CHAPTER 24

660 11 0
                                    

Luna


"Are you ready?" Narinig kong sabi niya.

Tiningnan ko siya mula sa repleksyon niya sa salamin. Ngumiti ako bago tumango ng ilang beses.

Lumapit siya sa akin at mula sa aking likuran ay niyakap niya ako. Itinuloy ako ang pagsuklay sa aking maalon na buhok. I am wearing a white casual sleeveless dress. Lantad ang aking balikat maging ang aking collarbones ngunit sapat naman iyon para hindi ako makitaan ng husto.

"You're so beautiful." Anas niya.

I am wearing the same heels he bought me when we had dinner with the attorneys. Sa taas nito na 3 inches, kahit paano ay nakahabol ako ng kaunti sa tangkad ni Martin.

Ngumisi ako sa kanyang sinabi.

"Bolero." I answered.

Tumaas ang kanyang kilay.

"It's true. You're beautiful."

Inilapag ko ang hair brush sa vanity table. Hinawakan naman niya ako sa magkabilang balikat ko at saka dahan-dahang pinaharap sa kanya.

"I miss you so." He said dearly.

I equaled his stares. It was full of longingness. Namumungay ang kanyang mga magagandang mata. Nakita kong lumipat ang kanyang tingin sa aking labi at saka lumunok.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero inabot ko ang kanyang mga labi at saka iyon pinatakan ng isang masuyong halik. Nang umayos ako sa pagkakatayo ay nakita kong umigting ang kanyang mga panga. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis.

"Ako rin." Ani ko.

Sa ilang linggo rin naming hindi pagkikita ay lalo kong natanto kung gaano ako nangulila sa kanya. Hindi naging maganda ang huling paghihiwalay namin dahil sa nangyari sa bahay. At ngayong kasama ko siya, gusto kong sulitin ang bawat minutong lumilipas.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa isang mamahaling restaurant kung saan kami magkikita ng kanyang sekretarya kasama ng aking ama. I gripped his palm a little tighter because of nervousness. Napansin niya iyon kaya niya ako masuyong hinatak bago kami pumasok sa VIP Room. Naroon na rin si Fred na nag-aabang sa amin.

"Are you okay? You look tense." He said.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil maging siya ay napansin ang pagkabalisa ko. Sinubukan kong pagtakpan iyon sa pamamagitan ng ngiti ngunit alam kong hindi ko iyon maiaalis sa aking itsura dahil naguumpisa ng kumalabog ang puso ko. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon.

"Okay lang ako." Tanging sagot ko sa kanya.

Tiningnan niya ako at saka marahang tumango. Narinig ko ang pagtawag ni Fred sa atensyon niya. Mabilis itong lumapit sa kanya at may ibinulong. Nangunot ang kanyang noo at saka mabilis na bumaling sa akin bago niya sinagot ang kanyang sekretarya. I just saw him nodded and went inside the room.

Muling hinawakan ni Martin ang aking kamay bago niya iyon tuluyang binuksan. My eyes immediately roamed around, tila awtomatikong may hinahanap na kung ano...o kung sino.

Una kong nakita ang isang malaking round table na may nakaupong dalawang kalalakihan habang nakatayo si Fred sa tabi nila. Isang matanda at isang...lalaking kasing edad ni Martin o mas matanda sa kanya ng kaunti.

They looked foreign to me. But one thing is for sure, the old man looked really like me.

Agad nagtama ang aming mga paningin. I saw how his eyes widened when he saw me. Punung-puno iyon ng pangungulila at kung hindi ako nagkakamali ay nangingilid ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Sing for Me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon