Alliston's Pov
"What are you doing here?" Kumalas ako sa yakap niya at hinarap siya. Bahagya pa akong nagulat ng makita ang itsura nito.
He looks... different!
"I'm looking for you!" He smiled at me but it doesn't reach his eyes. "I'm sorry about the last time. Hindi ko sinasadya ang nangyari, hindi ko alam na mawawala si Madie. I searched the park, the building where we live, the village, even the entire town pero hindi ko na siya makita. Then the next thing I knew, you're gone too!"
Even his voice now, sounded different. Mahina na para bang pagod.
"No, it was not your fault!" Hindi niya kasalanan ang nangyari. I want him to know that it was Ivy's doing pero hindi ko magawang sabihin.
"It is my fault. It was my duty to protect you and Madie, pero hindi ko nagawa kaya patawarin mo ako, Alli!"
Natigilan naman ako ng muli niya akong yakapin. Mahigpit na parang natatakot na bitawan ako. Wala na akong nagawa kundi yakapin din ito pabalik.
"It's okay. Nandito na ako, hindi mo na kailangan mag-alala, Robert."
"I'm sorry, I promise hindi na talaga mauulit."
"Ayos lang, hindi mo naman din kami obligasiyon." Mahina kong saad. Marahan ko pang hinaplos ang likod niya habang yakap ko siya.
Humigpit naman ang yakap niya lalo bago marahang umiling. "I'm your boyfriend kaya responsibilidad ko kayo!"
Bigla naman akong natigilan ng marinig ko iyon saka naiilang na kumalas sa kanya.
I need to tell him the truth.
"Robert kasi...." Hindi ko maituloy. Natatakot akong baka masaktan ko na naman siya.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at ngumiti sakin. Mas lalo naman akong nakaramdam ng guilt ng gawin niya iyon.
"Umuwi na tayo, miss ko na talaga kayo ni Madie." I looked at him straight and he's staring at me with longing.
Paano ko ba sasabihin sa kanya ang tungkol kay Ivy sa paraang hindi ko siya masasaktan. Kahit saan ko kasi tignan, masasaktan at masasaktan ko talaga siya.
And he don't deserve that!
Tumitig ako sandali sa kamay niyang nakahawak sakin bago siya muling titigan sa mata.
"About that... Hindi na kasi kami uuwi ni Madie sa condo." Bakas ang gulat sa mukha niya ng sambitin ko iyon.
"What?..b-but why? Dahil ba ito sa nangyari, I promise na hindi na iyon mauu-
"It's not about that." Naguguluhan naman niya akong tinignan.
Huminga ako ng malalim. This is for the best. I can't go on, hurting him forever.
"Hindi ito dahil sa nangyari, hindi mo iyon kasalanan. I know, I said before that I will give you a chance pero hindi ko pala kaya, that's why I am ending things between us."
That's it, I'm sorry!
"You mean..."
Umiwas ako ng tingin at nanghihinang napayuko. Hindi ko magawang salubungin ang mga titig niya.
Maya maya pa ay narinig ko ang mahina niyang tawa. "That's not a good joke, Alli."
Nag-angat ako ng tingin. Napalunok pa ako ng makita ang mukha niyang tila nakikiusap.
"I'm not joking. I'm telling you the truth, ayoko ng paasahin ka sa isang bagay na hindi ko kayang ibigay."
Paulit ulit naman siyang umiling. "No, galit ka lang kaya mo nasasabi yan, Alli!"
"Hindi ako galit, Robert." Mahinahon ko pang saad.
"Then why are you doing this?!" He frustratingly asked.
"Because I.. I don't want to hurt you!"
Mapakla naman siyang natawa. Nakita ko pa ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya bago muling magsalita.
"Sinasabi mong hindi mo ako gustong saktan pero anong ginagawa mo ngayon? You are clearly hurting me right now, Alli!"
Natahimik ako.
Hindi ko naman kasi ginustong gawin sa kanya ito kaya lang hindi din tama na hayaan ko na lang siyang umasa.
