We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

AWWNR 48

707 44 33
                                        

Ivy

I woke up early.

Katulad ng palagi kong ginagawa magmula nung mapagpasyahan kong manatili sa bahay at maging isang mabuting housewife. Magigising ako ng maaga para magluto at mag-asikaso ng mag-ina ko.

Wala naman akong pinagsisihan kasi gusto ko ang ginagawa ko, ngunit ang pakiramdam ko ngayon ay hindi na katulad noon.

May kurot na sa dibdib. May puwang. I'm happy but not that happy. Hindi na sagad yung saya.

Don't get me wrong. I'm still happy to serve my kid, to be able to do everything for her is still my favorite thing to do.

It's just that... Something change.

I don't know what's wrong, but I'm sure that there is something wrong with all of this.

Mahina akong napailing at marahang natawa sa naisip. Mali pala.

Hindi totoong hindi ko alam.

I knew what's wrong. I'm just denying it to myself because I don't want to accept the things that's been happening to us lately. I don't want my kid to notice that our family is in the verge of falling apart.

Mataman kong nilingon ang anak kong tahimik na kumakain. She looks so innocent. Unbothered with her surroundings. Unaware of everything.

Tila naman gusto kong maiyak ng lumingon ito sakin at malawak na ngumiti. She's sending comfort to me without her even realizing.

Malalim akong napahinga.

"Are you ok, mommy?" She suddenly asked. "You looked pale po."

Mabilis akong tumango saka ngumiti. "Yes, anak. I'm okay."

"I'm done na po. Pwede mo na po ako ihatid sa school."

"Okay. I'll just get my car key."

Mabilis akong tumayo para kumuha ng susi. I'll drive another car today because my old one turned into a black, massive pile of burnt junk.

Natigilan naman ako ng makapasok sa kwarto at makita ko ang asawa kong tahimik na inaayos ang kama.

It's funny that I found it wierd now that she's here. Alam ko kasi na pati Sunday ay may pasok siya kaya naninibago ako ngayon na nandito siya sa bahay.

Mabilis siyang lumingon sakin ng maramdaman niya ang presensiya ko.

"G.. Good morning!" She shyly greeted me. "Kumain na ba kayo?" Tanong pa niya.

Hindi ako sumagot. Lumapit ako sa drawer na nasa katabing kama para kunin ang kung anong pakay ko. Hindi ko na nga pinagpilian kung anong susi ang makuha ko. Ang mahalaga ay mabilis akong makalabas ng kwarto.

"Aalis na kayo ni Madie?" Tanong pa niya ulit. Tumango lang ako bilang sagot pero natigilan ako ng marinig ang sunod niyang sinabi. "Sasama ako."

Napahinto ako sa akmang paglabas.

"Hindi na." Sagot ko habang nakatalikod. Ayoko siyang harapin kasi alam ko sa sarili kong hindi ko siya kayang tiisin. Siguradong hindi ko magagawang maging matigas kapag nakita ko na ang mukha niya.

"Pero gus-

"Wag na." Mabilis kong putol sa sasabihin niya. "Magpahinga ka na lang dito. Mas kailangan mo iyon."

Wala na akong narinig na sagot kaya nagmamadali na akong lumabas ng kwarto. Nang makalabas ako ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.

"Madie, let's go!" Pagtawag ko sa anak ko. Mabilis ko din na binitbit ang bag niya saka inakay ito papasok ng sasakyan.

A Wife With No RightStories to obsess over. Discover now