Naalimpungatan si Nairam sa lakas ng ingay sa labas. Napasulyap siya kina Jessa at Bea na katabi lamang niya. Mahimbing pa ang tulog ng dalawa. Naligo muna siya bago lumabas mula sa kuwarto.
Naabutan niya sa malaking deck ng yate si Mirkov na nakatalikod sa direksyon niya at may mga kasamang iba pang lalaki. Nagtatawanan at nagmumurahan ang mga ito. Ngunit ang pinakapumungaw sa pansin niya ay ang napakalaking barko sa tabi lamang ng yateng sinasakyan nila. Namilog ang mga mata niya. Napaawang ang labi. Sa tinagal tagal niyang nagsisirko ay kung saan-saang lugar na din siya nakarating. Iba't ibang barko, cargo vessel at fishing vessel na ang nakita niya. Ngunit hindi pa siya nakakita ng ganitong kalaking barko. This thing is massive! Vasilios... Iyon ang salitang nakalagay sa gilid ng barko na marahil ay pangalan niyon. Kaya lang, tila pamilyar din sa kaniya ang barkong ito. O guni-guni ko lamang iyon?
"Hey greek god, are you sure that's your woman?" Hindi niya namalayan na nakatingin na sa kaniya si Mirkov at ang mga lalaking kasama nito. Nakangiti sa kaniya ang binata. Unti-unti niyang naisara ang bibig. Nakaramdam siya ng kaunting hiya dahil lahat ng mata ng mga ito ay nakatutok sa kaniya. Apat na lalaki ang nandoon. At sa apat na iyon, si Carlos lamang ang kilala niya. Napansin din siya ni Carlos, parang bata itong kumaway-kaway sa kaniya.
"Yes. Definitely my omorfos." Namula siya nang marinig ang sinabi nito. Malaki ang ngiti sa kaniya ng binata. Abot iyon sa mga mata nito. At mas napaaliwalas pa iyon ng maaliwalas ding panahon. "Come," iminuwestra nito ang isang kamay at pinapalapit siya, na agad din naman niyang ginawa. Nang makalapit siya sa mga ito ay saka lamang niya na-realize na halos may ibang lahi lahat ang mga kasama ni Mirkov.
"I want you to meet this bastards, whom I call friends." Pinigilan ni Nairam na matawa sa turan ni Mirkov.
"This bastard here, is Creig. He's a chef and a resto-bar owner." Itinuro nito ang lalaking may green na mga mata. Freshly shave ito at nakasuot ng gray na slacks at puting long-sleeves na polo na nakatupi ang manggas hanggang sa siko nito."Ahm, hello. Ako nga pala si Nairam," magalang na pagbati niya na sinamahan pa ng bahagyang pagtungo ng ulo.
"Hi, I'm Creig." Inilahad nito ang palad na akmang nakikipagkamay ngunit agad iyong hinampas ni Mirkov. Sumama ang timpla ng mukha nito.
"No touching!" Ngunit tinawanan lamang iyon ng mga kaibigan nito.
"Kinikilabutan ako. Di ako naniniwalang inlababo tong mamaw na to." Sabi ng isa pang lalaki na hinihimas ang sariling braso na para bang pinapawi ang pananaas ng mga balahibo. Ang mga mata nito ay tila pinaghalong gray at asul ang kulay. Kagaya ng lalaking nagngangalang Creig, nakapolo din ito na nakatupi ang manggas hanggang siko at pants. "I'm Treb Ylop, by the way--"
"--Wala kaming pakialam sayo," pagputol ni Mirkov sa iba pa sanang sasabihin ng kaibigan. He even rolled his eyes.
"Napakasalbahe mo. Don't forget how I help you manage all those furnitures inside your big-assed ship." Treb-guy crossed his arms.
"And don't forget how I pay you millions for that. And thank you for calling my Vasilios a big-assed that she is. Unlike your flings," pambabara ng binata na umangat pa ang isang kilay. Nagpapalit-palit na lamang ang tingin ni Nairam sa dalawa habang ang iba pa nitong mga kaibigan ay napapailing na lamang.
"Tingnan mo, tingnan mo." Tinuro ng lalaking nagngangalang Treb ang binata habang sa kaniya nakatingin na para bang batang nagsusumbong sa nanay nito dahil sa pang-aaway ng kalaro. "Don't you ever fall in love on this stupid bastard. Kahit anong mangyari! Bespren ni hudas 'to e!"
"Fuck you, San Esteban!"
"Suntukan na lang!" Tinampal ng mga ito ang pisngi ng isa't isa na ikinatawa niya. They look so close. Ang mga kaibigan pa ng mga ito ay tumatawa din. And the Treb-guy is surprisingly fluent in Tagalong despite his Russian features.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)
General FictionMirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'fuck' in different languages. Sa dinami-rami ng bark...