Alliston's Pov
Naalimpungatan ako sa init ng liwanag na tumatama sa mukha ko. Saglit ko pang sinulyapan ang orasan sa gilid ng kama at ganon na lang ang gulat ko ng makitang alauna na ng tanghali.
Mabilis akong bumangon para mag-ayos pero agad din akong natigilan ng maramdaman ko ang bahagyang panginginig ng aking mga binti.
Napailing na lang ako habang sapo ang noo ng maalala ko ang nangyari kagabi. Hindi na naman kasi ako tinantanan ng babaeng iyon matapos ko siyang pagbigyan ng isang beses.
She keeps on saying 'last one, hon' pero hindi naman iyon natutupad saka bakit pa ba ako magtataka samantalang alam ko naman kung gaano ito ka-aggressive pag dating sa ganong bagay.
At sino ako para magreklamo kung ginusto ko din naman. Masyadong magaling ang babaeng iyon para tanggihan ko!
Gusto kong sabunutan ang sarili sa naisip ko pero anong magagawa ko kung hindi ko din magawang tumanggi sa mga panlalandi nito.
Mali, Kaya ko pala. Masyado lang masarap yung halik kagabi kaya ako nadala. That's right. Yun talaga iyon.
Bwiset!
Naiinis akong pumasok sa banyo at sinimulang maglinis ng katawan. Nakita ko pa ang ilang markang iniwan ni Ivy sa katawan ko pero hindi ko na masyadong inatupag iyon.
Kailangan ko magmadali dahil tanghali na saka si Madie. Damn, yung anak ko baka hindi pa kumakain iyon.
Kasalanan talaga ito ni Ivy.
It took me almost an hour to finish my routine. Nang matapos ako ay agad akong bumaba. Nangunot pa ang noo ko ng makarinig ako ng tawanan.
Sinilip ko ang pinanggalingan ng ingay at hindi ko maiwasang mangiti sa nakikita.
Madie is laughing wholeheartedly while Ivy is wearing some random dinasour costume and keep doing some weird dance moves. Sinasabayan nito ang tugtog na nagmumula sa smart television.
Natutuwa akong sumandal sa hamba ng pinto habang pinapanood sila.
"Hear comes the beat, anak. Let's go!" Malakas na saad ni Ivy. Si Madie naman ay mabilis na pumwesto sa tabi nito na tila may hinihintay na stanza ng kanta.
As on cue ay tumugtog naman ang kanta na nagpagiling sa dalawa.
'Hawak mo ang beat..
Hawak mo ang gabi..
Sa bawat galaw mo
Ako'y nabibihag🎶🎶
Sabay na sabay ang galaw nila na parang matagal na nila iyong sinasayaw.
'Hawak mo ang beat..
Wag mong bibitawan..
Hanggang sa huling
tugtog ng sayawan🎶🎶
Hindi ko na tuloy napigilan ang matawa lalo na ng makita ko kung paano sumayaw ang mag-ina ko. May papikit pikit pa habang nakataas ang isang kamay at kumikembot.
Masyadong ginagalingan. Parehong bigay na bigay na akala mo hawak talaga nila ang beat.
"Mama, your awake!"
Natigil sila sa pagsayaw ng mapansin ako ni Madie. Mabilis itong tumakbo sakin at yumakap.
"Good afternoon, baby." Malambing kong bulong as I kissed her cheeks.
Lumapit din si Ivy sa akin at humalik sa pisngi ko.
"Hi, hon. How long have you been there?"
"Long enough to witness your weird dance moves." Muli na naman akong natawa ng maalala. Namumula naman itong nag iwas ng tingin.
YOU ARE READING
A Wife With No Right
Romance"Ayoko na. Tama na!" -Alliston "No. I won't let you go again. Never! If I need to lock you up here in my room then so be it! You're mine, hon. Only mine!" -Ivy __ After a five long years of disappearing from her supposedly life with her wife. Allis...
