TWENTY ONE

537 18 0
                                    

Lagpas dalawang linggo ang matulin na lumipas.

"Mirkov..."

"Come on, omorfos. I promise it will be okay." The guy chuckled. "Hindi ka kakain ng mga magulang ko."

That does not sound so convincing. Iyon ang naisip ni Nairam. Two weeks have passed in a blur. At ngayon, nakadaong na kaagad ang Vasilios sa Greece.

They actually looked nice. Siya at ang mga bata. They are in a nice dress and shoes. Inayusan sila ng mga mabubuting empleyado sa boutique at salon. At sa hitsura nila ngayon, hindi sila mga mukhang sirkero. No one will ever know that the three of them are circus performers unless they say it.

While Mirkove stands brightly in his nice navy suit. Napakaguwapo ng binata sa suot nito.

Magkakahawak sila ng mga kamay nina Bea at Jessa. At sa hindi kalayuan ay nakatayo si Mirkov sa tabi ng nakaparada nitong kulay itim na sasakyan. Ngunit hindi lamang iyon basta sasakyan. Alam na alam niya kung ano iyon dahil madalas niya iyong makita na sakyan ng mga mayayaman nilang nagiging kliyente, pati na rin ng ilang mga tao sa tuwing isinasama siya ni Mr. Whale sa mga auction.

Isang limousine.

Hindi pa siya nakasasakay doon sa buong buhay niya ngunit ngayon ay unti-unti na niyang napagtatanto ang malayong diperensiya nilang dalawa ni Mirkov sa estado sa buhay. May sarili pa itong butler at isang personal driver na parehas ding naghihintay. Parehong nakakulay itim na suit and tie ang mga ito at may gloves sa mga kamay.

Ngayon ay mas lalo na niyang pinagdududahan ang sinabi ng binata sa kaniya noon na magugustuhan siya ng mga magulang nito. She is expecting the worse. Para hindi masyadong masakit mamaya.

She is trying to console herself in advance.

"Ate Nairam," napatingin siya kay Bea nang tawagin nito ang kaniyang pangalan. "Hindi naman tayo pababayaan ni Kuya Mirkov, hindi ba?"

Muli siyang napatingin kay Mirkov.

"Hindi, Bea. Huwag kang mag-alala, hindi niya tayo papabayaan. May tiwala ako sa kaniya." She gave Bea an encouraging smile.

"May tiwala ka naman sa kaniya, hindi ba?" Marahang tumango-tango ang bata. "Isa pa, narito ako. Hindi ko naman kayo basta pababayaan ni Jessa. Tingin mo ba kaya ko kayong iwan dito?" This time, marahang pag-iling naman ang isinagot nito.

Alam niya kung bakit nagkakaganoon ang bata. Natatandaan kasi nito ang ginawa sa kanila ng mga magulang. Ito at si Jessa kasi ang tunay na magkapatid. Ayon sa kwento nito sa kaniya, hindi nito nakilala ang ama nito mula pagkabata, samantala ang ina naman nito ay iniwan daw sila ni Jessa sa isang hindi pamilyar na lugar. Ang huli daw nitong natatandaan na sinabi ng ina ay maghintay.

Maghintay lamang daw silang dalawa ni Jessa at darating daw ang 'kaibigan' nito upang kunin ang dalawa. Anim na taon pa lamang noon si Bea, samantala tatlong taong gulang naman si Jessa.

Hindi niya alam kung paano ito napunta sa puder ni Mr. Whale, ngunit nasisigurado niyang si Mr. Whale ang 'kaibigan' na tinutukoy ng ina ng mga ito. Ibinenta rin ng sarili nitong ina ang mga bata. Katulad nang ginawa sa kaniya ni Deacon.

Ang sigurado lamang niya, hindi niya basta-basta iiwan ang mga ito. Hindi niya hahayaang mangyari sa mga batang ito ang sinapit niya sa impyernong sirkus na iyon. Ilang taon. Ilang taon siyang nagtiis, at nag-ipon ng lakas ng loob, upang makatakas sa lugar na iyon. At gagawin niya ang lahat upang hindi na muling bumalik ang mga batang ito roon.

Pinangakuan niya ang kaniyang sarili na bibigyan niya ng magandang buhay ang mga batang ito kahit hindi ito kadugo. Ipinangako niyang gagawin niya ang lahat upang makatakas, mapag-aral ang mga bata, at mabigyan ng isang masayang buhay malayo sa pananakit.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon