FORTY FOUR

453 13 5
                                    

Masakit na masakit ang ulo ni Nairam nang magising siya kinabukasan. Unti-unti siyang napabangon at nasapo ang nananakit na ulo. Mataas na ang sikat ng araw sa labas, at ang pagtama niyon sa kaniyang mukha mula sa bintana ang nagpagising sa kaniya.

Lumibot ang mga mata niya sa kuwarto nang mapagtantong wala si Mirkov sa kaniyang tabi. Mag-isa lamang siya sa chamber na iyon. Maayos na rin ang sofa na itinulak niya paharang sa pinto kagabi. Sumandal siya sa headboard ng kama at inalala ang lahat ng nangyari.

She remembered seeing Deacon and loosing herself. She had lost it all, and run as fast as she could until she reached this place. Itinulak pa nga niya ang sofa sa pintuan. And after? Pagkatapos niyon ay ano na ang nangyari? She remember seeing Mirkov's face. She remember him crying in front of her. Ngunit hindi niya matandaan kung paano ito nakapasok ng kuwarto gayung hinarangan nga niya ang pintuan.

"Mirkov, ayoko na sa lugar na ito."

Naalala niyang sinabi niya ang mga katagang iyon kay Mirkov pati na rin ang sunud-sunod na pag-iling ng binata.

"Ayoko na sa lugar na ito! Ayoko na sa lugar na ito! Ayoko na rito!" Naalala rin niya ang mga takot niya pagsigaw, pati na rin ang pag-upo ng binata sa kaniyang tabi at pagkulong nito sa kaniya sa isang mahigpit na yakap. Maging ang mga mata nito ay tigmak na rin ng luha. She could remember him crying for her. Ito na ang umiiyak para sa kaniya.

"Ibebenta niya ako." Wala sa sarili niyang paulit-ulit na bulong. Nanginginig ang buong katawan niya. "Kailangan kong makaalis dito bago niya ako makita." Kausap niya ang sarili.

"Hey, hey, easy." Pilit siya nitong pinakakalma. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. "Who? Who, Nairam? Who will sell you? Tell me." Umiling-iling. "Nairam, I need you to tell me." Muling pagsamo nito.

"Deacon." Saglit itong natigilan sa sagot niya. Humigpit ang paghawak niya sa kasuotan nito. "Nakita ko siya sa may kakahuyan, Mirkov. H-hindi ako puwedeng magkamali." Umiiyak siyang nagsumiksik ng yakap sa binata.

"Where did you see him?" Narinig niyang tanong ni Mirkov.

"Sa kakahuyan... H-hindi kalayuan sa garden, at nakikipagtalo kay Miego."

Iyon lamang. Hanggang doon lamang ang naaalala niya. Gusto niyang itaktak ang ulo upang alalahanin pa ang mga kasunod niyon ngunit wala na talaga siyang mailabas mula sa sariling isip. Ni hindi nga niya maalala kung paano naayos ang sofa sa dati nitong lagayan, at kung paano siya nakapagpalit ng damit bago makatulog.

Tuluyan na siyang bumangon at naghilamos. Kahit sa banyo ay wala din si Mirkov, ngunit nang mapansin niyang bukas ang pintuan patungo sa bubong ng tore ay agad niyang tinapos ang paghihilamos at tinuyo ang mukha.

Pumasok siya sa pintuan. "Mirkov? Andiyan ka ba?" Walang sumagot sa kaniyang pagtawag. Malalaki ang hakbang niya paakyat sa may tore ng bubong. Ngunit agad din siyang na-disappoint nang maging doon ay wala rin ang binata.

Masyadong maliwanag sa may bubong dahil sa taas ng sikat ng araw. She narrowed her eyes. Bababa na sana muli siya nang makita sa hindi kalayuan ang mga ilaw na nanggagaling sa sasakyan ng mga pulis. Natigilan siya at mahigpit na napahawak sa railings.

Ano ang nangyayari? Tanong ng kaniyang isip. Bakit may mga sasakyan ng pulis sa tapat ng bahay nina Dasano? Ngunit mas lalo siya natigilan nang makitang lumabas mula sa bahay si Dasano at nakasunod dito ang ilang kapulisan. Pagkatapos ay isinakay ng mga ito ang prinsepe sa sasakyan.

Nagtataka siya. Why would the police arrest Dasano? Katatapos lamang ng selebrasyon ng kaarawan ng ama ni Mirkov kagabi, ngayon naman ay hinuhuli na ang pinsan nito ng mga kapulisan.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon