CHAPTER 26

564 12 2
                                    

Luna


We stayed in his condo the whole day. Nag movie marathon, food trip, at binisita namin ang music room niya roon. Tinuruan niya akong mag-piano. And damn this man, he can sing as well, too!

"Ang ganda ng boses mo!" I said surprisingly.

Ngumuso siya. His lips protruded sexily.

"I never got serious with music. But when I was younger, I used to join recitals in schools."

"Talaga? Ang galing naman!"

He smiled. "My mother taught me how to play the piano."

I smiled at him, too. Sa paraan ng pagku-kwento niya sa akin tungkol sa kanyang ina at kung paano niya ito ilarawan ay punung-puno iyon ng pagmamahal. Alam kong mahal na mahal niya ang kanyang ina at ganoon rin ito sa kanya.

Hindi ko maiwasang hindi maalala si Mama. Ipinilig ko ang aking ulo. Ayokong ipagkumpara silang dalawa dahil magkaiba naman ang naging buhay namin.

At saka, wala ako sa mundong ito ngayon kung hindi nangyari ang lahat ng iyon. How my mother was deceived by my father because he can't lose her.

No matter how tragic it was, alam ko, lahat ng iyon ay may dahilan.

Niyaya akong mag-dinner ni Martin sa family house nila. Kasama raw ang dalawang kapatid niya. His father went back to the States dahil may aasikasuhin raw tungkol sa negosyo.

"May negosyo rin kayo sa America?" I asked.

Nasa sasakyan na kami papunta sa mansyon nila.

"We have." Tipid na sagot niya.

"Kaya ba roon siya nakatira?"

He glanced at me for a while bago muling ibinalik ang tingin sa daan.

"Partly."

Nangunot ang noo ko. He held my hand and gently kissed it. Ang isang kamay naman niya ay nasa manibela.

"He has a new family now. They live there." Maiksing eksplenasyon niya sa akin.

Hindi ako nakakibo sa bagong impormasyong nalaman. Ngayon niya lang sinasabi sa akin ang mga bagay na ito. Na-kwento niya sa akin noon na wala na nga raw ang kanyang ina. Pero hindi ang isang ito.

"I'm sorry." Tanging nasabi ko.

Umiling siya, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Don't be. We're okay now."

Iniliko niya ang sasakyan niya sa isang gate ng subdivision. Halos malula ako sa nakita! Ang lalaki ng mga bahay! Ito yong mga bahay na nakikita ko sa mga lifestyle magazine sa library. Siguradong mga nasa alta-sosyedad ang mga nakatira rito.

Habang iniisip ko lahat ng nakikita ay saka ko nare-realize na ang layo talaga ng agwat namin ni Martin. He got everything he needs, can get everything he wants, all in all in a snap of his fingers.

Kaya minsan hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng babaeng pwede sa kanya ay sa akin siya nagkagusto.

Ipinasok niya ang sasakyan niya sa isang itim na gate. May dalawang gwardya na nagbabantay sa harap nito. I wonder kung sila lamang ang mga tao rito. Sa laki ng bahay na ito, kulang pa ang dalawa para magbantay at mag-maintain ng ganda nito!

"Ito ba ang bahay niyo?" I asked.

He unbuckled his seatbelt bago niya isinunod ang akin.

"Yeah. You like it?" nakangiting tanong niya.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon