We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

AWWNR 36

1.2K 44 1
                                        

Alliston's Pov

Ivy keeps on smiling the whole ride while she's glancing at me and Madie. Even her eyes shows happiness and excitement that made the vibes even more calm.

Napakasaya niya ngayon at para namang natutunaw ang puso ko kapag nililingon ko siya.

She's really beautiful.

Madison on the other hand seems so quiet. Wala akong narinig dito simula nung umalis kami sa bahay. I am worried about her but I know that she will soon understand everything.

Hindi ko naman minamadali ang anak ko. Gusto ko lang na bigyan niya naman kahit konting atensiyon ang mommy niya. I want her to be more close with Ivy the way she was when they first met. Yung tipong halos ayaw na niyang tantanan si Ivy dahil gusto niyang nasa malapit lang ito.

Ganong attachment ang gusto kong maramdaman ulit ng anak ko kaya lang mukhang mahihirapan akong ibalik iyon.

"Hon, are you nervous?"

Napalingon ako kay Ivy ng bigla siyang magtanong. Tipid lang akong ngumiti bago marahang umiling.

"Hindi naman." Mariing sagot ko.

"That's right. I am here, I've got you." She holds my hand and kissed the side of my head.

Magkatabi kaming tatlo ngayon sa gitnang bahagi ng van at ako ang nasa gitna. Madie secured her seat at the corner. Balak ko sanang sa gitna siya kaya lang nauna na itong pumasok at piniling sa gilid maupo.

May dalawang driver naman sa harap na nagpapalitan sa pagmamaneho.

"Where are we really going?" Mahinang tanong ko kay Ivy. Pansin ko lang kasing kanina pa kami nasa byahe.

"You'll know soon, hon. Malapit na tayo." Nakangiti niya pang sagot saka mabilis na kumindat.

Napanguso naman ako. Kanina niya pa sinasabing malapit na kami pero anim na oras na ang lumipas mula nung umalis kami sa bahay.

"It's been six hours. Baka naiinip na iyong anak mo." Natatawa kong saad dito. Balak ko lang sanang biruin ito pero natigilan ako ng marinig ko ang natatarantang boses niya.

"I.. I'm sorry but I promise that we're really near... Just a little more longer."

Narinig ko pa ang pag-utos niya sa mga driver na mas bilisan saka ako muling binalingan at ngumiti sakin ng alanganin. Nakita ko pa ang mabilis niyang pagsulyap sa anak kong nasa tabi ko at nasa labas lang ang tingin. Tahimik na pinapanood ang bawat nadadaanan namin.

"Sorry, anak. Naiinip ka na ba?" She hesitantly asked Madie pero nandoon parin ang lambing. "Malapit na tayo. You can take a short nap and I promise that when the time you wake up, we'll be there na."

I looked at my daughter who remained silent. Parang wala itong narinig at tutok lang ang tingin sa labas kaya napahinga ako ng malaim bago ko ito kinalabit. 

Dahan dahan naman siyang tumingin sakin.

"Anak, your mommy is asking you." Mahinang bulong ko dito. Tumingin naman si Madie kay Ivy saglit bago muling ibalik sakin ang tingin.

"Sorry po. I was busy looking outside, mama." Nagyuko ito ng ulo matapos iyon sabihin.

Malalim naman akong napahinga.

"Are you telling the truth, anak?"

Mabilis na nag-angat ng ulo ang anak ko ng marinig niya ang mahina kong tanong. Nanlalaki ang mga mata niya ng titigan ako at nakita ko ang bahagyang pagkibot ng mga labi niya.

"Do you think that I would lie to you, mama?" She weakly asked me. May tampo sa boses niya kaya naman natigilan ako.

Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Hindi ko sinasadyang ganon ang maging dating ng tanong ko. Gusto ko lang naman malaman kung talagang hindi niya narinig or nagdadahilan siya.

Umiling ako. "No, anak. I was jus—

"Hon, that's enough."

My words are cutted off by Ivy. Napakagat na lang ako sa labi ng muling ibaling ni Madie sa labas ang tingin.

"It's okay, she's just busy looking outside. Madie won't lie to you." Masuyong sabi ni Ivy at saka hinawakan ang mga kamay ko.

Hindi na ako sumagot. Malungkot lang akong tumingin sa anak kong hindi na ulit kumibo. Gusto ko siyang amuhin at lambingin kasi hindi ko gustong nagtatampo ito. Bukod sa hindi ako sanay, hindi din ako mapakali.

Naninikip ang dibdib ko.

Kung bakit ba naman kasi ganong salita ang lumabas sa bibig ko. Of course, Madie won't lie to me. Never pa nagsinungaling sakin ang anak ko kaya alam ko.

It's just that, I want her to be comfortable with this vacation. I want to see her getting excited like how she was when we travelled before from the province to manila.

The way her eyes used to twinkle and the way she can't keep quiet through out the ride kasi tanong siya ng tanong about sa mga nakikita niyang bago. Yung masaya niyang boses kapag excited siya at yung mga paglilikot niya.

Namimiss ko na yung mga ganong expressions ng anak ko.

Lately kasi sobrang tahimik na lang nito. Magsasalita na lang kapag tinatanong ko. Mas madalas pa nga nitong hanapin si Robert kesa ang makipag kulitan sa amin ng mommy niya.

And somehow, that made me sad.

Hindi man kasi sabihin ng anak ko ay alam ko sa sarili kong hindi pa siya sanay. Nangangapa pa siya sa sitwasiyon and believe me or not, I understand her. It's just that, I am trying to make everything right. Trying to make everything work for our family.

Hindi madali pero sinusubukan ko.

"We're here!" I suddenly heard Ivy's voice. Sumulyap naman ako sa bintana ng kotse para silipin kung nasaan kami.

"Where are we?" Tanong ko pa dahil hindi ako pamilyar sa lugar. "Parang liblib naman dito masyado."

Mapuno kasi. Kung hindi lang umaga ay iisipin kong nasa gubat kami.

"Let's go outside, hon. Maganda dito, promise!"

"Okay." Sagot ko saka bumaling kay Madie. "Let's go, anak." Malambing ko saad dito.

Kakalungin ko na sana siya ng umiling ito.

"Kaya ko na po, mama."

Natahimik ako. Walang imik ko itong tinignan habang mag-isa siyang lumalabas ng van.

Kinabig ko ang sarili bago sumunod sa dalawa. Dumampi naman sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin paglabas.

Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang pagpatong ng jacket sa balikat ko kaya nagtataka naman akong napalingon sa may gawa. It's Ivy.

"You're cold. Let go inside the cabin first." Pag-aanyaya pa nito. "Come, anak. Magpahinga muna tayo, after that ipapasyal ko kayo." Ivy said with her smiling face.

Gaya kanina ay wala ulit imik ang anak ko pero marahan naman itong tumango. Napisil ko tuloy ang kamay ni Ivy ng makita kong nawala ang ngiti niya ng mauna nang maglakad si Madie papasok.

"It's okay, ngayon lang iyon ganon." Pag papagaan ko pa sa loob niya.

"You think so?" Mahinang tanong pa nito. Tumango naman ako saka ngumiti.

"Oo naman. Mabait ang anak mo, for sure hindi ka matitiis non."

Madie is kind. She's just scared, kilala ko ang batang iyon at kabisado ko kung paano tumakbo ang isip niya pero minsan, inaamin kong may mga pagkakataon at bagay itong ginagawa na hindi ko talaga inaasahan.

"But she hates me." Mahihimigan ang lungkot sa boses niyang saad.

"She don't. She's just...new to this."

"I hope she'll be happy with this."

"She will." Ivy smiled but it didn't reach her eyes, so I hold and caress her cheek. "She'll be happy. I promise."

To be continued...

A Wife With No RightStories to obsess over. Discover now