CHAPTER 39

830 13 0
                                    

Luna


Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakadapa akong nakahiga sa kanyang maluwag na kama habang nakabalot ang buong katawan ko sa puting kumot. I'm naked under the sheets. Martin is sleeping soundly beside me. Marahan ang kanyang paghinga habang ako naman ay hapung-hapo sa nangyari kanina.

Damn. He's insatiable. Ilang beses na naming ginawa ito sa loob lang ng ilang araw pero parang hindi siya napapagod. Sa tuwing natatapos kami ay lalo siyang nagiging mapaghanap. It's not like I'm complaining but I don't think I can equal the same robustness he has.

Matagal din ang naging paghihintay niya sa akin pero binawi niya iyon sa bilis ng pangyayari nang ayain niya na akong magpakasal sa kanya.

Tiningnan ko ang daliri kung saan nakasuot ang dalawang singsing. Ang engagement ring na ibinigay niya sa akin kagabi at ang gold wedding ring namin.

I turned on the lampshade on the bedside table. Umayos ako sa pagkakahiga at bahagyang itinaas ang kaliwang kamay ko. The diamond engagement ring shined brightly underneath the dimness of this room.

I smiled. Naaalala ko pa kung paano ako nag-desisyon na magpakasal sa kanya. My mind was very clouded with lust and desire. Kasabay no'n ay ang kagustuhan kong hindi na malayo sa kanya. Kahit nang gabi lamang na iyon kami muling nagkita, hindi na ako nagdalawang isip nang yayain niya na ako.

Life is really unpredictable. Who would have thought that he'll stay in love with me? After what happened to us in the past, ako pa rin ang mahal niya. Ako pa rin ang hinintay niya.

At sa dinami-dami nang masasakit na nangyari sa akin, nahanap ko sa kanya ang kanlungan na matagal ko nang hinahanap.

He sheltered my heart. I welcomed his love. We both cherish each other despite the distance that we shared.

My love for him didn't change. Kahit nagkalayo kami, my hope that I took care for years grew deeper. Nabuhay ako sa pag-asang kung sakaling handa na ako, nandyan pa rin siya't handa akong tanggapin. Handang balikan. Handang mahalin ako ulit.

I felt him moved. Agad kong idinantay ang braso ko sa kanya. His hand automatically looked for my body. Nang makapa niya ako ay mahigpit siyang yumakap sa akin.

I reached for his forehead and gently kissed it.

"Mahal na mahal kita." I murmured. I caressed his shaved jaw. Tinalunton ng mga daliri ko ang kabuuan ng kanyang mukha, tila kinakabisa ang bawat sulok no'n. Ang kanyang makapal na kilay, matangos na ilong, manipis ngunit mapupulang labi.

Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Kahit nakapikit, hinalikan niya ako sa aking labi. Tumaas ang kilay ko? Is he awake? O kabisado niya lang talaga ang pwesto ko?

He buried his face just below my head. Inunan niya ang aking braso roon. Inayos ko ang pagkakahiga niya para mas maging kumportable ang pagkakahiga niya.

I embraced him so dearly like I'm holding my whole life with him. Sa kanya lang iinog ang mundo ko. Bubuo kami ng pamilya. Mamahalin ko sila ng buung-buo at nang higit pa sa akin.

Lumipad ang isip ko sa mga nangyari kaninang hapon. I don't have an ideal wedding. Pero kanina, na-realize ko, ganoon lang ang gusto kong kasal. Hindi engrande. Ang importante, naroon ang mga mahal sa buhay, habang saksi sila sa pagbitaw namin ng mga pangakong punung-puno ng pagmamahal.

I was a bit emotional during the ceremony. Simula nang mag-martsa kami ni Papa at Kuya Aki sa aisle hanggang sa maihatid nila ako kay Martin. Humupa lamang ang mga luha ko nang magsimula ang seremoniyas. He was holding me tightly while my tears are silently falling on my cheeks. But when he started saying his vows to me, mas lalo akong naiyak.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon