FIVE

1.9K 64 17
                                    

"You are a circus mermaid... and you are in serious trouble." Natigilan si Nairam nang marinig ang sinabi ng lalaking nagngangalang Carlos.

Kitang-kita niya kung paanong nagsalubong din ang mga kilay ni Mirkov dahil sa narinig.

"She's a freaking what?" Kunot-noong tanong nito kay Carlos ngunit sa kaniya ito nakatingin na para bang hindi ito makapaniwala.

"A circus mermaid. Sirkero. She's a performer from a circus called Tsírko Thalássion Térata. It was a traveling circus founded by a big fat guy. They were in Tuna Harbour in downtown San Diego few days ago and it happened that I was there too for an auction," pagkukuwento nito. "The place they rent was too crowded with men. That's where I saw her performance inside a huge aquarium," muling bumaling sa kaniya si Carlos. "Am I right, Miss?" Umawang lamang ang labi niya at napatingin kay Mirkov.

"So, she entertain men with her not-so-fucking-real mermaid tail," punung-puno ng sarkasmo nitong sabi. Mirkov faked a laugh. "Did she let them touch her like a whore, too?"

Natigilan din si Carlos nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Kumunot ang noo nito. "Mirkov, that is not what I mean—"

"Totoo ba ang sinasabi ni Carlos, Nairam?" Hindi na nito pinatapos ang sasabihin ng kaibigan. Wala na siyang mabasang emosyon sa mga mata ni Mirkov at tila natatakot siya sa mga iyon.

"Mirkov, you are scaring her—"

"Shut the fuck up, Carlos. Hindi ikaw ang kinakausap ko!" Mahigpit siyang hinawakan ng binata sa siko. Pinilit niyang huwag mapaigik sa sakit na dulot niyon. Nangilid ang luha sa mga mata niya.

"Totoo ba ang sinasabi ni Carlos? Are you really a circus mermaid?" Unti-unting kumuyom ang mga kamao niya at kasunod niyon ay ang sunud-sunod niyang pagtango.

Marahas siya nitong binitawan at humalakhak. Ngunit habang humahalakhak ito ay siya namang sunud-sunod na pagtulo ng luha niya. Hindi niya malaman kung paano ipaliliwanag ang kaniyang sarili.

Kitang-kita sa mga kilos ng binata na iba ang iniisip nito tungkol sa kaniya. At nasasaktan siya doon. Habang tuloy-tuloy ang binata sa paghalakhak ay naging tuloy-tuloy din ang pag-agos ng mga luha niya. At nang tumigil na ito, binigyan siya nito ng isang malamig na tingin. Tila nanuot iyon sa buong pagkatao niya.

Walang imik sila nitong tinalikuran at tinungo ang cabin. Ngunit bago pa ito pumasok doon ay muli itong nagsalita nang hindi sila nililingon.

"Get the fuck out of my yacht. I don't want to see your face anymore." At kasunod niyon ay ang malakas na pagsarado ng pintuan ng cabin.

Parang natulos siya sa kinatatayuan. Ngayon, wala na naman siyang kakampi. Tinalikuran siya ng binata nang hindi man lamang pinakikinggan ang paliwanag niya. Akala niya ay tutulungan siya nito. Umasa siya. Ang maliit ng ningas ng pag-asa niya, tuluyan nang nawala.

She's helpless. Was the world always been this cruel?

"Hey, I'm sorry..." Narinig na lamang niya ang malalim na pagbuntong-hininga ni Carlos. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin," he paused for a second. "I saw everything that night. Are your legs okay?"

"Nakita mo lahat?" tanong niya.

"Yeah. I was there the whole time." Itinikom na lamang niya ang kaniyang bibig. Hindi naman din niya alam ang sasabihin.

"Come on," kapagkuwan ay sabi nito. "I think you need to come with me for the mean time. Kilala ko si Mirkov. He's my friend after all. He's a scoundrel. But once he's mad, he becomes more than that. A freaking asshole. He's words might sting, so you should probably go with me." Nagpatiuna ito sa pag-akyat sa hagdan na lubid pabalik sa helicopter nito. Wala siyang nagawa kundi ang sundan ito. Ngunit bago pa man siya makatuntong sa unang baitang ng lubid na hagdan ay napatitig siya sa nakasaradong pintuan ng cabin.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon