We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

AWWNR 43

803 33 3
                                        

Alliston's Pov

I've been busy with my work lately. Madami na kasing report na pinapatapos and all of them are mostly urgent.

Natatapos ko pa naman kahit papano yung mga important docs na kailangan pero halos matambakan parin ako.

Which is good.

Nakakalimutan ko din kasi pansamantala yung mga bagay na pilit kong inaalis sa isip ko. Hindi sa ayokong isipin, kundi dahil hindi ko alam kung paano ko aayusin

I don't want to make unnecessary decisions just to make everything at stake.

Gustohin ko man din na sabihin kay Ivy ang tungkol sa problema ko ay hindi ko naman magawa. I also don't want to make her worried about this, lalo pa at alam ko kung paano mag react ang babaeng iyon.

Paniguradong mauuna na naman ang galit niya kapag nalaman niya ang naging usapan sa pagitan namin ni Robert and it's not a good idea.

"Alliston, how's the files that I sent you yesterday?" Naagaw ng boses na iyon ang atensiyon ko.

Mabilis ko itong binalingan bago sumagot. "I'm still working on it, ma'am."

"I need your drafts before my meeting next week."

"I'll just send you the email tomorrow, maam."

"Very well."

Then she left. Napahinga naman ako ng malalim ng mawala ito sa paningin ko.

Nagmamadali na naman siyang ipatapos ang mga pendings kahit wala pa namang due, pero kahit ganon swerte pa rin na hindi pa kami napapagsalitaan ulit nito sa ngayon.

But I knew better. Malapit na ulit itong manermon, nararamdaman ko na sa tono niya kanina ang pagkaubos nito ng pasensya.

Ilang beses na din kasi nitong binabalik ang mga pinapasang proposals ng management team. Palaging may mali o kaya naman not presentable enough to report infront of the boards ang lagi niyang sinasabi.

So kami uulitin namin ulit. Walang katapusang ulit hanggang makuha niya ang gusto niyang format.

Ganon kalala.

Minsan gusto ko na lang talagang mag-quit pero kapag naiisip ko ang anak ko ginaganahan na naman ako. Kailangan ko mag-ipon para sa kanya, hindi ko din kasi masasabi ang mga mangyayari kaya sinisiguro ko na lang na magiging maayos kami kapag may hindi inaasahang pangyayari.

I know na baka iniisip niyong mayaman naman si Ivy pero kagaya nga ng sabi ko, ayokong umasa na naman sa kanya.

Ginawa ko na iyon noon at anong napala ko, wala. Hindi naman sigurong masama ang maniguro ako ngayon tutal kinabukasan na ng anak namin ang nakataya dito.

Madison will always be my top priority.

Speaking of Madie. Hindi ko na ito naipagluluto ng pagkain. Naghahapunan naman kami lagi ng sabay sabay pagka-galing kong trabaho pero nami-miss ko na din kasi itong asikasuhin.

Si Ivy na kasi ang laging nag-aasikaso sa amin, lately. Palaging may lutong pagkain kapag gigising ako at papasok ng trabaho. Siya din ang naghahatid sundo kay Madie sa school at tumutulong na gumawa ng mga assignments nito.

Even the house chores.

Ivy is playing the perfect house wife from the day we got back.

Dapat akong matuwa-alam ko, pero bakit may konting puwang pa din akong nararamdaman sa dibdib ko. Pakiramdam ko may hindi pa rin tama.

Okay kami. Masaya kami pero bakit feeling ko may kulang. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko nitong mga nakaraan. Mula noong magkausap kami ni Robert mas lalong dumami yung tanong sa isip ko.

A Wife With No RightStories to obsess over. Discover now