THIRTY SIX

424 20 0
                                    

Milan, Italy.
S

ixteen hours later, 8:30 p.m.

Nararamdaman ni Mirkov ang pamamawis ng mga kamay habang papasok sila venue ng auction. He is trying to keep a straight face. Bukod sa ngayon lamang siya nakapunta sa isang ilegal na auction, ngayon lamang din siya nakapagsukbit ng pistol sa bewang.

Marami na ang tao sa underground auction na iyon. Halos lahat ay mga nakapormal na kasuotan, hindi masasabi kung sino ang bodyguard sa hindi; kung sino ang killer sa hindi. Sa unang tingin ay parang normal ang lahat ng tao roon; mga mayayaman na naghahanap lamang ng mga bagay na mapagkauubusan ng mga sandamakmak nilang pera. Elegante ang lahat, sopistikado ang mga babae, at karamihan sa mga lalaki ay halatang miyembro ng elite.

Hindi mapagkakamalan na maya-maya lamang, ang ilan sa mga iyon ay bibili ng laman-loob ng tao, o ng ninakaw na kayamanan ng isang museo.

Animo'y isang sinehan iyon at sila ang mga manonood. Nang makaupo silang tatlo nina Creig at Carlos sa nakalaan nilang puwesto ay kasabay niyong namatay ang mga ilaw. Ang natira na lamang ay ang spotlight sa unti-unting bumubukas na pulang kurtina sa entablado. At sa pagbukas niyon, tumambad sa mga bidder ang sampung hugis kahon sa entablado na pare-parehong may takip na itim na tela. Iba-iba ang laki ng mga iyon.

Ilang linya mula sa harapang bahagi ng kinauupuan nila ay naupo ay nakita niyang umupo ang kanilang target. Kitang-kita niya ang namimitog nitong batok na halos lumabas na sa neckline ng suot nitong itim na formal coat. Sa magkabilang gilid nito ay naupo ang dalawang maskuladong lalaki na kahit nakapormal na kasuotan ay mukha pa ring sanggano.

He suddenly felt the urge to go over their seats and beat the fat guy to death. But he can't do that, rather, he wouldn't do that. Hindi niya hahayaang mauna ang galit niya at makagawa ng bagay na sisira sa kanilang plano. This night has to go smoothly. He will buy Tikoy even if it cost all his fucking money. He will make sure to bring him home at any cost.

This is for Nairam. Iyon ang itinatatak niya sa kaniyang isip. This is to make her happy, and to finally ease her mind. He would do anything for her.

Minuto lamang ay nagsimula na ang event. Isang babae ang host ng auction na iyon. Kulay silver ang suot nitong gown at may maliliit iyong diyamante. At dahil tumatama roon ang liwang ng spotlight, the host also seems shining, making his eyes sensitive. He narrowed his eyes to better see everything.

"Ladies and gentlemen, I greet you a pleasant evening." Nakangiting sabi ng host sa wikang Italyano habang hawak ang isang mikropono. "Tonight, you will surely witness a set of spectacular items. I am Adelina Ricci, your auctioneer for tonight. May you get the item that your heart truly desires," pakilala ng host.

"Please be at ease for we will ensure your safety until this event has ended. Our security team was designated to every corner of this room so there is nothing you should worry about," dugtong pa nito.

Pasimpleng inilibot ni Mirkov ang kaniyang mga mata sa paligid. Totoo nga ang sinabi ng babaeng host. Bawat sulok ng kuwartong iyon ay may mga armadong guwardiya.

Isa-isa silang binigyan ng paddle number ng dalawang lalaking tila assistant ng host. "And without further adeu, let us start the auction with this first item." Muling sabi ng babaeng nagpakilalang Adelina.

Umakyat ang dalawang lalaki sa entablado at tinanggal ang takip na itim na tela ng unang item. Tumambad sa mga bidder ang isang bungo sa loob ng kuwadradong glass frame.

"This is the famous missing skull of the spanish painter Francisco Goya. Two of his notable artworks are 'La Maja Desnuda' in 1800 and 'Saturn devouring his Son' in 1823." Everyone in the room gasped. Maging siya ay napanganga dahil doon. Unang item pa lamang ngunit tila lahat ng mga mata sa kuwartong iyon ay kumikinang.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon