We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

AWWNR 39

1.1K 33 0
                                        

Warning: This chapter is not for minor🔞.

Read at your own risk.

———

Alliston's Pov

Nakasulyap ako sa langit habang hawak ang baso ng gatas. Malalim na ang gabi pero hindi ako makatulog kaya naisipan kong lumabas sa veranda para magpahangin.

Yung anak ko naman kanina pa tulog. Napangiti ako ng maalala ko ang mga masasayang kaganapan nung nakaraan.

My baby is getting close with her mother. She looks okay to be with Ivy. Hindi na katulad ng dati. Hindi na laging umiiwas. Hindi na parang napilitan.

They were naturally comfortable with each other, and it actually warmth my heart. I was so happy to finally witness such a loving bond between the two of them.

"What are you doing here?" Napangiti ako ng maramdaman ko ang pagyakap ni Ivy sa bewang ko. "Can't sleep?" Tanong pa nito.

Tumango ako. "Yes."

"But it's so windy here every night. Aren't you cold?"

Hinaplos pa nito ng bahagya ang mga braso ko bago muling yumakap. Sa sinabi nito ay tila naman bigla akong nakaramdam ng lamig.

She's right. Malakas nga ang hangin dito pag gabi.

"A bit."

"Then mind if we do something with it, do you?" Mahinang bulong pa niya.

Saglit kong ibinaba ang hawak kong baso sa katabing mesa at saka siya hinarap. Agad ko namang nakita ang nakangiti niyang labi at ang mga mata niyang malokong nakatingin sakin.

"Ikaw talaga. Puro ka kalokohan." I pinched her nose lightly.

"Ouch, hon. That hurts."

Mabilis naman siyang kumalas sakin at hinipo ang ilong niya.

"Ang oa mo. Hindi naman madiin iyon." Natatawa ko pang saad sa kaartehan niya. Hindi ko naman tinodo yung pag pisil.

"But it hurt."

Napailing na lang ako sa kaartehan nito pero natigilan ako ng mapansing patuloy parin ito sa paghaplos ng ilong niya.

Nasaktan ba talaga siya?

Huminga ako ng malalim saka hinawakan ang pisngi niya.

"Let me see." Tinanggal ko ang kamay niyang humihipo doon saka iyon pinakatitigan. Namumula nga iyon ng bahagya kaya nakonsensiya naman ako bigla.

Hinilot ko naman ang ilong niya ng marahan. "Masakit pa?"

She nodded.

Wala sa sariling hinalikan ko ang ilong niya. Hindi ko na napag-isipan. Bigla ko na lang ginawa. Siguro dahil nga sa nakasanayan ko na.

Out of instinct.

Ganon kasi ako sa anak ko. Kapag may masakit kay Madie ay hinahalikan ko ang parteng iyon. Hindi totally nawawala yung kirot pero alam kong naiibsan. Hindi dahil nagamot ng halik kundi dahil sinabi kong huhupa yung sakit.

A white lies that kids tends to believe, at dahil nga iniisip ni Madie na mawawala yung sakit. Hindi na niya iyon masyadong iindahin.

"I missed that."

Natigilan ako sa paghilot sa ilong niya ng marinig ko ang sinabi niya. "What are you talking about?"

Nagkibit balikat siya. Then she looked straight into my eyes and said. "That magic kiss."

A Wife With No RightStories to obsess over. Discover now