CHAPTER 11

756 10 0
                                    

Luna


"Ayun, Jigo! Pitasin mo!" sigaw ko sa kanya.

Mahigpit ang bawat kapit ni Jigo sa malalaking sanga sa puno ng mangga rito sa bakuran. May mga mangilan-ngilang bunga na kasi na pwede ng kainin. Karamihan kasi ay mga bulilit pa. Ito ang naisipan naming gawin pagkatapos naming maglaro ng board games.

"'pag ako talaga nahulog dito a" malakas na sabi niya.

"Kaya nga kumapit ka dahil wala akong pampa-ospital sa'yo 'pag nahulog ka!"

Pinitas niya ang isang bungkos ng mangga at maingat na inihulog sa akin. Sakto! Buti hindi bumagsak sa lupa.

Lumipat siyang muli sa isang malaking sanga at tumingala para maghanap pa ng pwedeng mapitas.

"Eh 'di saluhin mo ako 'pag nahulog ako." he said casually.

Tumawa ako sa sinabi niya. "Ano'ng pinagsasabi mo?"

May pinitas na naman siyang ilang pirasong mangga at inihulog iyon sa akin.

"Sabi ko, saluhin mo ako 'pag na-fall ako sa'yo!" Malakas na sabi niya. He jump from that high branch!

"Hoy!" malakas na sigaw ko nang makita ko siyang tumalon. Awtomatiko pa akong napapikit at inangat ang isang braso ko dahil babagsak siya sa harapan ko.

Narinig ko ang malakas na pagbagsak niya sa lupa. I quickly opened my eyes to check on him. Nagpapagpag siya ng kanyang mga kamay at sa ibang bahagi ng kanyang pantalon. Nang tingnan ko siya, he's smirking at me.

"Hindi mo naman ako sinalo---"

"Paano kita sasaluhin eh ang laki-laki mo!" ani ko.

Humalakhak siya sa sinabi ko. Then he pinched my nose. "Ang cute mo."

Pumasok kami sa loob ng bahay para hugasan ang mga mangga. Habang binabalatan ko ang mga iyon, nag-presinta si Jigo na bumili ng alamang at luya sa tindahan. Pagbalik niya, bitbit niya na ang mga binili niya.

"Marunong ka bang magbalat?" tanong ko sa kanya.

He pouted. Tsk. I shook my head. "Kumain lang yata ang alam mo, eh."

He gave me a sweet smile. Lumabi lang ako sa kanya.

Pagkatapos kong balatan ang mga mangga ay isinunod ko ang paggisa ng bagoong. Nilagyan ko iyon ng brown sugar dahil iyon ang request ng herodes. Pagkatapos maluto at maisalin iyon sa losang mangkok, niyaya ko siyang kumain sa bakuran namin. Ipinalabas ko rin kay Jigo ang ang mahabang sofa namin na yari sa kawayan at isang maliit na mesa.

"Sarap talaga ng luto mo." Aniya habang sinasawsaw ang mangga sa bagoong.

"Bagoong lang naman 'yan." I said. Nage-enjoy na rin ako sa kinakain namin habang nagi-isip kung ano'ng magandang ulamin para sa tanghalian. Pero naalala kong dadalaw pala ngayong si Martin. Naku! Mukhang makakapagluto ako ng ilang ulam ng wala sa oras.

"Hanggang ano'ng oras ka rito?" I asked. Jigo just glared at me.

"Nage-enjoy pa lang ako ngayon pero bakit pakiramdam ko gusto mo na akong umalis?" aniya.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Martin's calling. I warned Jigo to shut up at tinalikuran ko siya.

Tumikhim ako bago ko iyon sinagot. "Hi!" Masayang sagot ko sa kanya.

He chuckled. "What are you doing?" he asked. Naiisip ko ang itsura nia habang nakabungisngis siya. Ang gwapo!

"Mmm... kumakain ng mangga!" I answered. Teka, 'di ba busy ito ngayon sa trabaho?

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon