We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

AWWNR 30

1.4K 47 3
                                        

Alliston

Matagal kaming nagkwentuhan ng anak ko simula nung pumasok siya kanina dito sa kwarto.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil sabik na sabik lang akong nakikinig dito. Marami kasing kwento ang sinasabi niya na parang naipon ang mga iyon at gusto niya lahat ilabas.

"And you know what, mama?" Nanlalaki pa ang mga mata niyang tanong.

"What is it, anak?" Tanong ko din dito habang hinahaplos ang ulo niya.

Pareho kaming nakahiga sa malawak na kama.

"They got together again. It's a happy ending!"

Humagikgik pa ito matapos iyong sabihin. Tuwang tuwa niyang kinu-kwento sakin ang love story ni princess Fiona.

The Princess who fell inlove with the green ogre guy named shrek.

"Though, I hate the idea that the princess became an ogre too. Shrek should became a prince just like the story of the princess and the frog!"

Nangiti ako ng marinig pa ang pagrereklamo nito.

I pinched her nose gently.

"You can't compare a two different story, Madie." Natatawa kong saad.

"I know po. I'm just a bit disappointed but it's a good movie po."

Tumango na lang ako sa sinabi niya.

Ayoko ng bigyan pa ito ng rason para mas mag-isip ng malalim. Bata pa ang anak ko at alam kong maiintindihan din niya balang araw ang mga pinapanood niya.

I want her to enjoy it for now.

Hindi naman kasi siya laging bata at isa pa masyado ng hindi akma sa edad nito ang pag-iisip niya.

I like her being smart pero parang pakiramdam ko ay pinapabilis nito ang paglaki ng anak ko.

Natigil lang ako sa pag-iisip ng marinig kong kumulo ang tiyan niya.

"What's that?" Panloloko ko pang tanong.

Natatawa naman itong tumingin sakin. "It's my tummy po."

My baby is hungry.

I kissed her cheeks before I get up and carried her. "Let's go down stairs. I'll feed you."

Ngumiti lang ito sakin. Hindi malawak pero hindi rin pilit, parang sinasabing ayaw niya pero kailangan.

Hindi na ako nagsalita at naglakad na lang pababa habang buhat ito.

Nakakarinig ako ng tunog sa baba pero hindi ko pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang matanaw ko kung saan nanggaling ang tunog.

Nakita ko ang kapatid ni Ivy na inaayos ang mga pinggan sa malaking mesa.

Maayos iyong sinasalansan ng bigla namang lumabas si Ivy galing sa kitchen habang hawak ang malalim na bowl.

Hindi ko makita ang laman pero nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ng ulam.

Adobo.

Nakatayo lang ako sa tapat ng hagdan habang tinitignan ang dalawa na naghahanda ng makakain.

Napansin naman ako ni Irina kaya agad kami nitong tinawag.

"Alliston, Come and eat."

Natigilan naman si Ivy sandali at mabilis na lumingon sa kung nasaan ako. Alanganin pa itong ngumiti bago mabilis na bumalik sa ginagawa.

Wala na akong nagawa kundi ang lumapit at doon ko lang nakita ng maayos ang mga pagkain sa mesa.

Hotdogs..

A Wife With No RightStories to obsess over. Discover now