Alliston
Ivy is acting cold.
Umiiwas siya sakin mula nung nakita niyang magkasama kami ni Robert. Wala siyang imik at wala din siyang ginagawang kakaiba bukod sa hindi pag-pansin sakin.
I know na kasalanan ko. Hindi ko kasi naisip na pwedeng makita niya kami sa ganong klase ng lugar at sa ganong oras. Nagsinungaling din ako sa kanya ng ilang beses kasi hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin sa paraan na hindi siya magagalit.
Kahit saan ko tignan ay mali talaga ang ginawa ko.
Hindi ko na kasi alam kung anong pumapasok sa isip ko. Masyado na akong kinakain ng halo-halong emosiyon. Naguguluhan na din ako sa kung ano bang dapat kong maramdaman.
Just like today. I filed a week leave para sana bumawi pero hindi talaga ako kinakausap ni Ivy. Nagpupumilit na nga akong sumama sa paghatid pero mas minabuti niyang magpahinga ako.
I want to make things right and clear. Gusto ko din magpaliwanag pero paano ko gagawin iyon kung iniiwasan niya ako.
Napapalunok kong tinitigan ang mga pagkain na nakatakip sa mesa. Pinagtatabi niya parin ako ng pagkain kahit hindi niya ako pinapansin. Tahimik lang niyang inaasikaso kaming mag-ina.
I didn't even heard a single complaint from her. She's just quietly setting things accordingly.
Mabilis kong inubos ang pagkain na nakatabi. Balak kong sundan sila sa school kasi wala pa namang medya-oras mula nung umalis sila.
Nang matapos ako ay mabilis na nagbihis ako ng presentable dress then, I texted Ivy that we could meet at the end alley, twenty five meters away from the school.
I was about to leave when I heard the doorbell rang. Mabilis akong tumungo sa gate at binuksan iyon para lang matigilan.
It was Robert.
"What are you doing here?" Nagtataka kong tanong dito. Lumingon lingon pa ako sa paligid bago siya muling tignan. "Bakit ka nandito?"
"I just want to know if your okay." Alanganin pa siyang ngumiti sakin.
"I'm okay. You can go now, Robert."
"Pinapaalis mo na ako agad? Hindi mo manlang ba ako aayain na pumasok?"
Madiin akong napapikit, napahinga pa ako ng malalim bago siya muling harapin.
"Robert please. Hindi ka dapat nandito. Umalis ka na." Pinal kong saad saka siya pinagsarahan ng gate.
Pero hindi ko na iyon nagawa ng bigla niyang itulak iyon ng may kalakasan na dahilan para muling bumukas ang gate at mabilis siyang makapasok.
"Nababaliw ka na ba?" Bakas na ang pagkataranta ko sa boses ng itanong iyon.
"I'm sorry, Alli. Gusto ko lang naman kausapin ka ng maayos. Hindi mo na kasi sinasagot ang mga tawag at text ko kaya nag-alala ako!"
"Hindi mo na kailangan mag-alala. Ivy won't hurt me!"
"We're not sure about that. Sa ngayon siguro pero kapag umandar na naman ang kabaliwan niya, sasaktan ka ulit non!"
Natahimik ako. May kung anong pangamba ang gumapang sa sistema ko ng maalala kung gaano kasahol kaysa sa demonyo ang ugali ni Ivy.
Robert has a point. But I'm sure that Ivy won't hurt me. Not physically, atleast.
"Umuwi kana." Pagtataboy ko.
I heard him laughed sarcastically. "Balik na naman ba tayo sa dati? Itataboy mo na naman ako para sa babaeng iyon? Akala ko ba okay na tayo, Alli? Inaayos na nga natin yung sa atin e!"
YOU ARE READING
A Wife With No Right
Romance"Ayoko na. Tama na!" -Alliston "No. I won't let you go again. Never! If I need to lock you up here in my room then so be it! You're mine, hon. Only mine!" -Ivy __ After a five long years of disappearing from her supposedly life with her wife. Allis...
