A/N: Sa mga nag-iisip na mermaid ang kapartner ni Mirkov... wala lang gusto ko lang kayo batiin hahahahaha. If I could send virtual high-fives to all of you, malamang ginawa ko na. 😂😂😂😂
Sad to say, I am not into fantasies right now. Maybe in the future, susubukan ko ang ganung genre. For now, I'll shatter you dreams. Happy Reading! (As usual, may typo. 👇)
hasulapud I love youuu. 💖
Gabi.
Isang anino ang mamamataang maingat na sumampa sa deck ng maliit na barko na ginagamit panghuli ng isda. Bahagya pang umuga ang fishing vessel dahil sa ginawa nitong pagsampa doon.
Gumawa ng maliliit at lumalangitngit na tunog ang lumang barko dahil paghakbang na ginawa ng anino doon. Nagpalinga-linga ito. Maingat ang bawat galaw. Sinisigurado na matatakpan ng kadiliman ng gabi ang bawat galaw na gagawin niya at walang makakakita sa kaniya.
Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang isang patay na balyena na nakasabit sa kabilang fishing vessel. Umaagos ang dugo niyon sa sahig. Kung ang dambuhalang balyena nga ay kayang patayin ng mga walanghiyang iyon, paano pa sila? Baka sila na isunod ng mga iyon.
Kailangan kong mag-ingat. She snapped herself from reverie.
Nang masiguradong walang tao sa labas ng cabin ay maingat siyang lumapit sa pintuan niyon.
"Ah, shit." Kinalikot niya ang kandado ng nag-iisang kuwarto gamit ang kaniyang hairpin. Wala ng doorknob ang pinto kaya naman nakakadena iyon.
Ilang minuto ang itinagal niya para mabuksan ang pinto. Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang marinig ang mahinang pag-click ng kandado hudyat na nabuksan na iyon.
Bumungad sa kaniya ang nakataling mga bata. Nakabusal ang mga bibig nito at bakas pa ang natuyong luha sa mata. Parang nabuhayan ng pag-asa ang mga ito nang makita siya. Agad niyang isinenyas ang daliri na huwag itong gumawa ng kahit anong ingay.
"Wag kayong mag-alala. Itatakas ko kayo dito," bulong niya. Buong pagmamadali niyang tinanggal ang busal sa bibig ni Buboy pati na din ang pagkakatali ng kamay nito. Ito ang sumunod na pinakamatanda sa kaniya. Kinse-anyos na ang batang lalaki.
"Ate Nairam," pinunasan nito ang dugo sa gilid ng putok na labi at mabilis na inalis ang pagkakatali ng dalawang paa nito.
"Wag kang mag-alala, Buboy. Makakaalis din tayo dito. Tulungan mo akong kalagan ang iba. Kalagan mo si Jessa. Ako na ang bahala kay Tikoy at Bea."
Agad naman itong tumalima sa sinabi niya.
Ngunit hindi pa siya nakakalapit kay Tikoy nang may biglang humatak sa buhok niya. Napaigik siya sa sakit na dulot niyon. Parang matatanggal ang buhok niya mula sa kaniyang anit.
"Ate!" Sinugod ni Buboy ang humatak ng buhok niya. Ngunit malakas ito. Sinuntok nito ang binatilyo sa tiyan gamit ang isa nitong kamay. Pumalahaw naman ng iyak ang maliliit pang mga bata dahil sa nasasaksihan.
"Bitawan mo si Ate Nairam, Mr. Whale!" Sigaw ni Buboy habang sapo ang nasaktan na sikmura.
"Ang magaling kong sirena-sirenahan ay talagang malakas ang loob." Humalakhak na sabi ng matabang lalaki at mas humigpit pa ang paghawak sa buhok niya.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)
Ficción GeneralMirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'fuck' in different languages. Sa dinami-rami ng bark...