THIRTY FIVE

453 18 0
                                    

Florence, Italy.

Alas kuwatro ’y media ng madaling araw nang lumapag sa Tuscany Region ang helicopter kung saan lulan sina Mirkov, Creig at Carlos. Maririnig ang malakas na tunog ng propeller na nagbibigay ng malakas na hangin at dumuduyan sa mga mataas na damo at puno sa paligid. Lumapag sila sa gitna ng kawalan. Nang makababa si Mirkov mula sa helicopter na sila mismo ni Carlos ang nagpiloto ay kumunot ang noo niya. Madilim pa rin ang langit ngunit naaaninag niya ang mataas na puno at damo sa paligid. Walang bahay o kahit anong gusali. Literal na nasa gitna sila nang kabundukan.

“What the hell is this place, Carlos?” Tanong niya habang patuloy ang paglinga sa paligid. Tumigil na ang malakas na hangin na nanggagaling sa elisi ng helicopter.

Ganoon din ang reaksyon ni Creig nang makababa ito mula sa helicopter. “Are we really in Florence?” Katulad niya ay may kunot rin sa noo nito.

Ngunit hindi sumagot si Carlos sa kanilang mga tanong. Bagkus, nang makababa na ito mula sa helicopter ay nagpatiuna lamang itong maglakad sa dilim at nilagpasan silang dalawa ni Creig. Nagkatinginan muna sila ni Creig bago sumunod dito. Ilang minuto silang naglakad sa gitna ng matataas na damo. Para pa nga silang mga men in black na animo’y magshu-shoot ng pelikula dahil pare-parehas silang naka-itim na suit and tie.

Maya-maya pa ay nakakita siya ng maliit na liwanag sa hindi kalayuan. The light is coming from a lamp built at a high wall. At habang lumalapit sila ay mas nagiging maliwanag iyon. Itinago niya ang pagkamangha nang tuluyan silang makalapit roon. Mataas ang pader, halos dalawang tao ang taas niyon at mataas rin ang purong bakal na gate.

Sa labas ng gate ay naghihintay ang dalawang lalaki na hindi nila kilala ni Creig. Magalang na tinguan ng mga lalaki si Carlos. Parehas ding pormal ang suot ng mga ito. At tulad kanina, makahulugan na naman silang nagkatinginan ni Creig. Una sa lahat, sa tinagal-tagal nilang magkakaibigan ay ngayon lamang nila nalaman na may property pala si Carlos sa Florence, at sa gitna pa ng kawalan.

The two guys which seems to be Carlos' employees are truly terrifying. Those two guys looks like in their mid- thirties, just like them. But what's terrifying is that their eyes does not have any emotion. Their eyes are cold and hollow.

"Creig, Mirkov, this is Hoax," itinuro ni Carlos ang matangkad na lalaki na mukhang Russian, "and this is Havoc," itinuro naman nito ang lalaking tila may lahing Brazilian. "They are two of my best employees. They will be the ones to help us." Magalang rin silang tinanguan ng dalawang lalaki pinangalan ni Carlos bilang Hoax at Havoc.

Nakita nilang itinapat ni Carlos ang kamay at pagkatapos ay ang isang mata sa scanner na built-in sa pader. He and Creig both gasped in amusement when a blue light holographically scanned Carlos' eye. After scanning, the small screen beside the scanner flashed Carlos' basic credentials. Nagkulay green iyon, at kasunod niyon ay ang pagbukas ng napakalaking pader. How cool that was. Iyon ang perks ng pagiging may-ari ng isang game and IT company.

Carlos is an irony. He is too genius for someone who most of the time does not make any sense. He is smart and dumb at the same time.

"Come in," pagyaya sa kanila ni Carlos. Nauuna itong maglakad kasunod sila ni Creig, at nasa likod naman nila sina Hoax at Havoc. Narinig na lamang nila ang malakas na tunog ng awtomatikong pagsasara muli ng mataas na gate.

Pagkapasok na pagkapasok nila ay bumungad ang hanay-hanay na iba't ibang klase ng sasakyan. Antique na ang iba sa mga iyon at ang iba naman ay nangingitab sa pagkabago. Narating nila ang isang high-tech na bahay sa gitna ng lugar. Ilang beses nag-scan si Carlos ng fingerprint sa mga pintuan na nadaanan nila, hanggang sa makarating sila sa isang kuwarto na hitsurang conference hall.

"Ladies and gentlemen, welcome to my sanctuary." Umupo si Carlos sa pinakadulong upuan sa mahabang babasaging mesa na animo'y CEO ng isang kumpanya. Ang dalawa nitong empleyado ay tahimik na nakatayo sa likuran nito. "Make yourself at home." Naupo naman sila sa malapit lamang sa kaibigan.

