Isang guwapong prinsipe na sakay ng isang puting kabayo; isang pangyayari at tao na nakikita lamang sa mga pelikula. Sakaling makakita ang kahit sinong babae ng ganoong klase ng lalaki, ang normal na reaksiyon ay mamangha o hindi naman kaya ay makaramdam ng hiya.
Ngunit hindi ganoon ang nararamdaman ni Nairam sa prinsipeng nagpakilala sa kaniya bilang Alexander Dasano Thalassa Roussos. She would probably even forget that long name by tomorrow. Hindi siya kumportable sa malalagkit nitong tingin, sa makahulugan nitong ngiti, at sa magagarbo nitong salitaan. At nang halikan nito ang likurang bahagi ng kaniyang kamay, ay mas nadagdagan pa ang hindi kumportableng pakiramdam na iyon.
"And what could be the name of this beautiful lady before my eyes?"
"Uh... Nai--- Nairam," she answered out of respect. Pasimple niyang kinuha ang kamay niya na hawak nito, ngunit mas hinigpitan pa ng lalaki ang paghawak doon.
"Miego, take the injured lady to the Royal Klinikí to her wound." Ang butler ang kausap nito ngunit hindi nito inaalis ang tingin sa kaniya. Kung wala lamang siya paggalang, baka kanina pa niya tinuhod ang pagitan ng hita nito. E 'di sana ngayon ay nakahiga na ito sa malilit na damo, sapo ang nasaktan nitong pag-aari.
Ngunit kapag ginawa niya iyon paniguradong palalayasin na rin sila nina Bea at Jessa sa paraisong iyon.
"HEY! DASANO! FUCK OFF!" Halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang malakas na pagsigaw na iyon ni Mirkov sa hindi kalayuan. Nagmamadali ito. Bakas ang galit sa mukha, na hindi rin maitatago ng nakakunot nitong noo. Malalaki ang hakbang ng binata patungo sa kanila. At nang tuluyan itong makalapit, agad nitong hinampas ang kamay ni Prince Dasano na nakahawak sa kaniyang kamay. Tila lumuwag ang kaniyang pakiramdam ng mabitawan na ng lalaki ang kaniyang kamay na kanina pa niya gustong kunin.
"Who fucking told you that you could touch her, you freak?" Galit na hinarap nito ang lalaki. Ngunit binigyan lamang ni Dasano ng isang mapang-asar na ngiti si Mirkov.
"Mirkov, it is nice to see you too," labas halos lahat ng ngipin nito. Halatang mas lalo pang gustong manggalaiti ang kaharap sa ngiting-aso nito.
"I am not greeting you. I am warning you. Fuck off, or you'll never see your arm attached to your body again," pagbabanta ni Mirkov sabay dikit ng hintuturo sa dibdib ni Dasano.
Tinabig naman ni Dasano ang daliri ni Mirkov. "Still a cursing machine, I see. You really love to curse me, don't you?"
Nakita ni Nairam kung paano hablutin ni Mirkov ang kuwelyo ng suot ng isa pang lalaki. "Because that's your only worth, shithead." Marahas nitong binitawan ang kuwelyo ng kaharap.
Halata namang hindi nagustuhan ni Dasano ang ginawang pagkuwelyo ni Mirkov dito kaya naman itinulak nito ang binata.
Doon pa lamang ay napagtanto na niya na hindi maganda ang relasyon ng dalawa sa isa't isa.
"Mirkov---" sasawayin sana niya ang binata na tigilan na lamang si Dasano at huwag nang makipag-away, ngunit si Miego na mismo ang pumigil sa kaniya.
Nang sumulyap siya sa may katandaan ngunit matikas pang lalaki ay nakita niyang umiiling-iling ito. Sensyas na hayaan lamang niya ang dalawang binata sa bangayang ginagawa.
Maya-maya pa ay nagtutulakan na ang dalawa habang nag-aargumento gamit ang isang lengguwaheng hindi niya maintindihan.
Sumulyap siya kay Miego. "Miego, maaari mo bang... uh, Miego could you please translate to me what they are saying?"
"I am sorry, my lady. I could not understand them too. They are speaking in Italian. And I am not very knowledgeable about that language," hinging-paumanhin nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)
General FictionMirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'fuck' in different languages. Sa dinami-rami ng bark...