Tila natulos sa kinatatayuan niya sa Nairam nang makita ang papalayong likod ni Mirkov. Hindi niya alam ang gagawin, nanginginig ang buong kalamnan niya, gusto itong habulin. Ngunit hindi siya makaalis sa kinatatayuan.
Para siyang sinampal ng mga katotohanang sinabi nito. Umiiyak ang binata dahil sa kaniya. After all the help and comfortness that he gave him, iyon ang isusukli niya; sama ng loob.
Ngunit totoo mang selfish siya, totoo rin ang nararamdaman niya para rito. Isang hindi pagkakaintindihan lamang ang lahat ng iyon.
"Mirkov, sandali!"
Saglit naman itong tumigil sa paglalakad nang marinig ang pagtawag niya. Tigmak ang luha sa kaniyang mga mata. Umawang ang kaniyang labi; tila may mga salitang gustong lumabas mula roon. Gusto niyang magpaliwanag sa binata. Gusto niyang sabihin ang side niya, upang maunawaan siya nito; kaya lamang ay walang lumabas na salita sa kaniyang bibig. Tikom na iyon.
"Bumalik ka na sa kuwarto at magpahinga. Masyado nang..." he paused, "malamig dito." Sinabi nito ang huling dalawang salitang iyon na para bang may gusto itong ibang iparating.
At nang tuluyan na itong umalis ng teresa, tuluyan ding nawala ang lakas ng kaniyang mga tuhod. Napasalampak na lamang siya sa malamig na sahig.
***
"YOU DID this to me, Nairam." Mabigat ang pahinga ni Nairam. Hindi alam kung paano pipigilan ang binata na nakatayo sa railings ng mataas na teresa. Umiiyak ito at alam niyang siya ang may kasalanan niyon.
"Mirkov..." Nanginginig ang sulok ng kaniyang labi. "Pakiusap, bumaba ka na riyan. Mag-usap tayo ng mahinahon." She stretched out her arms, trying to reach his hand while her eyes are filled with tears.
"How could you stab me in the back like this? After all that I did for you." He is frustrated, hurt, and disappointed at her.
"Mirkov, abutin mo ang kamay ko."
"I don't want to be enslaved by you anymore." Umiling-iling ito sa kaniya. Punong-puno ng sakit ang mga mata nito. "Everything shall end here."
"MIRKOV!" She screamed his name on the top of her lungs. Wala siyang nagawa nang tuluyan itong tumalon. Halos madapa-dapa niyang tinakbo ang pagitan niya at nang railings.
And there he was... dead, and bathing on his own blood.
"Mirkov!" Hinihingal na napabagon si Nairam mula sa masamang panaginip.
"Ate Nairam."
Butil-butil ang kaniyang pawis sa noo kahit malamig ang kuwarto, at ang mga mata niya ay may luha.
"Ate Nairam."
It was just a dream... No. A nightmare. It was a nightmare. Nasapo niya ng kaniyang palad ang pumipintig na noo.
"Ate Nairam, may kumakatok po sa pinto." Doon niya napagtanto na kanina pa pala siya tinatawag ni Bea na nakatayo sa gilid ng sofa kung saan siya nakatulog. Sa tabi nito ay si Jessa na pupungas-pungas pa. "Ate Nairam, ayos ka lang po ba? Kanina pa kita ginigising. Nananaginip ka yata ng masama."
Nananaginip nga siya ng masama. Isang hindi kaaya-ayang panaginip.
"Oo, ayos lang ako. Bea, pumunta na kayo ni Jessa sa banyo at maghilamos. Ako na bahala sa pinto."
"Opo, ate," bumaling ito sa kapatid at inakay na ito papunta sa banyo. "Halika na, Jessa."
Huminga siya nang malalim, inayos ang buhok, bago bumangon at tinungo ang pintuan. Si Miego ang napagbuksan niyang kumakatok sa kabilang side niyon.
"Good morning, Miego."
"Good morning, Miss Nairam. I am here to give you this necessities," napatingin siya sa katabi nitong trolley na puno ng mga nakatiklop na damit. May mga bagong sapatos din sa ilalim niyon. "If you'll excuse me."
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)
General FictionMirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'fuck' in different languages. Sa dinami-rami ng bark...