to her life, I tried my best to help again without her knowing. Para akong nanghihina sa tuwing sinisilip ko siya ng palihim at nakikitang walang sigla ang itsura niya. Gustung-gusto ko na siyang lapitan, yakapin, at sabihing nandito lang ako sa tabi niya. Na hindi ko na siya iiwan.

Pero alam kong hindi ako ang kailangan niya ng mga oras na iyon. So I talked to her brother Aki. I told him to leave everything to me. I will make sure that son of a bitch will rot in hell.

"Are you sure you don't want her to know everything about it?" tanong sa akin ni Aki nang imbitahin ko siya sa opisina ko isang araw matapos mahuli ang kriminal na iyon.

Nagsalin ako ng brandy sa dalawang baso sa counter. Inabot ko sa kanya ang isang baso at tinanggap niya iyon. Naupo ako sa katabing sofa at sinimsim ang pait at hapdi ng alak.

Umiling ako. "She doesn't need that."

Aki sighed. "I want her to come with us to Japan after she finishes her studies here."

Nangunot ang noo ko. Bakit ilalayo niya sa akin ang mahal ko? Kaya nga ako narito sa siyudad nila para mapalapit sa kanya. Hindi niya kailangang pumunta sa Japan! Ako ang bahala sa kanya pagkatapos niyang mag-aral. Bibigyan ko siya ng magandang trabaho kung nanaisin niyang makapag-ipon para sa sarili. O pwede ring ialok ko ulit ang aking sarili, kumbinsihing bumalik na sa akin dahil siya na lang naman ang hinihintay ko.

"You can't do that." Mariing sabi ko.

"My father and I already talked about it. Ronin is making a way to petition her as soon as possible."

Pabagsak kong inilapag ang baso sa mesa. "You can't take her away from me." I said dangerously.

He just smirked and took a sip on his brandy. "Don't worry. He loves you more than her boyfriend. I can tell that." He said confidently.

Parang nadiligan ng pag-asa ang puso ko ng marinig ko sa mismong kuya niya ang bagay na iyon. Mas lalong nag-alab ang kagustuhan kong isagawa na ang plano kong mabawi siya. Be it by hook or by crook.

Pero hindi ko na pala kailangang gawin iyon dahil ang mismong tadhana na ang gumawa ng paraan para muling magtagpo ang landas namin. Pero mabuti na lamang at naroon din ako sa mismong pinangyarihan dahil kung hindi, panibagong dagok na naman iyon sa buhay niya.

Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa gabing iyon. She surrendered herself to me willingly. Ang ilang buwang pangungulila ko sa kanya ay napunan ng buong gabing magkasama kami sa ibabaw ng kama ko habang sinasamba siya. I made sure that I kissed every corner of her body. Wala akong pinalampas. I memorized it all. Sinigurado kong walang bahagi ng katawan niya ang hindi ko binigyan ng atensyon.

I tried my chance again. I offered myself for the second time. Hindi ko na kayang mawalay sa kanya. I feel lost without her. All I need is to be in her life. I will do anything baby, just sing your love for me.

Pero...hindi pa rin niya ako tinanggap. But her farewell is not for ending between us. It is for her to start living her life.

Kaya mabigat man sa loob ko ang kagustuhan niyang lumayo muna para hanapin ang kanyang nawalang sarili, ako na mismo ang umayos ng mga kailangan niya para makaalis na siya sa lalong madaling panahon.

While she's away with me, I never lost contact with her family. I am always updated to what's happening to her. She excelled in her chosen career. She's doing well in her life. She looks overly contented now.

Ayos na siguro 'yon, Luna? Can you keep me again now in your life, too?

Naalimpungatan ako ng maramdaman ng kamay kong wala sa aking tabi ang asawa ko. I immediately opened my eyes and automatically looked for her. Ito ang pinakaayaw ko. Waking up without her by my side. Dahil pakiramdam ko, iiwan niya ako ulit.

I heard the loud cry of our baby. Nakita ko si Luna na palabas ng kwarto namin karga ang anak naming si Marthina. She was hushing her silently. I smiled. Tuluyan na akong bumangon para sundan sila sa labas.

Nadatnan ko silang nasa garden na habang hinehele ang anak ko. I realized how she's more beautiful and amazing when she bears our child. It was a challenging pregnancy for her though. Ilang beses siyang muntik makunan dahil mahina ang kapit ng bata. That's why we have to be more cautious all throughout the months she nurtured our child inside her womb.

Hindi ko rin aakalaing magmamahal pa ako lalo ng ganito kalalim. I am deeply in love with her even before she became my wife. Pero mas lumalim pa iyon nang dumating sa buhay namin si Marthina.

She stiffened when I hugged her from behind. I kissed her neck as I watched her gently rocking our child in her arms.

"Hinanap mo na naman ako." She said while smiling at me sweetly.

I lifted my arm so I can caress Marthina's rosy cheeks. Nakatulog na siya ngayon matapos siyang ihele ng kanyang ina.

"Lumalakas na kasi ang iyak niya kaya inilabas ko muna siya. Alam kong napuyat ka rin sa pag-aalaga sa kanya kagabi." Dagdag niya.

Humarap ako sa kanya. I kissed her cheeks. "It's alright, love. I won't mind taking care of her at night. You should rest, too."

"Pero may pasok ka pa ngayon sa trabaho."

Ngumiti ako. She smiled at me, too. Then she pouted her lips towards me.
I chuckled. Hinawakan ko ang kanyang baba. I crouched and gave her a quick kiss.

"I love you, Luna." I whispered. Bumaba ang tingin ko sa kanyang braso. Hinaplos ko rin ang ulo ng anak ko at saka iyon hinalikan. "And I love you, too, little pumpkin."

She giggled and caressed my cheeks. Inabot ko siyang muli para mahagkan ulit sa labi.

"Thank you for this wonderful life with you." I said lovingly.

She smiled at me. Oh, how I love her smiles.

"Thank you for completing me." Aniya.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon