CHAPTER 29

557 11 6
                                    

Luna


"Manang, pakuha na lang po ako ng ice pack. Salamat." Ani Migs sa kasambahay nila Jigo.

We were seated on their sofa. Abala ako sa pagpunas ng natuyong dugo sa mukha ni Jigo habang si Migs, nakatayo lamang at nakadungaw sa aming dalawa.

"Ano ba talagang nangyari?" Miguel asked.

I bit my lip. I know that I should be partly blamed for what happened. Ako ang pakay ni Martin kanina. He was eager to talk to me. At nang magmatigas kaming dalawa ni Jigo ay nauwi lamang iyon sa init ng ulo at sukatan ng lakas.

Instead of answering him, Jigo held my busy hand.

"Are you alright?" he asked softly.

Lalo akong nakonsensya! Siya na nga itong nagulpi ni Martin pero ako pa rin ang iniisip niya.

Tumango lang ako. "K-Kami ang nag-aalala sa'yo. Pumunta kaya tayo sa ospital?"

He smirked and shook his head. "Wala 'to."

"Ano'ng wala? That man could even kill you, Jigo! I-report mo 'yan sa mga pulis." Migs said furiously while pointing his finger outside.

"Kakausapin ko na siya para hindi niya na tayo balikan." Dagdag ko.

Naalarma siya sa sinabi ko. Kahit hirap siyang kumilos ay umayos siya sa pagkakaupo. Alalayan ko man siya ay hindi ko rin naman magawa ng mabuti dahil sa laki ng katawan niya.

"No! Huwag ka ng makipag-usap do'n. Hindi ko hahayaan 'yan." He said. Dumaing siya nang inayos niya ang pagkakasandal niya sa sofa.

"Luna, is that the man you met in Sta. Ana?" Tanong ni Migs sa akin.

I looked at him feeling guilty of what happened. I nodded and trailed of.

"I'm sorry. Hindi ko rin inaasahan 'to. Matagal na kaming hindi nag-uusap at..." I gulped. "Sorry talaga, Jigs." Then tears formed on my eyes.

Umiling lang si Jigo. "Sshhh. Don't be." Humigpit ang hawak niya sa aking kamay. I let him be. Hindi na ako nagprotesta roon.

Tumunog ang cellphone ni Miguel at may kinausap siya sandali. After that talk, nagpaalam na siya sa amin.

"I have to go. Are you sure, you're okay here?" tanong niya sa amin.

"Use my car, Migs."

Tumango si Migs at saka bumaling sa akin. "What about you, Luna?"

My lips parted. I'm torn between wanting to go home and stay with Jigo. Hindi ko siya kayang iwan ng ganito. Lilinisin ko pa ang mga sugat niya. Ako ang dahilan ng gulo na ito kaya hindi ko maatim ang hindi siya asikasuhin at iwan na lamang siya rito na hindi pa maayos ang pakiramdam niya.

Jigo renewed his hold in my hand. It was warm and firm.

"Dito muna siya. Ipapahatid ko na lang siya kay Manong Gener." Sagot niya.

Pero binalingan ako ni Migs. "Luna?"

I nodded to agree with what Jigo said. Hindi naman ako matutulog dito. Gagamutin ko lang ang mga sugat niya. Dahil kung hindi ko ito gagawin, alam kong walang gagawa nito sa kanya. He refused to go to the hospital, too. This is all I can do for what happened earlier.

Bumuntung-hininga si Migs bago kami iniwan sa sala. Dumating na rin ang ice pack. Kinuha ko iyon at inilagay sa pisngi niya.

"Hawakan mo ito, Jigs. Gagamutin ko na ang sugat mo." Marahang sabi ko sa kanya. He took it from me and continued wiping the dried blood in his face.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon