TWENTY FIVE

513 25 0
                                    

Mirkov groaned after feeling a slight muscle pain on his shoulder. Mukhang mali yata siya ng naging posisyon pagtulog at nananakit ang naipit niyang balikat. His eyes are still closed when he got up. Ininat-inat niya ang kaniyang balikat. At nang unti-unti niyang iminulat ang mga mata, doon niya napagtanto na mag-isa na lamang siya sa sofa. Wala na si Nairam sa kaniyang tabi. It was already 2 a.m in the morning, according to the clock.

Where is she?

Tuluyan na siyang bumangon at inalis ang kaniyang neck tie. Pakiramdam niya ay nasasakal siya niyon. Inihagis niya ang neck tie sa sofa bago kumuha sa cabinet ng spare na pambahay na tsinelas at saka hinanap ang dalaga. Kumunot ang noo niya nang makitang wala rin ito sa tabi ng dalawang bata na mahimbing pa rin ang tulog. Halatang pagod sa biyahe at hindi na nakakain ng hapunan, katulad niya. Inayos niya ang kumot ng dalawang bata bago lumabas ng kuwarto upang hanapin naman ang dalaga.

Where could she be at this hour? Saglit siyang natigilan sa paglakad ng may ma-realized. Did Dasana took her away from me?

"Shit!" Kasunod nang realisasyon na iyon ay mabilis ang naging kaniyang paglakad; ang naging pagkilos. Isa-isa niyang binubuksan bawat pintuan na kaniyang madaraanan, walang pakialam kung makalikha man ng nakabubulabog na ingay sa madaling araw ang tunog ng marahas niyang pagbukas ng mga pinto.

Fuck you, Dasano. I won't let you take Nairam away.

Aligaga siya, at nang madaanan ang teresa na nasa ikalawang palapag ay natigilan siya nang mahagip ang pamilyar na pigura ng isang babae sa gilid ng kaniyang mga mata. Lumabas siya mula sa salaming pintuan, at kahit madalim ang teresa ay alam niyang si Nairam ang babaeng nakatalikod mula sa direksiyon niya. Tila nakahinga siya nang maluwag dahil doon.

Patay ang ilang sa dingding at kisame ng teresa. Tanging liwanag lamang ng bilog na buwan ang tanging nagbibigay ng liwanag doon. Natitigan niya ang nakatalikod na babae. Hindi niya alam kung saan ito nakatingin. Ang buhok nito na hanggang bewang ang haba ay bahagyang tinatangay ng malamig na hangin, at ang mga braso ay nakapatong sa railings. Kumunot ang kaniyang noo nang makita napayapak pa ito at may benda ang paa.

"Omorfos..." He called her attention. At nagtagumpay naman siya. Lumingon ito sa kaniya nang marinig ang kaniyang pagtawag at binigyan siya ng isang magandang ngiti. Agad na bumilis ang pintig ng kaniyang puso dahil doon. Iba talaga ang epekto nito sa kaniya.

"Mirkov," nakangiting banggit nito sa kaniyang pangalan. "Gising ka na pala."

"Yeah, and you are not by my side when I woke up so I immediately search for you." Unti-unti siyang lumapit sa tabi nito at binigyan ito ng isang mabilis na halik sa noo. "Bakit wala kang kahit anong suot na sapin sa paa? The floor is cold." Totoo iyon, paniguradong nanunuot na sa paa ng dalaga ang lamig na hatid ng marmol na sahig. "And where did you get that wound?" Sunud-sunod ang kaniyang naging tanong.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng magandang dalaga. Normal ba iyon? Na kahit pagtawa nito ay maganda sa kaniyang pandinig. At mas napabilis pa niyon ang mabilis na ngang tibok ng kaniyang puso. Heart, I am fucking begging you, please calm down. Nababaliw na yata siya at panay ang pagkausap niya sa sarili.

"Nagising kasi ako at hindi na uli makatulog. Naisipan kong maglakad-lakad kaya ako napadpad dito," nakita niyang pinaglalaruan nito ang sariling mga daliri. Something must have been bugging her mind. "Nakuha ko itong sugat sa pagkakaapak ko ng bubog kanina. Saka iyong tsinelas ko, andun lang o." Nilingon niya ang itinuro nitong upuan sa hindi kalayuan, at nakita niyang naroron nga sa tapat niyon ang pambahay na sapin sa paa. "Okay lang pati ang lamig ng sahig, hindi ko nararamdaman ang hapdi ng paa ko," dugtong pa nito.

Ginaya niya ang dalaga. Hinubad din niya ang suot na tsinelas. He shivered after he felt the coldness of the floor, but after some time, nasanay na rin ang kaniyang paa. Saglit silang binalot ng katahimikan, at maya-maya pa ay nakita niyang pinaglalaruan na naman ng dalaga ang mga daliri nito.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon