Alliston's Pov
Hindi ko talaga mapigilan ang hindi umiyak. Hinahayaan ko lang na matuyo sa mukha ko ang mga luha dahil mapapagod lang ako kakapunas.
I heard Ivy.
Nagkunwari akong tulog kanina nung pumasok siya sa kwarto at naramdaman ko ang pagpatak nito ng halik sa noo ko.
Hindi ko alam kung saan ito pumunta pero wala na akong balak alamin dahil yung anak ko lang ang nasa isip ko simula noong mawala ito sa tabi ko.
Ang sabi niya babawi siya pero bakit ganito?
Hindi ganitong pagbawi ang inaasahan ko sa kanya. Dapat mas inaalala nito kung ano ang mararamdaman ko at ng anak ko.
Pinigil ko ang hikbi ng makarinig ako ng kaluskos.
Sigurado akong nandiyan na ulit si Ivy. Wala namang ibang tao ang pwedeng makapasok dito kundi siya lang.
Kailangan ko ulit magpanggap na tulog dahil doon lang ako nagkakaroon ng katahimikan.
Huminga pa ako ng malalim at sandaling kinalma ang sarili. Mabilis ko din pinunasan ang basang pisngi bago ako pumikit.
Hanggang sa marinig ko ang tunog ng seradura, tanda na may pumihit doon kasama ang mahinang tunog ng pagbukas ng pinto. Dahan dahan pa ang pagbukas niya na parang natatakot na magising ako o kaya naman sinusubukan lang sumilip para alamin kung gising na ba ako.
Just act normal, Alliston. You're good at this right?
Hinintay kong lumapit siya pero ilang minuto pa ang lumipas na wala akong naririnig. Nakatalikod din kasi ang pwesto ko sa pinto kaya nakikiramdam lang ako sa paligid.
Pinapanood ba niya ako sa malayo?
"Mama, is that you?"
Nahigit ko ang hininga ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Maliit at malambing na tono na alam ko kung kanino.
Kabisadong kabisado ko iyon.
Mabilis akong napamulat ng mata at agad na bumangon para tignan kung tama ba ako ng narinig.
And there she is.
My baby.
Am I dreaming? Nagha-halucinate na ba ako? Baka naman nababaliw na ako para makita ang anak kong nasa harap ko mismo.
"Madie.." Nakagat ko pa ang ibabang labi ko para pigilan ang luha. "Is that you, baby?"
Gusto kong makasiguro na anak ko talaga ang nakikita ko. I want to go and hug her but I'm scared na baka gawa-gawa na lang siya ng isip ko dahil sa sobrang pagka-miss ko dito.
Wala akong narinig pero sapat na ang mabilis nitong pagtakbo at agad na paglundag sa kama para malaman ko na totoo siya.
Mabilis itong yumakap sakin.
Mahigpit na parang sinasabi niya sakin na miss na miss niya na din ako.
I heard her silent cries.
Umiiyak ito habang nakasubsob sa leeg ko at ako wala ng magawa kundi umiyak din at yakapin siya ng mahigpit.
God. I miss her so much!
"My baby!"
I caress her back. Gusto ko siyang patahanin pero paano ko iyon gagawin kung yung mismong sarili ko nga hindi ko mapatahan.
Hindi ako makapaniwalang nandito ang anak ko ngayon at yakap yakap ko.
Dumako ang tingin ko sa pinto at nakita ko ang magkapatid na nanonood sa amin ng anak ko.
YOU ARE READING
A Wife With No Right
Romance"Ayoko na. Tama na!" -Alliston "No. I won't let you go again. Never! If I need to lock you up here in my room then so be it! You're mine, hon. Only mine!" -Ivy __ After a five long years of disappearing from her supposedly life with her wife. Allis...