"Alliston, Please. Hindi ko naman sinadya yung nangyari, alam kong mali ako sa part na iyon pero pinagsisihan ko naman na iyon. Hindi ko na uulitin ang ipasyal si Madie ng hindi mo alam!" Nakikiusap niyang saad, malamlam ang mga mata.
"It's not about that-
"Kung hindi iyon, ano?" Agad niyang sabat. "We're okay and happy, not until you guys went missing! Nawala kayo na parang bula and I did everything I can para mahanap kayo, and now that I saw you bigla namang ganito! So tell me, ano nga ba ang dahilan?"
Ilang ulit akong lumunok ng marinig ko ang tanong niya. Madiin pa akong pumikit para kalmahin ang sarili ko saka ako nagsalita.
"Madie and I... We were with Ivy!" I admittedly said.
His eyes went round the moment he heard me, then it turned into something else.
Nangunot ang noo niya habang nakatingin sakin.
"So, the park the incident, yung pagkawala ni Madie. Lahat pala iyon hindi totoo, it was just a fake stunt to fool me, So you and Ivy could be together." Mapakla siyang tumawa habang tumatango. "I now, get it. Para akong tangang hanap ng hanap tapos all this time, magkasama lang pala kayo, You guys made me... Stupid!"
Mabilis akong umiling dito. Mali ang iniisip nito, hindi ganon ang nangyari.
"No, Robert! That's not what happened.. It was-
"It was what!?" Madiin pa itong napahilamos sa mukha. "You're with Ivy. Nanggaling na mismo sayo na magkasama kayo kaya wag mo nang subukang paniwalain ako kasi ang totoo, pinaglaruan niyo lang ako!" Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib niya matapos magsalita.
"You played me..." Mahina niya pang dagdag at tuluyan ng nadurog ang puso ko ng makita ang pagpatak ng mga luha niya.
I immediately went to hugged him.
"I'm sorry!" Hindi ko na din napigilan ang pag alpas ng mga luha ko sa sakit. Nasasaktan ako sa isiping nasasaktan ko siya.
Robert don't deserve this, He's my best friend for Pete's sake. I want to hate myself for hurting him but this is the only way.
"Hindi kita pinaglaruan, maniwala ka. I didn't mean to hurt you. T-The missing incident was not an accident on my part, totoong nawala kami ni Madie, but it was p-planned." Pinahid ko ang mga luha ko at saglit na huminga.
"It was... all Ivy's doing pero hindi ko sinasabing kasalanan niya, because it was not her fault too. She just did what she think was right and I can't blame her for that, and I-I just can't pretend anymore, a-ayoko ng pilitin ang sarili kong kalimutan si Ivy kasi ang totoo, mahal ko pa rin siya. I love her s-so much!" Humihikbi kong saad.
Gosh, I really love, Ivy, mahal na mahal ko ang babaeng iyon!
Gumanti naman ng yakap si Robert, Umiiyak din.
"Ako na lang, Alli. Mas kaya kong mahalin ka, I-I can love you better than Ivy." Humigpit ang yakap niya at mas lalo naman akong naiyak.
"Robert you don't understand." Alam kong kaya niya akong mahalin ng higit pa pero si Ivy ang mahal ko.
And I just can't force my self to love someone else other than my wife, but I can't also keep on hurting him. Hindi din niya kasalanang mahal niya ako.
Wala na bang ibang paraan? Hindi ba pwedeng itigil ito ng hindi ko siya nasasaktan?
"P-Pero sabi mo susubukan mo din na mahalin ako, b-baka naman pwede mo ulit subukan, Alli. Okay lang sakin kahit hindi sobra, kahit pilit lang, kaya ko din makihati—I could also be a secret, hindi na ako magde-demand, okay na sakin ang kahit ano. Payag na ako sa lahat basta mahalin mo lang din ako kasi hindi ko talaga kaya ng wala ka!"
To be continued...
YOU ARE READING
A Wife With No Right
Romance"Ayoko na. Tama na!" -Alliston "No. I won't let you go again. Never! If I need to lock you up here in my room then so be it! You're mine, hon. Only mine!" -Ivy __ After a five long years of disappearing from her supposedly life with her wife. Allis...
