A/N: Ito na po ang (medyo) sabaw na update dahil sabaw na din ako school huhuhu. @ronaspecto this chapter is for you. Maraming salamat sa pag-iingay mo sa comment section. Thank you sa lahat ng mga bagong follower at sa mga bagong nakaka-appreciate ng mga gawa ko. Dumadami na tayo. Labs na labs ko po kayo, pasensya na hindi ko ma-mention yung iba huhuhu di ko kayo kabisado.
Osya, happy reading everyone!
PS. This is unedited.
"Shit!" Mirkov gasped for air. Umangat ang kalahating katawan niya mula sa tubig. Ikinampay niya ang mga paa at nagpalinga-linga para hanapin ang dalaga.
And he saw her, swimming like a sexy mermaid, at papalayo na sa yate nya.
Tila umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo. Balak ba nitong languyin ang dagat hanggang makarating ito sa California? Does she have a death wish? Oo at malapit na lamang sa boarders ng California and yate niya, but still freaking dangerous! What's in California by the way, that his ómorfos is willing to risk her life just to get there?
Mabilis niya itong sinundan. He rapidly stroked his arms against the water and almost neglecting its density. She's good at swimming, but he is better. He wouldn't be called Conqueror of the Seven Seas without a reason.
The sea is his. He owns it. And no one can beat him on his own territory.
Not even Neptune.
Nang maabutan niya ang dalaga ay agad niyang ipinulupot ang mga bisig sa bewang nito at lumangoy pabalik sa yate.
"Bitawan mo ako!" She shouted in anger. Nagpumiglas ito at pilit pa ding ikinakampay ang mga kamay at paa sa salungat na direksyon ng kaniyang yate. Ngunit hindi ito mananalo sa lakas niya.
He smirked. Gamit ang buong lakas niya ay binuhat niya ito paakyat sa yate gamit ang isang braso. At dahil magaan lamang ang dalaga ay walang kahirap-hirap niyang nagawa iyon.
Nang makatungtong siya sa deck ay marahas niya itong binitawan doon. Napasalampak ito sa sahig ng deck. Yes. He's a scoundrel in words and in actions. At paninindigan niya iyon ngayon. Putol na ang pisi ng pasensya niya.
"What the heck is your fucking problem?!" Hinagod niya ang basang buhok ng mga kamay sa sobrang pagkairita. "Bobo ka ba ha? Bakit ka ba talon ng talon sa dagat?! Do you have a freaking death wish?!"
Ngunit hindi na naman sumagot ang babae na mas lalong nakadagdag sa pagkairitang nararamdaman niya. Nanatili lamang itong nakasalampak sa sahig patalikod sa direksyon niya. Her hands were both settled on the floor at natatabingan ng basa at mahaba nitong buhok ang mukha nito.
He raged. Naiinis na siya sa inaasal ng dalaga. Kahit siya ay nalilito na din dito. He want to help her but how can he do that if she will just shut her mouth forever?
Marahas siyang lumapit dito at mahigpit itong hinawakan sa magkabilang balikat. "Talk to me for fuck's sake!" Galit niyang sigaw dito at marahas ding ipinihit ang katawan niyo paharap sa kaniya. Nagtama ang mga mata nila. "I said talk to me--"
Agad siyang natigilan nang makita ang sunud-sunod na pagtulo ng mga luha nito. Her eyes and nose are both starting to get red.
"T-tulungan mo a-ako." She cried. Tila naglaho lahat ng inis at pagkairita na nararamdaman niya. Umawang ang bibig niya. He doesn't know what to say. He's not good in comforting people. "T-tulungan mo ako, p-pakiusap."
Something inside him stirred up to life. He did what his mind told him to do. He embraced her and let her bury her crying face to his neck. Naupo siya deck at ikinalong ito sa mga hita niya.
"Shhh. It's okay. Don't cry, please. I'll help you out, okay? I'll help you." Marahan niyang hinagod ang likod nito. Umiyak lamang ito nang umiyak habang paulit-ulit na binabanggit ang mga katagang 'tulungan mo ako, pakiusap.'
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)
Ficção GeralMirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'fuck' in different languages. Sa dinami-rami ng bark...