ONE

3.1K 77 20
                                    

A/N: Dapat talaga kahapon pa ako mag-aupdate. Kaya lang, ayoko talaga itaktak yung laman ng utak ko para lang makapagsulat. I have this very special friend who told me that I don't need to pressure myself.

Thank you rhaileneart for your advice. I love you so much huhuhu. And thank you din sa paggawa ng cover ni Mirkov. 💖💖💖

hasulapud heto na po ang update. This is for you.

Typo ahead. 👇👇👇

Nagsalin si Mirkov ng whiskey sa paborito niyang baso bago lumabas sa deck. Malamig na hanging panggabi ang sumalubong sa kaniya at mas pinalamig pa iyon ng karagatan dahil kasalukuyan siyang nasa gitna niyon.

He is actually heading to California. Dahil sunod-sunod ang mga event na naganap sa mga cruise ship niya ay naisipan niyang magliwaliw sakay ng yate niya. It was his favorite yacht and he named it Unsinkable. It was his very first yacht and was given by his mother.

Ilang taon na din ang nakakaraan mula nang maitayo niya ang business niya. Sa katunayan, ang karamihan sa mga negosyo ng buong pamilya niya ay may kinalaman sa karagatan. He came from a royal family in Greece who actually still believes in fortunetelling and soothsaying. They believe that 'your name will be you'. So in order for a child to have a good future, he has to have a good name first.

And his mom definitely gave him a good one.

Inisang lagok niya ang alak bago napatitig sa karagatan. At kasabay niyon ay ang pagkudlit sa alaala niya ng isang magandang mukha. Halos hindi mabilang na araw na din ang nakalipas magmula nang magkaroon ng party sa Vasilios, ang isa sa pinakamalalaki niyang barko.

Maingay na tunog ang pumailanlang sa buong event hall ng Vasilios. The party was actually held to solemnize Mayor Quenito Lagdameo's fiftieth birthday. Ito ang mayor ng isang pulu-pulong bayan sa Palawan.

Sa totoo lamang ay wala siya sa mood umattend sa kahit anong party sa ngayon. Funny. Ngayon lamang nangyari sa buong buhay niya. Bukod pa doon, hindi din naman sila close ng Mayor.

Napabuntong-hininga na lamang siya at pinaglaruan ang kopita na hawak. Pinaikot-ikot niya iyon at kasabay din noong umikot ang wine na laman niyon. Inisang lagok muna niya ang alak bago ibinaba ang kopita sa ibabaw ng mesa.

Kumunot ang noo niya nang mawala si Carlos sa mesa. Kanina lamang ay kasama niya ito. Ayaw din sana niya itong isama dahil puro katarantaduhan ang ginagawa nito sa party niya.

Noong huli itong sumama sa kaniya ay tumalon ito sa dagat para daw hanapin si Mr. Crabs. Ngayon ay parang kinakabahan ito nang mawala itong parang bula sa mesa nila. Masyado pa namang maarte ang Mayor Lagdameo na iyon noong inihahanda pa lang ang party na iyon. Ayaw daw nitong may makikitang mali o may mangyayaring hindi maganda sa araw mismo ng party. Palibhasa ay may ibang politiko na aattend doon.

He secretly snorted. "Mga politiko talaga. Magaling magpakitang gilas sa harap ng isa't isa." 'Pero nagsasaksakan patalikod', he thought.

Maya-maya pa ay napalitan na ng mabagal na tugtugin ang kanina'y pumped-up na tunog na bumalot sa buong event hall.

"Why the hell are you smirking so evil, greek god? Are you thinking of something wicked? You're up to no good, aren't you?" bigla na lamang sumulpot sa kung saan si Carlos at sinabi iyon. May hawak na itong isang tray na puno ng iba't ibang dessert.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon