CHAPTER 3

937 19 5
                                    

Luna


Hawak ko pa rin ang kamay niya hanggang sa makarating kami sa kabilang wing ng bulding. Nang masiguro kong hindi na kami abot-tanaw ng lalaking nangha-harass sa akin ay binitawan ko na ang kamay niya.

"Pasensya ka na talaga. Wala akong ibang choice kung 'di ang gawin 'yon." Paghingi ko ng dispensa sa kanya. When I looked into his eyes, I saw his playful stares at me. Or amusement? Hindi ko alam.

He shrugged his shoulders. Nakapamulsa na siya ngayon. "I don't mind if you tell everyone that I'm your boyfriend."

Amused by his answer, I frowned at him. "Bakit?"

"So men like them won't bug you anymore?" balik-tanong niya sa akin.

I chuckled at his answer. "Hindi pwede 'yon. Saka... Ano na lang ang sasabihin ng girlfriend mo? Baka mamaya sugurin ako." I stopped when I realized my unnoticeable conclusion about him.

Humalakhak siya sa sinabi ko. Nahiya tuloy ako dahil sa mga salitang binitawan ko.

"Don't worry, walang susugod sa'yo." He said. He slightly bowed at me para magpantay ang tingin namin. Saka ko lang nalaman na... hindi pa pala umabot ang taas ko sa balikat niya.

My lips parted by his answers. Hindi ko alam kung bakit pero I felt something inside of me. Parang nagdiwang ang kalooban ko sa narinig ko sa kanya.

I nodded and gave him a small smile. "S-sige, alis na ako."

Tinalikuran ko na siya at humakbang na para tunguhin ang dagat. I'll stay there for a while. Maliwanag naman ang ibang parte ng beach dahil may mga seaside cottages at restaurants. Tatambay na lamang ako roon sa hammocks na gawa sa rattan para panoorin ang dagat.

"Wait!" tawag niya sa akin.

Lumingon ako ng may pagtataka. Lumapit siya sa akin. "Hindi ka pa ba babalik sa kwarto mo?"

Umiling lamang ako. "Pupunta ako sa beach. Papanoorin ko ang dagat. Hindi pa ako nakakapamasyal simula noong nakarating kami rito."

"Can I join you?" maagap niyang tanong.

My brows creased when I heard him. I'm not innocent...but I don't want to assume either.

Maybe giving him the benefit of the doubt won't hurt me, right?

Akma na akong sasagot nang bigla siyang magsalita muli. "But... if you're not comfortable---"

"Okay lang." I nodded at him.

Tinungo ko ang mga duyan na nakatali sa nakayukong puno ng niyog. The hammock is large. Kasya ang dalawa hanggang tatlong tao. Dahan-dahan akong naupo roon. I felt comfortable when I sat down in there.

Nakita kong papalapit na ang kasama ko kaya bahagya akong umusog pa-gilid. I tapped the space beside me, telling he could sit here. Naupo nga siya roon pero sa laki niya, bahagyang gumalaw ang duyan kaya hindi sinasadyang mapasandal ako sa kanya.

I shrieked out but he held my right hand and my left shoulder for support. Nagtama ang mga mata namin. His beautiful brown eyes captivated me. Tila nangungusap, tila humihigop ng lakas.

Agad kong inayos ang sarili ko sa pagkakaupo at bahagyang natawa para maalis ang hiyang namumuo sa akin. He just looked at me seriously.

"Ang laki mo kasi..." kinamot ko ang likod ng tenga ko kahit hindi naman makati iyon.

"Sorry... Are you okay?" he asked. I smiled to assure him that I'm fine.

"Yes." Tipid kong sagot sa kanya. Isinandal ko ang katawan ko sa gilid ng duyan habang ang isang binti ko'y naka-crossed leg. Nag-enjoy ako sa tahimik at payapang tanawin. Tanging ang tunog ng hampas ng mga alon ang naririnig ko at ang malamig na simoy ng dagat ay hindi ko alintana. The moonlight is shining brightly.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon