TWENTY NINE

464 17 0
                                    

"Mirkov..." Iyon ang marahang pagtawag ni Nairam sa pangalan ng binata.

"Hmm?" Sagot nito nang hindi tumitingin sa kaniya. Kita niya ang binata mula sa kama kung saan siya kasalukuyang nakadapa. Nakatalikod ito sa kaniyng direksyon. At nag-eenjoy siya sa panood dito.

"Mahal kita."

Doon saglit na lumingon sa kaniyan ang binata at binigyan siya nang isang malaking ngiti. Saglit na natigil sa ginagawa.

"I love you too," he said smiling. Muli na itong tumalikod at bumalik sa ginagawa. Kasalukuyan kasi itong nagluluto ng hapunan. Sinabi nito sa kaniya na gusto siya nitong maipagluto. Kaya naman matapos nitong ipaliwanag sa kaniya ang mga sinabi mismo ni Creig pati na rin ang ipadadala nitong email--- na kanina pa nila hinihintay--- ay nagsimula na itong magluto sa kusina. Madilim na rin kasi sa labas pagkatapos tuluyang lumubog ng araw. At dahil buong magdamag nga nakatulog ang binata ay nakararamdam na raw ito ng gutom. Nagpresenta pa nga siya na siya na ang magluluto, ngunit hindi ito pumayag.

Kahit ang kusinang iyon ng binata ay kumpleto rin sa gamit at food supplies. Halatang pinangangalagaan nang maayos ang silid na iyon.

"Mirkov." Pagtawag niyang muli sa pangalan ng abalang binata.

"Yes, madam?"

"Mahal kita."

At tulad kanina ay saglit uli itong napalingon at napailing-iling na lamang sa kaniya kahit may malaking ngiti sa labi.

"Mahal kita," pag-uulit niya.

"Oo na nga! Mahal mo ko, mahal din kita. Alam ko na, huwag mo na uli sabihin. Kinikilig ako e." Doon siya natawa sa sinabi nito. "Now, be quiet. I am trying to concentrate. Para naman pag natikman mo ang luto ko ay mas lalo ka pang ma-inlab sa akin."

Bumangon siya mula sa kama at lumapit rito. Niyakap niya ito mula sa likuran at sinilip ang kung ano mang ginagawa nito sa countertop.

"Ano ba ang iluluto mo?" Tanong niya nang makitang nagmamasa ito ng dough.

"Carbonara. I am making my own pasta. I will also bake you a garlic bread."

"At saan ka naman natuto niyan?" Natutuwa niyang pinanood ang binata habang eksperto nitong minamasa ang dough, nai-flat iyon ng ilang ulit gamit ang rolling pin, at saka hinati-hati gamit ang kutsilyo. Namamangha siya. Ano kayang bagay ang hindi kayang gawin ng binatang ito?

"Honey, I've running my own business ever since graduating from college. All of my ships has their own restaurants inside. Of course I need to learn how to cook too. In case some emergency happen on one of my chefs, at least I could fill in."

Mula pa pagka-graduate ng kolehiyo? Kung gayon ay napakatagal na pala ng binata sa mundo ng pagnenegosyo.

"Ilang taon ka na ba?" Curious niya tanong.

"I am thirty-two already. And you?"

"Twenty-nine."

"When is your birthday?" Tanong naman ng binata.

"Hindi ko alam," walang pag-aatubili niyang sagot habang nakatingin sa mga kamay ng binata habang hinahati sa strips ang dough. Ngunit tumigil iyon sa paggaw nang marinig ang sinabi niya. Umangat ang tingin niya rito at hindi niya alam na nakatingin na rin pala ito sa kaniya. Nagtama ang kanilang mga mata.

"What do you mean you don't know?" May kunot sa noo nito.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko matandaan. Basta kapag lumipas na ang isang panibangong taon, tinatandaan ko lang na isang taon ang nadadagdag sa edad ko. Hindi ko nga lamang matandaan ang espisipikong araw at buwan. Tumigil na rin naman ako sa pagse-celebrate mula nang ibenta ako ni Deacon kay Mr. Whale."

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon