SEVEN

1.3K 64 29
                                    

Marahang inayos ni Nairam ang kumot nina Jessa at Bea na mahimbing nang natutulog sa kama. Ipinahiram iyon ni Mirkov. Na-realize niyang magmula nang makatungtong siya sa yateng iyon ay hindi na ginagamit ng binata ang cabin. Laging siya ang pinapatulog nito sa kama.

At ngayon, napakalaki ng pasasalamat niya dito. Kung hindi ito dumating, baka sama-sama na silang nilalatigo ni Mr. Whale sa fishing vessel nito.

Naalala niya si Uno. Nag-aalala siya para sa kaibigan at para kay Tikoy. Ngunit alam niyang mapagkakatiwalaan niya ito. Alam niyang poprotektahan nito ang bata gaya ng bilin niya.

"Let's go home, my mermaid."

Sa hindi malamang dahilan ni Nairam ay sunud-sunod ang naging pag-agos ng mga luha niya. Ang simpleng mga salitang iyon ang nagbigay sa kaniya ng mumunting pag-asa na magiging maayos din ang lahat. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya at nagpatiuna paglalakad patungo sa kinaroroonan ng dalawang bata.

Nang marating nila ang dalawa ay binitawan nito ang kamay niya at kinarga si Jessa. Pagkatapos ay ang maliit na kamay naman ni Bea ang ang mahigpit nitong hinawakan.

"Wag na kayo umiyak," ani nito. "Uuwi na tayo."

Ngunit mas lalong umiyak ang dalawa. Marahil ay dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may isang taong handang mag-abala upang matulungan sila, sa tinagal-tagal ng paghahanap nila at pagmamakaawa sa kung sinu-sino.

Yumakap sa leeg ng binata si Jessa habang yumakap naman sa binti nito si Bea. At pakiramdam niya, kahit ang puso niya ay naluluha na din dahil sa nakikita.

"Halika na." Pagyaya nito sa kaniya.

Saglit niya itong tinalikuran at tinakbo muli ang kinaroroonan ni Uno. Narinig pa niya ang pagtawag ni Mirkov sa kaniyang pangalan.

Tinulungan niyang makatayo ang pobreng kuba.

"Nairam--" pinunasan nito ang luha gamit ang braso.

"Uno, mangako ka sa akin. Na poprotektahan mo si Tikoy kahit anong mangyari." Tumango-tango ang kaniyang kaibigan.

"Pangako. Mag-iingat kayo."

"Ikaw din," hinugot niya mula sa bulsa ang maliit na papel na may nakalagay na numero na ibinigay sa kaniya ni Carlos. "Kapag kailangan ninyo ng tulong, tawagan mo ang numerong iyan. Kaibigan ko ang may-ari niyan." Muli itong tumango-tango at mahigpit na hinawakan ang kapirasong papel na ibinigay niya.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga bata na payapang natutulog sa kauna-unahang pagkakataon. Parang gusto niyang maluha. Ngunit hindi niya lubusang alam kung para saan iyon. Nahahati ang puso niya sa kasiyahan dahil sa pagkikita nila nina Jessa at Bea, sa pangamba para sa buhay ni Tikoy at sa pighati para sa nasayang na buhay ni Buboy.

Buboy....

Naalala pa niya noong unang dumating ang binatilyo sa sirko nila. Madungis ito at puno ng galos. Halatang isa ito sa mga delingkwenteng binatilyo na kaaway ng mga kapulisan. Wala itong landas.

Nang mga unang linggo nito sa sirko, latigo ni Mr. Whale ang kaibigan nito. Dahil delingkwente, mahirap itong paamuhin. Lagi itong nagtatago sa sulok. At nang isang beses na balak na nitong tumalon mula sa fishing vessel ay hinatak niya ang leegang bahagi ng sira-sira nitong damit.

"Bitawan mo ko!" Pagpupumiglas nito ngunit hindi niya pinansin. Ibinalibag niya ito sa sahig ng barko.

"Gusto mo na bang mamatay ha? Pagpiyestahan ng mga pating sa dagat?" Sigaw niya dito.

"Oo! Kaysa nandidito ako!" Matapang naman na balik sigaw nito.

"O sige! Magpakamatay ka!" Galit niya itong nilapitan at walang pagdadalawang-isip na itinapon sa dagat. Ang pagsalpok ng katawan nito sa dagat ay lumikha ng malakas na tunog.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon