We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

AWWNR 37

1.4K 56 2
                                        

Alliston's Pov

Ilang beses akong huminga ng malalim dahil tila na-rerelax ang isip ko sa sariwang hangin na nasasagap. Isama pa ang malawak na dagat sa harap ko na may kalmadong alon.

Ivy brought us in a secluded island. Matapos kasi naming makarating sa cabin na tinuluyan ay inaya ulit kami nito at ganon na lang ang gulat ko nung malamang sasakay kami ng bangka.

A speed boat to be exact. Tinawid namin ang dagat ng halos dalawang oras hanggang makarating kami dito sa isla.

Talaga namang namangha ako ng sobra ng makita ang kabuuan nito sa malayo, lalo ng makatapak kami.

Bago sa paningin. Kakaiba sa pakiramdam at magaan sa kalooban. Hindi ko alam pero para akong dinuduyan sa mga sandaling ito.

"Do you want me to tour you and Madie?" Ivy askingly whispered.

"Hanggang saan ba tayo pwede maglibot?" Balik kong tanong dito. Baka kasi restricted pala yung ibang part ng isla. Ma-banned pa kami pag nagkataon.

Nangunot ang noo ko ng marinig ko ang mahina nitong tawa saka lumingkis ang mga braso niya at masuyo akong niyakap.

A back hug!

"We can roam around anywhere, hon. No one would dare to restrict us." Natatawa nitong saad.

I see.

Magkano naman kaya ang binayad ng babaeng ito para malaya naming malibot ang lugar. Hindi biro ang lawak ng isla at naiisip ko palang na gumastos siya ng malaki ay tila sinasakitan na ako ng ulo.

"Spend your money wisely, Ivy. Hindi mo naman kailangan gastusan ng bongga ang bakasyon natin." Pag-papaalala ko dito.

Sapat na samin ni Madie ang simpleng bakasyon. Isa pa, ilang araw lang naman kami mananatili dito.

"I'm already spending it wisely, hon." Humigpit ang yakap niya. "If it means seeing you and our daughter happy then, I'm more than willing to spend more millions."

Nahigit ko ang hininga ng marinig ko ang sinabi niya. Naaantig ako kasi hindi ko inaasahang maririnig ko iyon sa kanya.

See, Madie? Your mommy is trying, so please consider her as your mother too. She loves us. She loves you!

Palihim kong kinabig ang sarili saka marahang hinampas ang kamay niyang nakayakap parin sakin. Ayokong ipahalatang tinatablan ako ng mga matatamis niyang salita.

"Still, it's not that okay to spend a lot. Hindi naman tayo magtatagal dito para gastusan mo ng milyon ang mga ganitong bagay." Hindi niya nilinaw pero sa sinabi niya ay naiintidihan ko ng milyon ang binitawan niyang halaga.

Alam kong mayaman siya pero shems. Nagtatapon na ba siya ngayon ng pera?

"Would you like it?" Bigla niyang tanong. Naguguluhan naman akong nangunot ng noo. Hindi ko siya maintindihan.

"Would I like what?"

"Here. Would you like to live here?" Mahina niyang tanong, Pabulong.

Natigilan ako. Tahimik kong pinasadahan ng tingin ang lugar. Maaliwalas na hangin. Tahimik na paligid at payapang sitwasiyon na para bang kasalanan ang makaisip ng problema.

Sinong tao ang hindi gugustohing dumito?

"If I could, then I would."

"Then we will."

"Stop joking, Ivy."

"I'm not."

Natatawa kong muling hinataw ang kamay niya pero may kasamang marahang kurot.

A Wife With No RightStories to obsess over. Discover now