EPILOGUE

1.1K 33 6
                                    

Note: Hindi ko lubos maisip na natapos na ang kwento ni Mirkov at Nairam. Maraming salamat po sa mga sumubaybay. Sana po subaybayan pa ninyo ang mga susunod na kwento ng Erasthai Series. Salamat po!

Here's a short Epilogue. Happy Reading.

-WMRS.

"MIRKRAM! YOU LITTLE SHIT!"

Agad na napababa si Nairam mula sa ikalawang palapag ng bahay nang marinig ang malakas na pagsigaw na iyon ni Mirkov. Umagang-umaga ay sumisigaw ito. Dahan-dahan pa siya sa pagbaba ng hagdan sa takot na madulas, lalo na at malaki na ang kaniyang tiyan. Walong buwan na kasi niyang ipinagbubuntis ang pangalawa nilang anak ni Mirkov.

Mag-aapat na taon na rin ang nakalipas. Marami na ang nagbago. But even though things are constantly changing on their lives, there are scars that will permanently be there. And those scars made her brave even more.

Ngayong taon ay magtatapos na siya ng junior high school at full-time mom na rin. Ngunit nagbabalak siyang magtayo ng maliit na pastry shop bilang libangan. Naging eksperto na kasi siya sa pagluluto sa ilang taong pag-attend sa mga klase at webinars.

"MIRKRAM! GET BACK HERE! I WILL FREAKING BITE YOUR FACE!"

Magulong kusina ang nadatnan niya. Maraming papel na nakakalat sa sahig at paikot-ikot na naghahabulan ang mag-ama niya sa may mesa. Parehas pa itong nakapantulog at nakayapak. Ang mga nagkalat na maliit na papel ay puro label ng mga de-lata. May ilan ring nakabukas na de-lata sa ibabaw ng mesa.

Akala mo'y naging mystery game show ang mga de-lata nilang wala nang balot. Hindi malalaman kung ano ang nasa loob niyon.

"Mirkov? Anong nangyayari?" Kunot-noong tanong niya. Tumakbo ang anak nila sa kaniyang likuran at doon nagtago.

"Look at what that little guy did? He removed all of the labels of the canned goods! How would I know where's my fucking pork and beans!" Parang batang maktol nito nang isumbong sa kaniya ang ginawa ng mag-appat na taong gulang na nilang anak na lalaki.

"Honey, your language please." Saway niya rito ngunit nagpapadyak-padyak lamang ito.

"It's my revenge for not allowing me to keep the cat!" Sigaw pabalik ng kaniyang anak.

"Revenge-revenge, Cat-cat! Halika ditong bata ka at kakalmutin kita!" Muling naghabulan ang dalawa sa salas, at naihilamos na lamang niya ang palad sa mukha. Sumasakit ang ulo at ang tiyan niya sa kaniyang mag-ama. Noong isang araw kasi ay pinayagan niya ang anak na makipaglaro sa kina Entri, Edmira at Remard. At pagkatapos makipaglaro ay may iniuwi itong pusa sa kanilang bahay, iyon nga lamang ay kinain ang mga alaga nilang gold fish, dahil siguro hindi pa naman sanay sa bahay ang pusang-kalye.

Kaya naman hindi pumayag si Mirkov na alagaan ito ng anak at pinalabas ang mula sa kanilang bahay.

Kaya ngayon ay hayun ang pinagtatalunan ng dalawa ngayon.

Mirkram is really smart, but he has his own ways of doing things. Passive-aggressive ito kapag hindi nakukuha ang gusto. Kakaiba kung mag-handle ng mga bagay-bagay. Tulad na lamang nga ng nangyayari ngayon. Minsan nga ay kinakagatan nito isa isa ang kanilang mga mansanas at ibinabalik sa ref. Minsan naman ay pinagpapalit ng label ang asin at asukal. Kaya naman madalas ito at ang ama na magbangayan.

Kahit hirap na hirap maglakad ay lumapit siya sa mga ito. "Isa! Tumigil na kayo!" Babala niya ngunit hindi pa rin tumigil sa pagtakbo ang dalawa.

Hinawakan niya ang tiyan. "Aray ko." Dahan-dahan siyang naupo sa sofa at hinagod-hagod iyon. Madalas kasi mangyari iyon lalo na kung sumisipa ang baby. Agad namang tumigil sa pagtakbo ang mag-ama niya at nagkatinginan. Sabay itong lumapit sa kaniya at tumabi sa magkabila niyang gilid.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon