Alliston's Pov
CLICK! CLICK!
Makailang beses kong kinukuhanan ng litrato ang mag-ina ko habang may malawak na ngiti sa labi . They are both so happy while playing with each other. Hindi na nga sila halos kumain dahil masyadong tutok sa ginagawa.
Saglit ko pang tinitigan ang mga kuha bago ko nilapag ang cellphone ko saka hinablot ang bimpo at nagsimulang lumapit sa kanila.
"Hindi po ganyan. Castle should look sturdy, yung hindi po agad masisira."
"Ahm..Like this?"
"No. Wag niyo po diinan, dapat soft lang po."
Nakangiti akong nakikinig sa usapan ng dalawa. Madie is engaging herself in an open conversation with Ivy.
"Aren't you two, tired?" Pumwesto ako sa tabi ng anak ko at pinunasan ang likod nito. "Kumain kaya muna kayo."
"Later, mama. We're almost done na din po." Seryoso ang mukha ng anak kong sagot sakin.
Napalingon naman ako sa ginagawa nila. It was indeed, almost done like what Madie said. Nadako ang tingin ko kay Ivy na salubong ang kilay habang maingat na hinuhugis yung lupa.
Bahagya pa akong natawa ng hindi niya halos mabuo kasi medyo gumuguho ang ibang parte.
"Make it wet po." Madie said. "Kaya po hindi nabubuo kasi hindi po masyadong basa."
"Oh, is that so?"
Madie nodded. "Yes, po. Kapag basa na po mas madali ng gawin."
"Then should I make it more wet?" Mahina niyang tanong. Nagulat pa ako ng biglang titigan ako nito. "The wetter the better, right?"
Hindi ko alam pero parang may kung ano sa boses ni Ivy ng sabihin iyon na parang may halong....landi.
At nasisiguro kong sa mga oras na ito ay iba na ang tumatakbo sa utak niya.
"Right, but not too much po."
"And why is that?" Tanong niya pa sa bata habang nasa akin parin ang tingin.
Napapalunok naman akong tumitig din sa kanya pabalik.
"Hindi na po maganda. Makalat na po iyon."
Madiin akong napapikit bago mag-iwas ng tingin. Ibang scenario ang pumapasok sa isip ko. Nararamdaman ko na din ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi lalo na ng marinig ko ang mahinang tawa ni Ivy.
"You're right, anak. Makalat na nga yun." Ngumisi pa ito sakin bago muling ituon ang atensiyon sa nilalarong lupa. "And I'll keep in mind that I should be gentle."
Tumango tango naman ang anak ko sa sinabi nitong isa. Napapailing nalang tuloy ako bago tuluyang lumakad pabalik sa sa pwesto ko kanina.
It's not a good thing to stay there.
Dito na lang siguro ako hanggang matapos nila ang ginagawa. Kakain naman si Madie kapag nagutom iyon, mas lalo na si Ivy. So basically, hindi ko na kailangan paalalahanan pa ang babaeng iyon.
__
Ivy
I can't believe the scenes infront of me. My daughter is playing with me. We're really a family today and it makes me so happy that I could die right now.
Ganito pala ang pakiramdam.
Naninikip ang dibdib ko pero hindi yung sakit na kinasanayan ko ng limang taon kundi yung masikip na parang punong puno ang puso ko ngayon.
I dreamed of this. Every single scenarios. Every night since the day my wife said that Madie loves exploring. I keep on planning and praying that somehow, this vacation would work because I really want to make Madie happy.
YOU ARE READING
A Wife With No Right
Romantik"Ayoko na. Tama na!" -Alliston "No. I won't let you go again. Never! If I need to lock you up here in my room then so be it! You're mine, hon. Only mine!" -Ivy __ After a five long years of disappearing from her supposedly life with her wife. Allis...