"You never told us that you have this kind property here in Florence," sinabi na ni Creig ang bagay na kanina pa rin nasa isip niya.

"Of course. No one knows about this place except me, and my trusted employees. This is the first time that I have invited my friends here, which are the two of you. This is where I invent and test my programs." Hindi sanay si Mirkov sa Carlos na kaharap nila ngayon. Iba ang aura na inilalabas nito, he somehow feels intimidated. Ngayon lamang niya iyon naramdaman sa tinagal-tagal nilang magkaibigan nito.

"How about your companies in the Phil and U.S.?" Muling tanong ni Creig.

"Oh, those companies? Those are where my employees test their games. Their programs." Madiin ang pagkakasabi nito sa salitang their. "Where this place is where I," he emphasized the word 'I' invent my games. MY own programs. MY codes. I work alone here. I never work with my employees in the company, I don't trust them."

Carlos is actually full of secrets. Ngayon lamang niya iyon nari-realize. They never knew him.

"In fact, I need you to sign a document," muling sabi nito bago iminuwestra ang kamay kay Hoax. Kinuha naman ni Hoax ang isang kulay itim na folder at ibinigay iyon kay Carlos. Inilagay naman iyon ng kanilang kaibigan sa tapat nila. "This is a non-disclosure agreement." Binuksan nito ang isang maliit na drawer sa ilalim ng mesa at naglabas ng fountain pen mula doon. "I need you to sign this, and embed in your minds that after this event, this place does not exist."

Nakangiti sa kanila ang kaibigan ngunit kakaiba ang ngitinh iyon. Iyon ay isang ngiti ng isang tao na hindi nakikipagbiruan. And it was way too creepy than a normal smile. Nagkatinginan sila ni Creig bago napagdesisyunan na tahimik na lamang na pirmahan ang dokumentong iyon. Pagkatapos nila iyong mapirmahan ay muling sumenyas si Carlos kay Hoax na kunin ang itim na folder, na agad naman nitong sinunod.

Kinuha ni Carlos ang fountain pen at sinimulang paglaruan iyon. "Now let us get to the main course."

Wala sila pareho ideya ni Creig kung ano nangyari, basta bigla na lamang nag-dim ang mga ilaw ng conference hall na iyon, at sa babasaging mesa ay may lumitaw na isang mapa. Sa mapang iyon ay kapansin-pansin ang isang kulay pula at asul na location symbol.

"This is where we are currently at," itinuro ni Carlos ang kulay asul na location symbol. Nakatapat iyon sa espisipiko nilang lokasyon. "And this is where the circus founder, Whale, will be sixteen hours from now." Itinuro naman ni Carlos ang pulang location symbol, at nang pinindot iyon ng binata ay nag-zoom in iyon, at nakita nilang nakatapat iyon sa isa namang espisipikong lugar sa Milan. Ilang kilometro lamang ang layo nila roon.

"There will be an illegal auction today at Milan at eight p.m. Of course, that is where we will be heading. Whale will sell Tikoy today for his body parts. Organs, specifically. And we are the ones who will buy him."

Mahina siyang napamura dahil doon. "Why don't we call the police?"

"No. Aside from I do not trust the police, there is a big chance that the auction venue will be underground. At ang mga pupunta sa auction na iyon ay may mga beteranong killer na bodyguard. Imagine how many killers will be in that venue? Kapag nagkaroon ng shoot out iyon at ang mga pulis, pwedeng manganib tayo. We could die. Tikoy could die too." Tuloy-tuloy na paliwanag ni Carlos. And he is making a lot of sense. Mataman silang nakikinig sa lahat ng sinasabi nito.

"Paano tayo makakapasok sa venue na iyan?" Tanong ni Creig. "Is there a ticket? Invitation or anything? And how do we get out in case a problem occurs?"

"Yes, there is a ticket. And I already bought them from the black market three days ago," muling sagot ni Carlos. Muli nitong binuksan ang drawer sa ilalim ng mesa at inilabas mula roon ang tatlong pulang tiketa na may kakaibang simbolo. "Hoax and Havos will be the ones to get us out of that venue."

"And how do we protect ourselves?" Tanong niya. Hindi naman maaaring sumabak ang isang sundalo sa isang giyera nang wala siyang kahit anong armas, hindi ba? "You said that there could be a shoot-out, so how do we protect ourselves?"

Nagkatinginan silang tatlo. Segundo lamang ang lumipas nang biglang ngumiti si Carlos. Saglit silang tinalikuran nito at tinungo ang pader ng conference hall. May pinindot itong kuwadradong buton na dahilan upang bigla na lamang bumukas ang pader. At sa pagbukas niyon, sabay namilog ang mga mata nila ni Creig at umawang ang labi.

Ang buong pader ay puno lamang naman ng iba't ibang klase ng baril at kutsilyo!

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon