Alliston's Pov
I've been watching Ivy since we arrive here at the grocery.
Nag-aya kasi itong kumain sa labas at dapat kasama namin si Madie pero tumanggi ang anak ko. Nag-dalawang isip pa akong sumama kay Ivy nung una dahil ayaw ko iwanan ang anak kong mag-isa.
Thank god that Irina volunteered to watch over Madie.
"Will she like this or this one?"
Naguguluhan pa nitong tanong habang hawak ang dalawang magkaibang brand ng palaman sa magkabilang kamay niya.
Seryosong seryoso pa ang itsura nito habang tinititigan ang mga hawak.
"Forget it. I'll just get both!" Naubusan na ng pasenya nitong saad saka nilagay iyon pareho sa cart. "This one too. And this one"
Pinagkukuha pa nito ang ibang flavor na nakita niya kaya nanlalaki ang mga mata kong pinigilan siya.
"What the hell are you doing?"
Balak ba niyang purgahin sa sodium ang bata?
"I'm buying everything." Parang wala lang niyang sagot.
Napahawak naman ako sa noo ko at napailing bago pinagbabalik ang mga pinagkukuha nito.
Those are not healthy. I won't let her feed Madie with these!
"Madie, won't eat this."
"She'll like that."
"She won't!"
"Kids are fond of sweets!" Proud pa nitong sagot na akala mo alam niya talaga.
Inagaw pa nito yung chocolate syrup na hawak ko at muling binalik sa cart.
Naiinis ko naman itong tinignan.
"Bakit ba mas marunong ka pa? Hindi nga niya iyan gusto and I am not letting her to have too much sweets!" Naiinis ko ng saad dito at muling kinuha yung mga pinaglalagay niya para ibalik.
Natahimik naman ito.
Parang na-guilty ako na ewan pero siya naman kasi ang may kasalanan. Pinipilit niya yung mga bagay na hindi pwede.
I already told her no and yet she keeps on insisting. Nakakapagod din kaya ang manaway ng paulit-ulit.
"I'm sorry." Nagyuko pa ito ng ulo. "I just don't know what I should do."
Pwede naman kasi siyang magtanong. Nandito ako at sasabihin ko naman kung ano yung mga dapat at hindi pwede para kay Madie.
Hindi niya kailangan mag-marunong at magdesisyon ng mag-isa.
Madiin na lang akong napapikit. Ayokong masira ang araw namin ng dahil lang sa maliit na bagay. Baka mamaya lumaki na naman ang issue at kung saan pa mapunta ang usapan.
"You don't have to panic. I am here."
Tinignan pa niya ako bago marahang tumango. Walang imik itong sumunod sakin ng magsimula akong maglakad.
Dapat siguro ipaliwang ko sa kanya ang mga paborito ni Madie. Baka kaya hindi siya mapakali kasi wala pa siyang idea.
"Pancakes are Madison's favorite for breakfast." Bigla kong saad habang sinusuri ang expiration date sa box ng pancakes.
"Okay." Mahinang sagot lang niya kaya nagpatuloy ako.
"She also like eating salad. Yung raw. No mayo and no added salt. Pure fruits and vegetables." Dagdag ko pa habang nilalagay sa cart ang tatlong box ng pancakes saka kami lumipat sa beverages section.
YOU ARE READING
A Wife With No Right
Romantik"Ayoko na. Tama na!" -Alliston "No. I won't let you go again. Never! If I need to lock you up here in my room then so be it! You're mine, hon. Only mine!" -Ivy __ After a five long years of disappearing from her supposedly life with her wife. Allis...
