We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

AWWNR 41

867 30 1
                                        

Alliston's Pov

"Kelan pala ang balik natin ng manila?"

Nakahiga kami ngayon sa kama at nagpapaantok na. Nakatulog na din si Madie matapos basahan ni Ivy ng bed time stories.

"Ayaw mo na ba dito?" Balik niyang tanong sakin.

Umiling naman ako.

"Hindi sa ganon. May trabaho din kasi akong kailangan balikan doon." Natahimik naman siya sa tinuran ko na parang may malalim na iniisip.

Marahil naalala niya kung paano kami napunta sa ganito. Kung saan nagsimula ang lahat bago pa man kami mag-kaayos.

Mahigit isang buwan na din kasi nung kunin niya ako at itago-kami ni Madie. Hindi ko na alam kung anong sistema sa labas simula nung ikulong niya ako noon.

"Pwede namang dito na muna tayo." She smiled at me then kissed my forehead. "You don't have to work, hon. I can provide for us."

Right. Hindi problema ang pera kasi marami siya non pero hindi iyon ang pinupunto ko.

Malalim akong napahinga.

"I know, but I don't want to depend on you. Ayoko nang palagi akong nakaasa sayo."

"But that's okay. Mas better nga na sa bahay ka na lang at asikasuhin kami ni Madie."

Natahimik ako. So that's it.

Minumungkahi niya sakin na mas magandang maging full time housewife na lang ako kesa magtrabaho.

Hindi ko naman sinasabing ayaw ko kaya lang ayoko na kasing masanay ulit kagaya nung nangyari noon. Kahit kasi nakikita kong nagbabago na siya ay hindi ko parin maiwasang matakot.

Natatakot ako na baka kapag nasanay na naman akong palaging nakaasa sa kanya, bigla na naman siyang magbago at saktan kami ng anak ko.

I have doubts now, I know. Hindi din naman kasi biro ang pinagdaanan ko sa kanya noon. Masakit parin kapag naaalala ko ang nakaraan.

I heard her sighed.

"You're doubting me." Hindi iyon tanong. Sinabi niya iyon sa paraang sigurado siya na iyon ang nararamdaman ko.

And she's right!

"Hon, Hindi na ako kagaya ng dati. I've change and I am trying to make it up to you, to Madie." Nagpapaintindi ang tono ng boses niya. May pinapatunayan.

"I know." Mahina kong sagot. Nakikita ko naman ang mga ginagawa niya kaya nga ako natutuwa.

"Then why can't you trust me?" I could hear her frustrating voice when she whispered.

"I trust you.." Sandali akong lumunok at saka nag-iwas ng tingin. "Hindi na nga lang iyon buo." Mahina ko pang dagdag.

Ramdam ko pa ang paninigas niya dahil alam kong narinig niya ang sinabi ko.

I don't want to doubt her but what can I do? Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong matakot, na kahit alam ko namang nagbago na siya, hindi ko parin magawang magtiwala sa kanya ng buo.

That everytime I'll look at her, I'll always have a second thought.

"I'm sorry." May pait sa boses niyang saad pero ngumiti parin siya sakin saka muling humalik sa noo ko.

"We'll go back to manila, hon. Just like what you want."

---

After A week, we're now back to manila. Tinupad naman ni Ivy ang sinabi niya nung nag-usap kami sa isla at sa loob ng isang linggo na iyon ay mas lalong naging malapit si Madie sa mommy niya.

A Wife With No RightStories to obsess over. Discover now