Alliston's Pov
Sinasalansan ko ang mga gamit na dadalhin namin. Ivy and I decided to go on a trip together with Madie. Hindi ko pa alam kung saan ang lugar na pupuntahan namin dahil hindi sinabi ni Ivy but she keeps on telling me na magugustuhan daw namin doon for sure.
"Mama, what are you doing?" Madie asked. Ngumiti naman ako dito bago sumagot.
"I'm preparing our things, anak." Saad ko ba habang tinutupi ang ibang mga damit saka maayos ko iyong sinisiksik sa maleta.
"We're going home na po ba?" Mahihimigan ang excitement sa boses niyang tanong.
Natigilan ako bigla at mabilis na nilingon ang anak kong ngayon ay nakangiti na. Iniwan ko ang ginagawa at saka marahang lumapit sa kanya.
"Anak, we're going on a trip!" Pinasaya ko ang boses ko ng sabihin iyon.
"Really po?"
"Yes, anak." Tumango tango pa ako para mas maniwala siyang totoong aalis kami.
Hindi naman ako nabigo dahil nakikita ko na ang excited na itsura ng anak kong sabik na sabik na pumasyal.
"Kasama po ba natin si daddy Robert?" She asked. Nawala naman ang ngiti ko at napaiwas ako ng tingin.
Humugot pa ako ng malalim na hininga bago ako muling magsalita.
"No, Madie." Tipid kong sagot dito. Agad din naman nalungkot ang anak ko ng marinig iyon.
"Then who's coming with us po kung hindi si daddy ang sasama, mama?" Inosente nitong tanong ulit sakin.
"Kasi, anak...." Hindi ko maituloy. Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya. Wala din kasi itong idea dahil hindi pa namin nasabi ni Ivy sa kanya. "We will go together with your mommy."
There, I said it. Inamin ko mismo kay Madie.
Hindi ko alam kung anong iniisip ngayon ng anak ko sa sinabi ko. I already told her that Ivy is her mommy too. I admitted it.
Tahimik lang itong nakatingin sakin. Hindi siya kumikibo at ang katahimikan niyang iyon ang nagpakaba sakin. Inaasahan kong magugulat siya o di kaya'y bobombahin ako nito ng sunod sunod na tanong pero hindi.
Normal lang ang mukha nito habang nakatingin sakin na parang wala lang ang sinabi ko.
Napapalunok ko naman itong tinignan bago ako magsalita.
"Anak, aren't you mad?" Kinakabahan kong tanong sa kanya pero umiling lang ito.
"I'm not mad, po." Tuluyan akong nakahinga ng maluwag ng marinig ang sagot niya.
"Really, anak?" Muling tanong ko pa dahil gusto kong masigurong hindi talaga siya galit at mabilis naman itong tumango.
"Why would you think po, that I'll get mad?"
Natigilan naman ako bigla sa tanong niya. Madie is literally asking me of something so obvious. I just admitted something so big. Something that she should know a long time ago and yet she seems so calm. Unbothered even.
And I don't know why is she acting like this. Madison is giving me mixed signals. Hindi ko mabasa ang sarili kong anak.
"Anak, I'm just worried. I just admitted to you that Ivy is your mother too and I thought that you'll get mad because you hate her and because I kept the truth. From you." Mahina kong saad dito. Naguguluhan man ako sa inaakto niya pero pilit ko iyong pinaliwanag kay Madie. Nag-aalala talaga ako sa iisipin niya kaya hindi ko din sinasabi.
"I know po." Tipid lang niyang sagot na mas nagpagulat sakin.
"You knew?" Naguguluhan kong tanong. Alam naman pala ng anak ko pero bakit ganon parin ang treatment nito kay Ivy na parang hindi niya kinikilalang nanay yung isa.
Madie nodded. "Yes, po. I already believed her the moment she said that she's my mother too." Mahinang pag-amin din nito.
Doon ako tuluyang hindi nakapagsalita. Akala ko siya ang magugulat pero hindi pala dahil ako mismo ang halos hindi makagalaw sa gulat ng dahil sa mga nalaman ko sa anak ko.
Lihim kong kinabig ang sarili para kalmahin.
"Then why are you treating her like that? Like she's not your mother. You even told her anak, that she's a liar." Nagyuko naman ito ng ulo matapos kong magtanong. Hindi din kasi ako makapaniwalang sasabihin ni Madie iyon.
"Because I want to hear the truth from you, po." Nag-angat pa ito ng ulo saka ako tinignan. "I believed her but I trust you more, mama."
Malambing ko itong hinapit para yakapin matapos kong marinig and rason niya.
Madie believes that Ivy is her mother too. She knew it from the moment she heard Ivy's words. Madie is just waiting to hear the truth from me. She wants me to be the one who will tell her because she trust me more.
"I'm sorry, anak. Mama was just scared." Gusto kong umiyak pero pilit kong pinigilan. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Kung dapat ba akong matuwa kasi all this time she had an idea or dapat ba na malungkot ako kasi sakin pala niya gustong makumpirma ang totoo.
"Don't be sorry po, mama." Marahang saad ng anak ko.
Mabilis akong umiling.
"No, anak. It's my fault for not telling the truth, that's why you hated your mother." Kasalanan ko iyon. Yung pagiging duwag ko at pilit na pagtakas sa katotohanan ang nagpapagulo ng lahat.
"It's not your fault, po. I hated her because she's a selfish person, mama." May tampo sa boses ng anak ko ng sabihin iyon.
"Madie, don't say that. You're mommy loves you. So much. Please be kind to her too!"
Madie shook her head. "That's not love po, mama. Daddy Robert loves us too but he's not that selfish. He is not a liar and he is not scary. Bad po yung woman na sinasabi niyong mommy ko kaya she don't deserve our kindness."
My daughter really hate, Ivy. I need to make her understand that everything that her mommy did. She did it out of love pero paano ko naman iyon ipapaliwanag kung ganito ang isip niya. Madie believes that love is a beautiful thing and Ivy failed to show it in a proper way.
"Daddy Robert is way better than her." Seryosong ani pa nito.
Madiin akong napapikit sa sinabi ng anak ko at ilang beses pa akong huminga ng malalim saka ako tumingin dito ng malungkot.
"Anak, you're being unfair. That woman you're talking about is your mother too. Can you give her a chance to be a mother to you?" Nakikiusap kong tanong dito. Umaasang pagbibigyan ako ng anak ko.
Hindi sumagot si Madie at nagyuko lang ng ulo.
"Give her a chance, anak. Can you do that? For me?" Muli kong pakiusap dito. Hindi ulit siya sumagot pero marahan naman siyang tumango.
That made me smiled. A liitle.
Hindi ko pa kasi alam kung talagang magiging maayos na ang lahat pero alam kong kahit papaano gagaan ang sitwasiyon.
I kissed Madie's forehead.
Don't worry, anak. Ivy will show you how much she love you. I'm here. You have nothing to be scared of. I'll protect you.
To be continued...
YOU ARE READING
A Wife With No Right
Romance"Ayoko na. Tama na!" -Alliston "No. I won't let you go again. Never! If I need to lock you up here in my room then so be it! You're mine, hon. Only mine!" -Ivy __ After a five long years of disappearing from her supposedly life with her wife. Allis...
