Luna
Dinig ko ang malakas na palakpakan ng mga customer matapos kong mag-perform sa stage. Pero hindi ko na iyon alintana dahil hindi na ako makapaghintay na makalapit pa sa kanya.
My eyes were only looking on his direction. Kahit siya ay nakatayo na rin at nag-aabang sa paglapit ko sa kanya. I waited this for so long. Pakiramdam ko, siya na lang ang hinihintay ko.
"Luna!" dinig kong boses na tumawag sa akin.
Nilingon ko kung saan galing ang boses na iyon. Inulit niya ang pagtawag sa akin. It was Migs who's calling me. Oo nga pala, nakalimutan kong bisita ko nga pala silang dalawa ni Jigo ngayong gabi. I saw him waving at me. I smiled and waved at him, too. I glanced Jigo for a while but he's only looking at the glass of wine he's drinking.
Muli kong tiningnan si Martin. Nakatingin din pala siya sa table nila Miguel. Hinintay ko ang muling paglingon niya sa akin. He did not disappoint me, though, because in a split second, his eyes went back to me again.
Wala sa isip kong itinuro ang table ng dalawang bisita ko, trying to tell him that I'll go with them first. Mabuti na lamang at nakuha niya agad ang ibig kong sabihin. He nodded at me but his stares are following me.
Tinalikuran ko na siya para tumungo sa table nila Miguel. I smiled at them warmly. Lalo na kay Jigs na halos hindi na makatingin sa akin ng tuwid. He only glanced at me and returned his eyes on the glass before he drank the brandy served to them.
"Jigs, hinay hinay lang. Malakas yan." Sabi ko nang nakangiti sa kanya.
Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi pero nanatili pa rin ang tingin sa basong hawak niya. Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya kaya si Miguel naman ang binalingan ko.
"Order lang kayo, sagot ko lahat!" Then I winked at him.
Tinawag ko ang atensyon ng waiter para lumapit sa amin. Dahil nahihiya sila, ako na ang nag-order para sa kanila. I told the waiter to serve us our specialty. Nagdagdag din ako ng isang lady's drink at yelo para sa akin.
Nagkamustahan kami. Hindi masyadong umiimik si Jigo kaya madalas ay kaming dalawa lang ni Miguel ang nag-uusap. May mga mangilan-ngilan din siyang isinasagot lalo na kapag tinatanong mo siya. Pero isang tanong, isang sagot lamang siya. He would kill the conversation once he answered your question.
I let him. Siguro ay naga-adjust pa na makaharap ako at makausap. Ganoon din naman ang ginagawa ko. Honestly, kung wala si Migs ngayon na kasama namin ay baka tahimik lang din kami ni Jigo sa table na ito.
"Big time ka na pala rito, Luna. At...lalo kang gumanda! Ang laki na ng pinagbago mo." Ani Migs matapos naming kumain ng special dishes. Kasalukuyan na kaming nag-iinom ngayon sa table.
Nagsalin ako ng ice sa baso ko bago ako nagsalin ng alak. Akma akong magsasalita nang biglang sumagot si Jigo.
"I can see that, too. I thought, you hate alcohol? Umiinom ka na rin pala ngayon?" sarkastiko niyang sinabi bago nagsalin din ng alak sa kanyang baso.
Nangunot ang noo ko sa pabalang na pagsagot ni Jigo. Marahan kong tiningnan ang kasama niyang si Migs. I looked at him with questions inside my mind. Why is Jigo acting that way? May problema ba?
Nakuha agad ni Miguel ang nasa isip ko. But he just shrugged his shoulders and drink his beer.
Bumaling ako sa kanya at nangiti. "Kailangan Jigs, para sa negosyo. Dapat alam ko ang bawat lasa ng lahat ng sine-serve namin dito."
Instead of putting a bad vibe on it, inilihis ko na ang magiging takbo ng usapan. I asked another topic.
"Bakit hindi ninyo isinama ang mga kaibigan at pinsan niyo? Full house ang resto ngayon pero sigurado akong mag-eenjoy din sila kung sakali." Ani ko.

BINABASA MO ANG
Sing for Me, Love
RomantikLumaki sa isang mahirap na pamilya si Luna. Sa murang edad, inabandona sila ng kanyang Hapon na ama kaya maaga siyang natutong magbanat ng buto para matugunan ang pangangailangan nila ng kanyang ina at para siya'y makapag-aral. Sumaside-line siya bi...