CHAPTER 27

578 11 2
                                    

Luna


Hindi ako nakatulog buong gabi sa kakaisip kung paanong nangyari 'yon. Maayos pa kaming nagsama noong huling punta ko sa Maynila. At kahit hindi kami madalas mag-usap na dalawa ay alam ko, alam kong ako ang gusto niya.

O dala na rin ba ng layo ng distansya at kakulangan sa oras kaya kumupas na rin ang nararamdaman niya sa akin?

Eh, ano'ng ibig sabihin nang lahat ng mga ginawa niya sa akin? Sa pagtulong niya sa paghahanap kay Papa?

Dumating na ba ang pinakakatakutan ko? Ang pinakapinagkakatiwalaan ko sa lahat ay mawawala na sa akin?

Mawawalan na naman ba ako?

Naguguluhan na ako. Unti-unti nang sumasakit ang ulo ko dahil sa dami nang naiisip. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako sa eskwela ngayong araw.

Alas sais na ng umaga. Mugto ang mga mata ko dahil sa magdamag na pag-iyak. Pagod na rin ang utak ko sa pag-iisip. I am totally wasted.

Naririnig ko mula sa labas ang maagang bangayan nila Mama at Peter. Nitong mga nakaraang linggo ay madalas silang magkasagutan. Lalo pa iyong lumalala kapag lasing na si Mama at uuwi ring lasing si Peter. Hindi pa naman sila umaabot sa pisikalan. Pero masasakit ang mga bitawan nila ng salita.

"Bwisit na buhay 'to! Imelda!" Sigaw ni Peter. Narinig ko ang pagbagsak ng kaldero sa kung saan.

Ibinalot ko ang aking sarili sa kumot at saka pumikit. When I will be at peace? Where on earth can I find it?

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang first period namin para sa araw na iyon. Buo na ang desisyon kong mag-absent ngayon. Hindi ko rin naman maipapaliwanag sa mga taong makakakita sa akin kung bakit ganito ang itsura ko ngayon.

Sinubukan ko ulit tawagan si Martin. This is my nth time of calling him. He's line cannot be reach. Ilang beses na rin akong nag-send ng text messages sa kanya pero kahit isa sa mga iyon ay walang reply mula sa kanya.

Dala na rin siguro ng matinding pagod ay sinubukan ko ang umidlip. Pero kahit sa pagtulog ko, siya pa rin ang laman ng panaginip ko.

Nagising akong hapung-hapo, naliligo sa sariling pawis at may sama ng loob. Pinilit kong alalahanin ang panaginip na iyon, o mas tamang sabihing bangungot.

Nakatayo ako sa isang sulok habang pinagmamasdan ang isang pares na nagsasayaw sa gitna. Maliwanag ang paligid pero nagdidilim ang paningin ko sa dalawang ito.

They were dancing slowly. He held her waist and push it to himself tighly, na parang ayaw siyang pakawalan nito. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa kamay ng babae. At sa pamamaraan ng pagtitig nito sa kanya ay parang hawak nito ang mundo niya.

Umusbong ang matinding galit sa dibdib ko. Muli kong ipinikit ang aking mga mata. Even in my dreams, my intense jealousy towards her visits me.

Ipinagpatuloy ko ang pag-alala. Nag-sasayaw sila sa gitna na para bang sila lang ang naroon. Na hindi nila namamalayan na sa isang sulok ng lugar na iyon ay may mga matang nagmamasid at pusong nasasaktan sa kanila.

Dumilat ako. Kailangan ko nang itigil ito. Lalo lamang akong masasaktan kapag ipinagpatuloy ko ang pago-overthink.

Isa pa, gusto ko siyang makausap. Kailangan kong kumpirmahin sa kanya. Siya lang, sa lahat, ang makakapagsabi ng totoo.

Sa kanya lang ako maniniwala.

I took my phone under my pillow and texted him again.

Ako:

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon