Alliston's Pov
Hindi ako makatulog.
Binabagabag parin ako ng mga salitang sinabi ni Ivy.
She's hurting... And I'm not that heartless para hindi makaramdam ng sakit kapag nakikita ko siyang ganon.
Hindi ako gumaganti. Masakit din sakin na galit sa kanya ang anak ko—namin. Anak parin naman niya si Madison kahit bali-baliktarin pa ang mundo at ina parin siya ng anak ko.
Nothing could change that.
Ang problema nga lang kasi sa kanya ay masyado siyang pala-desisyon. Kagaya parin siya ng dati na hindi iniisip kung ano ang dapat gawin dahil ang gusto niya parin ang nasusunod.
Gusto niya agad-agad.
Pwede ba iyon? Porket ba ginusto niya, mangyayari din dapat?
Mabuti sana kung nabibili ng pera ang tiwala. Iyon baka pwede, baka sakaling iba ang naging kalabasan.
Nabaling ang tingin ko sa anak kong mahimbing ang tulog ngayon sa tabi ko. Hindi ko alam kung saan sila galing ni Irina pero tila pawisan ang anak ko ng bumalik sila.
Mukhang dinala niya sa park si Madie para malibang. Which is good. Mas better kesa masaksihan nito kung paano kami magsakitan nung isa.
Ivy walked out on me in the middle of our heated conversation when she heard nothing from me after her certain pleading.
Then Madie came a few minutes after, together with Irina.
Wala akong narinig pero nakita ko ang sandaling pagkagulat sa mga mata niya. She looks so worried when she saw my distressed face that are covered with tears.
She just mouthed sorry then left.
Kanina pa nangyari iyon pero ako hindi parin mapakali. Hindi na din kasi bumalik si Ivy matapos nito akong layasan. Tanging si Irina lang ang bumalik kanina pero para lang maghatid ng pagkain tapos umalis na din.
Gusto ko pa nga siyang tanongin kung nasaan ang kapatid niya pero pinigilan ko ang sarili ko.
Siya ang umalis kaya matuto siyang bumalik. Hindi ko na uulitin ang mga pag-uugali ko noon na halos hanapin ko siya or kaya magdamag na hintayin kahit abutin pa ng umaga.
Sa naisip ay madiin akong pumikit at mahigpit na niyakap ang anak ko bago pinilit ang sariling matulog.
___
"I'm sorry."
Natigilan ako.
Iyon ang unang salitang narinig ko kay Ivy ngayon araw.
Kakatapos lang namin kumain at nandito kami sa bakuran ng bahay niya na parang park ang itsura sa lawak.
Simula nung magising kami ng anak ko at hanggang sa makakain kami ng tanghalian ay wala akong narinig na kahit ano dito.
Hindi ko siya pinansin at tinanaw lang ang anak kong naglalaro sa di kalayuan.
"I went overboard again. I just slept in the other room last night." Marahan niyang saad, nagpapaliwanag.
I thought she left.
Hindi ko na din kasi binalak mag-check ng mga kwarto dahil hindi ko naman bahay ito.
Narinig ko naman ang malalim niyang paghinga ng hindi ako sumagot. Nagulat na lang ako ng may mainit na bagay ang dumampi sa kamay ko.
She's now holding my hands.
Yung puso ko naman ang mabilis na kumabog. Nararamdaman ko din kasi ang mariin ngunit mabagal na paghaplos ng daliri niya habang hawak ako.
YOU ARE READING
A Wife With No Right
Romance"Ayoko na. Tama na!" -Alliston "No. I won't let you go again. Never! If I need to lock you up here in my room then so be it! You're mine, hon. Only mine!" -Ivy __ After a five long years of disappearing from her supposedly life with her wife. Allis...
